Aliyah Neslein Mercado's Point of View
" Prinsesa gising na po. Puyat na puyat lang ah! "
" Ano ba Tin, 5 minutes! Give me five more minutes. "
" Pinapagising ka na kaya, ikaw na lang ang hindi pa nagbe-breakfast. " bigla akong napabangon ng marinig kong muli ang boses nya.
" Tin? ! ! " bulalas ko.
" Yes ma'am. Celestine Mariano in flesh! " yumukod pa sa harap ko ang bruha. Akala ko nananaginip ako kanina, totoo na pala.
" What are you doing here? Kailan ka dumating? How'd you get here? " sunod-sunod na tanong ko.
" Wow ha! Daming tanong. Na-miss mo ko noh? " asar pa nya.
" Sira! Kagabi lang tayo hindi nagkasama, miss na agad? Akala ko kasi nanaginip lang ako. Paano ka nga nakarating dito eh never pa naman kitang naisama dito? "
" Simple lang madam. Binigay ni yaya Melba yung address pati instructions. Boom! Voila! Heto na ako. Pinapunta kasi ako ni sir Frank dito, next week pa raw kasi sya makakabalik ng Makati kaya dito na raw ako mag-training. Besh excited ako kaya madaling araw pa lang bumiyahe na ako papunta dito. Tulog pa nga sila yaya Melba nung umalis ako. Excited ako kasi sabi ni sir Frank, ang mommy mo daw ang magte-train sa akin. Grabe besh, na-StarStruck na naman ako sa mommy mo kanina. Paano na kaya kung makakasama ko sya palagi, plus yung tatay mo pang sobrang gwapo din? Ay panalo besh! " tila nangangarap pa sya habang nagku-kwento.
" Huwag ka nga dyan! Ayaw nila mommy na parang bituin sila na tinitingala. Simpleng tao lang sila. Kung paano ka sa harap ni tito Frank, ganun ka rin kila mommy ha? " paalala ko. Close na kasi sya kila tito Frank dahil dun kami nag-ojt.
" Sige besh. Pasensya na, nai-StarStruck kasi ako kapag nakikita ko sila.Kasi naman alam mo namang iniidolo ko sila pagdating sa runway at billboards . "
" Okayqlang yon Tin. Pero ngayon, ituring mo rin sila na parang magulang mo. Okay ba Tin? "
" Yes ma'am! " sumaludo pa sya.
" Ma'am ka dyan! " saway ko.
" Why not, coconut. Ikaw ang magiging boss ko pag nag-start na tayo dun sa ComTech di ba? "
" Kahit na! "
" Ah basta! "
" Ay ang kulit! " sabay pa kaming natawa.
" By the way, kumusta yung celebration mo kahapon? " tanong ko.
" Hayun, natuwa naman sila tito lalo na yung mahadera nyang asawa. Pakainin ko ba naman sila sa paborito nilang fastfood. Sky is the limit nga besh. Buti na lang niregaluhan ako ng gift certificate ni sir Theo, kaya hayun napakain ko sila ng bongga." pagkukwento nya. Hindi sya nakasama kahapon pauwi dito sa Sto. Cristo dahil ni-blow out nya ang pamilya ng tito nya. Ang tito nya kasi ang sumama sa kanya sa graduation march. Isa rin kasi sya sa nakuhang cum laude sa batch namin. Nakakatuwa nga kasi ang barkada namin ang halos nakakuha ng mga Latin honors.Si Derrick, Gen at Sav ay mga cum laude din. Si Yuan at Prince lang ang walang nakuha pero in fairness naman, matataas din ang grades nila kinulang lang ng ilang puntos para makasama sa honors. May special awards naman silang nakuha dahil varsity sila ng basketball team.
" Mabuti naman kung ganon. Anyway, kumain ka na ba? Nakita mo ba si Jam sa labas? " tanong ko ng bigla kong maalala si Jam.
" Oo, saktong mag-uumpisa na silang mag-breakfast nung dumating ako. Kasabay nga rin si Jam. Nagtataka nga ako kung bakit wala ka. Gigisingin ka na nga sana ng lola Baby mo kaya lang pinigil ng lola Paz mo, hayaan ka na lang daw muna makatulog ng mahaba-haba. Nandun na ngayon si Jam sa garden kausap ng mga tito at lolo mo. " tumango na lang ako sa sinabi nya tapos sinabihan ko na hintayin na lang nya ako at susunod na ako sa labas after ng morning rituals ko.
Ilang sandali lang ang lumipas nang lumabas na ako. Naririnig ko nga silang nagkakaingayan sa garden. Nangingibabaw ang boses ni lolo Franz. Iginiya ako ni Tin sa dining room, naipaghanda na daw nya ako ng almusal. Sinamahan nya ako habang kumakain ako. Nag-uusap kami nung pumasok si dad sa dining area para magtimpla ng kape.
" Hi dad! Good morning. " masiglang bati ko.
" Hi sweetie! " lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa ulo. Binati rin nya si Tin.
" Magkakape ka na naman po? Daddy ha? " may pagbabanta sa tono ko.
" Naku! Para ka talagang si Laine kung kumontra. Wala akong bisyo, ito lang. " kunwa'y nayayamot nyang turan. Pagdating talaga sa kape, mang-aaway yan pag pinigilan.
Napatingin ako kay Tin. Tulala na naman sya habang nakatingin kay daddy.
" Hoy! Celestine. " pukaw ko sabay yugyog sa braso nya.
" Ay sorry po. Si sir Nhel kasi ang gwapo. "
" Hahaha. Ikaw talaga Celestine, nagsasabi ka ng totoo. Samantalang itong anak ko, ni hindi ako bolahin man lang eh kami naman ang magkamukha. " sambit ni dad.
" Yun mismo dad. Ayaw kitang bolahin kasi nga magkamukha tayo. Baka sabihin nagbubuhat ako ng sarili kong bangko. "
" Yan ang anak ko, humble. " nagkatawanan na lang kami sa sinabi nya.
" Si Jam nga pala dad, nasa garden po ba? " biglang tanong ko nang maalala ko na naman si Jam.
" Umalis kasama si Neiel at Andrei. " nangunot ang noo ko sa sagot nya. Saan kaya nagpunta yung mga yun?
" Dumating si Jake at Bidong kanina, nagyayang mag-basketball kaya hayun sumama yung tatlo. " sagot ni dad nang mapansin nya ang pagtataka na naka-rehistro sa mukha ko.
" Napaka-friendly talaga nung tao na yon. Kakikilala lang nya sa kanila kahapon, sumama na agad. Ni hindi na ako naalala man lang. " tonong nagtatampo na nagseselos pa ako.
" Anong hindi! Tatlong beses ka na ngang pinuntahan sa room mo, kung matulog ka naman kasi parang mantika. " sagot ni daddy. Medyo napahiya naman ako.
" Ay ganon. Sige susunod na lang po siguro ako sa covered court after ko mag-breakfast. Pwede po ba dad? "
" Why not? Hindi ka na teen ager para pagbawalan pa kita. Isama mo yang si Celestine nang maipakilala mo kila Richelle at Anne. " suhestiyon pa ni daddy.
After ko nga mag-breakfast ay nagbihis na ako para pumunta na sa covered court. Sinama ko na rin si Tin para naman makapamasyal na rin sya habang hindi pa sya nagte-training. Dinaanan na rin namin si Richelle at Anne na swerte namang nasa bahay lang. Pinakilala ko na rin si Tin sa kanila.
Habang naglalakad kami papunta ng covered court ay panay ang interview nila kay Tin .Saktong narating namin ang pakay na lugar ay tapos na rin ang kwento nya ng pang-Maalaala Mo Kaya na buhay nya.
Nung naroon na kami ay umupo kami sa bleacher sa may gitna. Naroon nga si Jam kasama si Neiel at Andrei, naglalaro. Kalaban nila ang team ni Bidong. Kakampi nung tatlo si Gilbert at Caloy. Sa team Bidong naman ay si Jake, Itoy, Coco at si. . . . Onemig?
Malamang Aliyah. Dabarkads nila yan.
Medyo marami yung nanonood, may pustahan pa yata. Marami ang nagtsi-cheer kila Onemig dahil kasama nila ang presidente ng youth club namin, si Coco. Kila Jam naman, ang sumusuporta sa kanila ay ang mga cute girls na kinikilig sa kapatid ko at kay Andrei. Mga bata nga naman this days, kakaiba.
Dahil medyo kulang sa cheer ang grupo nila Jam, inumpisahan na ni Richelle ang pag-cheer. Isa-isang isinisigaw na ang pangalan nung lima. Awtomatikong napatingin sa banda namin si Jam na nung makita ako ay nag-flying kiss pa kaya naagaw tuloy ni Onemig sa kanya yung bola. Ang sama tuloy ng tingin sa akin nung mga girls na kinikilig kay Jam, na parang ako pa ang nang-agaw kay Jam sa kanila. Talaga naman.
Naging mainit ang laban. First half pa lang pero akala mo last two minutes na. Tama ang hinala ko, may pustahang nagaganap. Sabagay panahon pa nila daddy, ganyan na ang gawain dito ng mga kalalakihan.
Natapos ang first half. Lamang ang grupo nila Bidong ng two points. Magagaling kasi ang players nila although magaling din naman si Neiel at Andrei. Praktisado si Neiel kay dad at si Andrei naman ay naging star player sa school nya sa Zurich. Wala rin naman akong masabi sa galing ni Jam, team captain kasi sya ng basketball team namin noon sa university sa Zurich.
" Babe, pahinging water. " sambit agad ni Jam paglapit nya sa pwesto namin. Inabot ko naman sa kanya yung mineral water na dala ko. Binigyan ko rin si Neiel at Andrei. Pati si Gilbert at Caloy. Akmang pupunasan ko sila sa likod nila ng umiwas si Neiel.
" Ate naman, ako na kasi. Hindi na ako baby noh! " natatawa na lang ako habang inaabot ko ang tig-isang towel sa kanila ni Andrei. Sa huli ay si Jam na lang ang pinunasan ko sa likod.
" Uy ang sweet naman! " asar sa akin ni Tin.
" Hi Tin! " bati ni Jam sa kanya.
" Hello Jam. Ang sarap magmahal ng besh ko noh? " natawa na lang si Jam sa sinabi ni Tin. As usual, ayaw nya mag-comment, kasama kasi namin si Gilbert at Caloy.
" Uy Liyah sino yang magandang chick na kasama nyo? " singit naman ni Caloy.
" Ah oo nga pala, si Tin kaibigan ko. Tin, ito si Gilbert at Caloy, mga pinsan sila ni Richelle at Anne, mga kababata namin sila. " pagpapakilala ko.
" Hi! Celestine Mariano po, 21 years of age and very much single and I came from the very beautiful province of Abra. And I thank you. " natawa kaming lahat sa kakikayan ni Tin. Pwera lang kay Gilbert. May kakaibang tingin sya kay Tin. Parang fascination, amusement? Parang ganon. Basta iba.
" Haha. Pasensya na, ganyan talaga sya, may sapi kasi yan minsan ni Vice Ganda. " sabi ko.
" She's so cute. " tila nangangarap na sambit ni Gilbert.
" Hoy kuya ha! Mukhang type mo pa yata yang si Tin? " asar ni Richelle sa pinsan. Nang tingnan ko si Tin ay nagba-blush na ang bruha.
Tuloy ang asaran nila ng mapadako naman ang tingin ko sa kampo nila Bidong. May bagong dating na babae na hindi pamilyar sa akin ang mukha. Lumapit ito kay Onemig at humalik sa pisngi nya. Kinuha nya ang towel na hawak ni Onemig at sya na ang nagpunas dito.
Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ganoon ang nararamdaman ko sa nakikita ko. Parang pinipiga ang puso ko at pinipiraso na naman ng paulit-ulit.
Parang nakalimutan ko na yung dating sakit tapos ngayon may umuusbong na naman na panibago.
Mahal mo pa eh kaya ganon.
Siguro napansin ni Jam ang pananahimik ko kaya tiningnan din nya kung sino ang tinitingnan ko.
" Must be his new girlfriend? " bulong nya.
" Yeah, I think. "
" Nasasaktan ka? " pabulong na tanong nya.
I sighed. " Hindi ko alam. " hindi ko man direktang aminin pero alam ko na alam niya ang nararamdaman ko.
" Don't mind them. " turan nya. Malungkot na lang akong tumango. Niyakap naman nya ako at hinalikan sa ulo. He's trying to comfort me.
Nang mapansin ni Anne ang bagong dating sa kampo nila Onemig at napuna nyang doon kami nakatingin ni Jam, lumapit sya sa amin at iniwan ang mga nag-kakasiyahan sa panunukso kay Tin at Gilbert.
" Besh, nakita nyo ba yon? " tumango ako.
" Yan yung sinasabi nilang girlfriend ni Onemig ngayon. Taga kabilang baranggay yan at sa FCG nagta-trabaho under tita Laine. " turan ni Anne. So empleyado pala namin.
" What about Greta? Akala ko ba sila ni Greta? " hindi na nakatiis kong tanong.
" Naghiwalay sila last year. Nahuli ni Onemig si Greta na may ka-tsuktsak chenes sa kanila, kapitbahay yata yun. " napaisip ako. It must be the same man na nahuli din ni Onemig noon, kapitbahay daw eh. Some kind of de javu.
" Kaibigan daw ni Onemig ang kapatid nyan. Malaki daw yata ang utang na loob ni Onemig sa kuya nyan. Ewan ko kung ano yon, ayaw naman nila magkwento. Tapos yun, nabalitaan na lang namin na sila na. Mukhang okay naman sila di ba? " tumango na lang ako sa sinabi ni Anne kahit na ang totoo, para akong sinasakal.
NANALO ang team nila Bidong ng 1 point lang against sa team nila Jam. Nagkaroon ng celebration sa bahay nila Jake dahil malaki ang bakuran nila doon. Isinama na kami nila Gilbert tutal katuwaan lang naman.
Ayaw ko na sana kasi makakasama namin yung girlfriend ni Onemig kaso inudyukan ako ni Jam na makisama na lang. Huwag ko daw ipahalata na bitter ako. See? sya lang talaga ang nakaka-alam na bitter ako. Ganyan nya ako kakilala.
Panay naman ang sulyap sa akin ni Onemig. Deadma lang ako na kunwari hindi ko sya napapansin. Mag-isa lang kasi ako dun sa garden chair, nakiumpok si Jam sa kanila.
Nung akmang lalapitan nya ako. . . .
OMG! Hayan na sya. Hingang malalim. Inhale, exhale.
Nang may biglang sumalubong naman sa kanya. Mariin syang hinalikan sa labi.
Na-shock ako sa nasaksihan.
Aba't sa harap ko pa talaga.
Mga walang pakundangan!
Ang hahalay nyo! Leshe!