IYA
Matapos ang nakaka-ubos utak na Mathematics na kaagad sinundan ng nakaka-nosebleed na English subject ay kinaladkad ako ng baklang si Josefa. Kakain daw kami sa canteen. Wala na akong lakas para tumanggi. Masyadong advance ang mga aralin nila sa school na 'to kaya naman talagang sinikap ko ng buong puso na maintindihan ang lessons.
"Sama akoo!"
Huminto sa paglalakad si Josefa at hinintay namin si Yana na may kung ano pang kinukuha sa bag n'ya. Napaka-astig n'yang tao pero wag ka't Hello Kitty ang design ng bag.
"Oi, Ces sumama ka na rin sa amin," aya ni bakla na kaagad namang sinang-ayunan ng isa.
"Sue, halika na. Huwag kang sumama sa mga lalaking 'yan at baka tubuan ka na ng male organ," hinila ni Celeste ang kamay ng mahiyaing si Sue. Gusto ko tuloy matawa dahil sa sinabi n'ya.
"P-pero k-kase..."
"Sige na Sue. Makipagkaibigan ka naman sa mga kapwa mo babae."
Maligaya pa ang dalawa n'yang kakambal na lalaki nang makitang may ibang taong nagpresentang gustong mag-alaga sa kakambal nilang babae. Kitang-kita ko na gustong humabol ni Sue sa mga kapatid n'ya, pero mabilis pa sa alas-kwatrong nakatakbo palabas ng classroom ang kambal kasama ang grupo ni Peter.
"Halika na, huwag ka ng mahiya," si Josefa na mismo ang humila sa kamay ni Sue.
Kaya ang dalawang taong magr-recess na magkasama ay naging lima na. Nagpatianod na lang ako sa gusto nila. Kalahating oras lang ang breaktime. Bago kami makababa sa first floor, paniguradong maraming minuto na kaming nasayang sa pagbaba.
"This is so unfair! Ten minutes na agad ang naubos natin and take note, tumakbo pa tayo nun! Pagdating sa canteen pipila pa tayo. My gee, pagkabili ng pagkain babalik na ulit tayo sa classroom. Pinapahirapan ba tayo ng school na itey?!"Maarteng maktol ni Josefa.
"Ano kaya kung magtinda ako sa classroom ng mga kakanin?" wala sa loob na sambit ko. Naisip ko lang kase, hindi ba mas convenient 'yun? Saka hindi na kami mahihirapan ng kinaaakyat baba mula third floor hanggang first floor.
"Kakanin? What's that?" kunot-noong tanong ni Yana.
Pinagtaasan ko s'ya ng kilay.
"Ke tanda-tanda mo na hindi mo alam kung ano ang kakanin?" nakataas ang kilay kong tanong. Kahit naman siguro gaano sila kayayaman, imposible namang hindi pa sila nakakakita ng suman, tikoy o puto hindi ba? Sa tv nga meron eh.
"Uhm... Bakit hindi mo subukang magdala? tingnan natin. Try mong magdala bukas," nakangiting saad ni Yana sabay kindat sa akin na hindi pinansin ang pagtataray ko sa kanya. May problema yata ang isang 'to. Kapag ako ang nagtataray wala s'yang problema, pero kapag ibang tao ang nagtaas lang ng boses sa kanya inuupakan n'ya kaagad-agad.
Favouritism ba ang tawag dun? Should I feel honoured?
"Pero gustuhin ko man, wala namang lugar para paglutuan ko ng mga 'yun," sabi ko sabay kibit ng balikat. Pwede ko sanang pagkakitaan 'yun. Pero ano namang magagawa ko. Hindi naman pwedeng lagyan ko ng kusina iyong tinutuluyan ko sa poder ng magaling kong nanay.
Huminto sa paglalakad si Yana.
"Teka akala ko ba nagmamadali tayo?" Nagtataka kong tanong.
Kaagad kong inalis sa isipan ko ang pagnanais kong magnegosyo. Gustuhin ko man, wala naman akong paglulutuan.
"I know a place," Yana said while beaming happily.
"Anong place?" tanong naman ni Josefa. Ramdam kong hindi s'ya naka-relate kay Alyana. Ako naman parang nahuhulaan ko ang tinutukoy ni Yana kaya lang hindi ako naniniwala na may lugar talaga s'yang alam na pwede naming gamitin.
"Sasabihin ko pero dapat sosyo tayo sa gagawin mong negosyo," ani Yana. Wala pa nga may kondisyon na kaagad ang bruha. Ang yaman na mukhang may balak pang makihati.
Buong akala ko, gangster s'ya. Tipong pakikipagbasag-ulo lang ang alam gawin. Sinong mag-aakala na may kakaibang trip din pala ang isang 'to. Mukhang negosyante rin.x
"Sabagay, nakakasawa na rin ang mga pagkain sa canteen. Tell us, Iya gaano ka kagaling magluto?" si Celeste naman ang nagtanong.
"Yah, I like the idea. Alam n'yo naman hangga't maaari ayokong umasa sa magaling kong tatay. Kung magkakanegosyo tayo, why not diba?" ani Josefa. Excited na excited pa ang boses niya habang nagsasalita.
"Kung sa capital, I can give some of my baon," ani Yana.
"Me and Sue will also give some of our money. Josiah, since medyo gipit ka sa budget bakit hindi na lang ikaw ang mamili ng mga kakailanganin? I'm sure hindi naman magagawa ng cook natin 'yun hindi ba?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang apat. Seryoso ba sila sa mga pinagsasasabi nila?
Wow ha. In fairness ang advance nila mag-isip ah.
Pero teka nga muna!
"Guys gutom na ako. Hindi ba pwedeng mag-breaktime muna tayo? " nakangiwi kong tanong. Hello, omelet lang ang ipinakain nila sa akin kanina at isang basong fresh milk. Sanay akong kumain ng sangkaterbang kanin o kaya sinangag tapos tuyo ang ulam. Kaso, hindi naman iyon ang ipinapakain nila sa akin. Tsk. This is torture! Capital T O R T U R E!
"Wala na tayong oras mag-breaktime. Magpapabili na lang ako kila Peter ng sandwiches," sabi ni Ces saka kinuha ang phone n'ya. Ilang minuto lang s'yang nakipag-usap sa phone bago n'ya iyon muling ibinalik sa mamahaling fluffy purse na dala-dala n'ya.
"Okay! Ipapakita ko sa inyo ang mahiwagang silid ngayon," excited na turan ni Yana saka patakbong bumalik patungo sa hagdanan.
"Let's go girl. I really like this idea," masayang anas ni Josefa saka umabresiete na naman sa akin. Dinaig ko pa ang jowa n'ya na palagi n'yang pinupuluputan. Palaging nakapulupot ang braso n'ya sa braso ko. Although it's not disgusting, it's kinda weird. Afterall, lalaki pa rin naman s'ya hindi ba?
Dali-dali na kaming sumunod kay Alyana. Base sa ekspresyon ng mukha ng mga kaibigan n'ya hindi rin nila alam ang tinutukoy na lugar o silid ng babaeng gangster. Nilampasan namin ang classroom namin. Nagpunta kami sa dulo ng silid kung saan may makipot na espasyo na pinaglalagyan ng mga walis tingting at walis tambo. Mga basahan at kung anu-ano pang gamit sa paglilinis.
"Stop playing around Yana. Anong silid ba ang pinagsasasabi mo?" Nakakunot-noo na tanong ni Ces dahil sa totoo lang, bukod sa mga dust pan, walis at floor mop, wala na kaming makita na ibang gamit.
"Excited?!"naiiling na anas ni Yana. "Ang totoo, hindi pa ako nakakarating dito pero ang sabi sa akin nung dating estudyante dito na aksidenteng nailigtas ko sa isang gulo, ginawa daw nila ang silid na ito para dito sila nagluluto ng mga kakainin nila dahil nga inirereklamo din nila ang layo ng classroom sa canteen. Puzzle, wait...ang sabi n'ya if I can solve the puzzle I can open the door and the secret room will definitely be ours,"
Baliw. Naniwala naman s'ya na may ganoon nga? Napailing na lang ako. Gutom na ako at gusto ko ng kumain.
Lahat kami ay naghanap ng puzzle na tinutukoy ni Yana.
"Ito ba 'yun?"
Lahat kami ay napatingin sa nagsalitang si Sue. Itinuturo n'ya ang isang picture frame na hindi nga naman maintindihan ang itsura. Dahan-dahang lumapit si Yana at sinubukang alisin ang picture frame sa pader. At nang sumayad ang kamay n'ya sa naturang bagay, kusang umangat ang salaming nagsisilbing frame ng puzzle.
Astig!
"Wait, what's this? What kind of picture is this?" Mukhang na-stress ang bruha.
"Pwede ko bang subukan?" curious na tanong ko.
Yana and Sue gave way.
Dahan-dahan akong lumapit sa larawan at isa-isang ginalaw ang bawat piraso na naroon. Maliliit ang puzzle pieces ng naturang picture. Kung susumahin, may palagay akong nasa bente piraso lang iyon. Ilang minuto lang ay nabuo ko ang larawan ng iba't-ibang uri ng condiments. Hindi naman lahat ng condiments ay nasa larawan. Toyo, suka, patis, ketchup at hot sauce lang ang nasa puzzle.
"That's it?" Pabulong na tanong ni Josefa. At bago pa may sumagot sa tanong n'ya. Natulala at natigilan kaming lahat ng bumukas ang isang bahagi ng pader. Nagkatinginan kaming lima.
"Wow,"
"Totoong may secret room nga, akala ko ginogoyo ka lang nung sinasabi mong babae eh, "
"Astig, "
"I told you guys. Hindi sila pwedeng magsinungaling sa akin dahil isang kumpas lang ng daliri ko, mahahanap at mahahanap ko kung nasaan sila. Kailan pa may nakapanloko sa akin? " aroganteng tanong ni Yana. Siya ang unang pumasok dahil iisang tao lang ang kasya sa makipot na pintuan. Dahan-dahan akong sumunod.
Nang makapasok kaming lahat ay automatic na sumarado ang pader. Whoa! Cool! Kasabay ng pagsarado ng pintuan ay s'yang pagbukas naman ng ilaw. Sa isang maliit na chandelier nanggagaling ang liwanag. Makipot lang ang silid kaya kitang-kita namin na may isa pang pintuan doon na hindi naman namin alam kung para saan.
"Hindi ba't parang elavator 'to," si Josefa ang unang nagsalita.
"Gumagana kaya?" Worried na tanong ni Yana. Napakamot na lang ako sa ulo. Ang lakas-lakas ng loob n'ya kaninang magsabi na may alam s'yang room, iyon naman pala ay hindi n'ya pa napapasok. Pambihira.
Wala naman kaming choice. Nagsilapitan kami sa pintuan at kaagad na bumukas iyon ng maramdamang pumila kami. Astig, parang may sensor ah. Up and down lang ang button na nandoon, nasa up kami so naturally down lang ang pwede naming piliin. Nang pindutin ni Ces ang button, halos hindi namin naramdaman ang pag-andar ng elevator. Just in a split seconds bigla na lang umilaw ang itaas na bahagi ng elevator kasunod noon ay ang pagsasalita ng isang babae ng "welcome to the kitchen dungeon".
Kitchen Dungeon.
Umangawngaw pa sa isipan ko ang pangalang iyon pati na rin ang female electronic voice.
Isa-isa kaming lumabas sa elevator at tumambad sa amin ang lugar na punong-puno ng mga puting tela. Dahan-dahan akong lumapit sa isang malaking tela at inalis ang pagkakatakip doon. Isa iyong malaking freezer. Ang nabuksan naman ni Yana ay isang bagong-bagong oven where you can grill, steam, bake and may apat na electric burner sa ibabaw.
Wow. Ni hindi pa ako nakakakita ng ganito kagagarang mga gamit sa tanang buhay ko sa personal. Puro sa magazines ko lang nakikita ang mga ito.
Ramdam ko ang biglang pagtibok ng malakas ng puso ko. Adrenaline rush came crushinh
Kung ang ibang kaseng edad ko ay naghuhugis puso ang mga mata sa tuwing makikita ang mga taong hinahangan o gusto nila, naghuhugis puso naman ang mga mata ko kapag ang nakikita ko ay makakapagdala ng limpak-limpak na salapi sa bulsa ko. But wait, there's a problem! Hindi ako marunong gumamit ng mga ito. Hindi naman kase ganito kaha-hightech ang mga gamit sa probinsya.
"Paano naman natin 'to gagamitin? Itong ref lang yata ang alam kong gamitin. Tsk, " napapailing kong sambit.
"I-I k-know how to use all of this, "
Lahat kami ay napatingin kay Sue. Dahan-dahan s'yang napaatras ng maramdaman n'ya ang matiim naming pagtitig sa kanya.
"Ah...eh...,"
"Oo nga pala. We have a genius here! Isang basa lang ni Sue sa isang manual, alam na kaagad n'ya kung paano gagamitin ang isang bagay," napapalatak na bulalas ni Yana.
Such a genius and landed at the worst section?
"We know what you're thinking lady. Sue here, can't live without his brothers. Kaya sa halip na makipagsiksikan s'ya sa silid ng mga sosyal at matatalino kunong mga estudyante, mas gusto n'yang patuloy na manirahan sa trash section kasama namin,"
Napatingin ako kay Ces, pagkuwan ay kay Sue. Pero mabilis na itong nagyuko ng ulo na para bang isang malaking kahihiyan ang natuklasan namin tungkol sa pagkatao niya.
"Then, I will cook. Sue will teach me how to use these things at mamayang tanghali, babalik tayo dito para maglinis,"
Lahat ay sumang-ayon sa sinabi ko. Pagkatapos naming makita ang kabuuan ng kitchen, nagdesisyon na kaming umalis doon. Pero bago kami sumakay sa elevator, may napansin akong isang manual na nakapatong sa manipis pero may kataasang bookshelf.
"Bilisan n'yo baka nandun na sila Peter. I'm sooooo hungry girls. At saka darating na mamaya ang susunod na teacher natin,"
Speaking of susunod na teacher. Napatingin ako sa suot suot kong wrist watch. 5 minutes na lang at magsisimula na ang susunod na klase. Dali-dali na akong sumakay sa elevator. Ilang sandali pa ay nakabalik na kami sa loob ng classroom.
"Saan ba kayo galing?"
Napatingin kami kay Peter na may dala-dalang mga supot. Kinuha iyon ni Yana at inabutan kami isa-isa.
"Nagkakagulo kanina pa sa canteen. Hinahanap ng mga alepores ni de Ayala itong si Iya. Sabihin mo nga, nagpapakamatay ka ba?"
Napahinto ako sa akmang pagkagat sa sandwich. Hindi ko rin mapigilang pagtaasan ng kilay si Peter. Kung hindi ako kakain, aba, ay talagang nagpapakamatay na ako.
Nilampasan ko si Peter saka nagtungo sa upuan ko. Gutom na gutom na ako eh, ano bang kinalaman ko sa kaguluhang nagaganap sa canteen nila. Hmm...masarap 'tong sandwich in fairness. May egg and ham, may nalalasahan din akong fresh na kamatis at may lettuce na naman. And there's also cheese. Sarap!
"Ano bang nangyari?" curious na tanong ni Yana.
"Hindi daw pwedeng magpunta sa canteen ang section natin hangga't hindi natin dinadala itong si Iya,"
Sabay-sabay na namang tumingin sa akin ang buong klase. Hindi ko sila pinansin. Dahil sa gutom, mas bet kong namnamin ang sarap ng kinakain ko kesa sa tsismis na lumalabas sa bibig nila.
"Kung bawal bumili dun, saan kayo bumili nito?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ces.
"Hindi namin 'yan binili. Dinekwat namin yan sa mga grade 7 na palabas ng canteen,"
Muntik na akong mabulunan dahil sa narinig ko. Ano daw?!