"Sinundo ka ba ni John kanina papunta dito?" Nagulat ako nang biglang nagtanong si Kim at hindi ko man lang namalayan na andyan s'ya sa likuran ko.
"A-ah eh. H-hindi eh." Nauutal na usal ko.
"Ha? Bakit?"
"Sinabi ko lang sa kan'ya na kaya ko naman." Pagsisinungaling ko. Baka magalit si Kim sa basta nalang pag-alis ni John palayo sa'kin.
Tumawa si Kim. "Hindi talaga kayo nagpapansinan?" Biglang tanong n'ya.
Nagulat naman ako sa tanong n'yang iyon. "Wala naman kaming pag-uusapan."
Umiling s'ya at hinawakan ang kamay ko. Hinila n'ya ako palabas ng classroom at naglakad kami papuntang cafeteria.
Habang nag-oorder kami ay panay naman ang tanong n'ya kung bakit hindi kami nagpapansinan ni John, minsan ay sinasabihan ko nalang s'ya ng "iwan".
Ayoko rin namang sabihin kay Kim na nahihiya ako kay John dahil sa nararamdaman ko. Hindi pwede iyon, baka mawalan ng tiwala sa'kin si Kim.
Nang matapos kaming mag-order ay agad kaming humanap ng bakanteng lamesa at agad na naupo. Nagsimula na akong kumain pero habang s'ya ay tumitig lang sa'kin.
"Ngayong mawawala ako ng ilang araw o ilang buwan, do me a favor, please?" Biglang sabi n'ya na ikinatingala ko naman.
"Ano?"
"Gusto kong bantayan mo si John habang wala ako, Em. Ayoko lang na may ibang babae s'yang kasama maliban sa'yo na babantayan mo." Sabi n'ya, may bahid na pakikiusap ang mga mata n'ya.
Kumunot ang noo ko. "Wala ka bang tiwala sa kan'ya?" Tanong ko sa kan'ya.
Nagulat s'ya sa tanong ko at ilang sandaling tumitig bago iniwas ang paningin mula sa'kin, kapansin-pansin ang pagkabalisa n'ya, mas lalong kumunot ang noo ko. "Of course, yes! I just want to make sure. If I love this man, I'm willing to sacrifice, I will do all things just for him."
"Pero hindi sa ganyang paraan, Kim."
Hinawakan ako sa kamay ni Kim na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at umiling-iling. "No, Em. Please?"
Bumuga ako ng hangin at tinitigan s'ya ng ilang segundo bago ako tumango. Ngumiti si Kim sa akin at bigla akong niyakap.
"I owe you a lot, Em. Thank you!" Pasalamat n'ya, tumango lang ako.
Nang kumalas s'ya sa yakap ay ngiting pilit lang ang itinugon ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa matatapos ang pagsisinungaling ko sa kan'ya. Hindi naman siguro pagsisinungaling iyon 'di ba?
Bumuntong hininga nalang ako at yumuko nalang para kumain.
Nang matapos kaming kumain ay naglakad-lakad lang muna kami sandali dahil malaki pa naman ang oras.
Marami kaming nakakasalubong na mga estudyante at bumabati sa'min. Ngiti o kaway lang ang tugon namin sa kanila. Nang makasalubong namin ang nagpapakaba at nagpapadala ng kilabot sa'kin ay agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko at humiwalay sa kapit ni Kim at binigyan sila ng ispasiyo.
Nang makalapit kay Kim si John ay agad s'ya nitong inakbayan at hinalikan sa sentido.
Mas bumigat ang dibdib ko sa nakita. Pero pinilit ko paring ngumiti kahit ang sakit-sakit na. Hindi ko parin pinagkakaila na bagay talaga sila. Mas mabuti pa sigurong tigilan ko na ang gustuhin si John dahil ako lang ang masasaktan at makakasakit.
"Kami nalang ni Em ang pupunta ng mall." Narinig kong sabi ni Kim sa kasintahan.
"You sure?" Paninigurado ni John.
Nagsimula na kaming maglakad at nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Yeah. Ayoko rin namang disturbohin ka," aniya.
Tumingin sa'kin si John at agad namang itinuon kay Kim. "What time is your flight? I will fetch you there."
"9 am."
"Okay, then."
Sakto namang tumunog na ang bell kaya kinuha ko na ang atensyon ni Kim dahil mukhang nag-uusap pa sila, hindi siguro nila napansin ang pagtunog ng bell.
Nagpaalam na s'ya sa kasintahan bago kami umalis. Tumingin din ako kay John at agad din namang iniwas ang paningin.
Nang makarating kami sa classroom ay nagsisimula na namang manginig ang buong katawan ko dahil ang susunod na prof na dadating ay ang pinaka-ayaw ko din sa lahat.