Author says : Ito na po yung karugtong nung nasa Prologue. Haba ng itinakbo nung flashback noh? Kaya nasa present time na po tayo. Happy reading!
Aliyah's Point of View
" Besh, ang ibig mong sabihin, yung customer natin kanina na super gwapo at yung Onemig na kinukwento mo sa akin ay iisa? Weh di nga? " hindi makapaniwalang tanong ni Tin sa akin. Natawa ako sa reaksyon nya. Kanina kasi nung ibigay ko yung t-shirt na order ni Onemig kay Tin, at nalaman kong sya yon ay biglang natuod ako sa sobrang gulat. Nanlambot ang tuhod ko at kumalampag ng malakas ang puso ko. Nang matauhan ako ay bigla na lang akong nataranta, tinalikuran ko sya at nagpaalam kay Tin na magbabanyo lang. Hindi ako bumalik ng selling area hanggat hindi ko nasisigurong nakaalis na siya. Kaya ngayon nagtatanong si Tin kung bakit ganon ang inasta ko. Sinabi ko na yung totoo, na ito yung tao sa past ko na kinukwento ko sa kanya.
" Siya nga yon. Bakit parang hindi ka makapaniwala besh? " hindi nya pinansin ang tanong ko, bagkus ay parang nangangarap pa na humarap sa akin. Panay pa ang kurot sa braso ko.
" Besh, ikaw na talaga. Nung magbuhos yata ng mga fafables si Lord, gising na gising ka at sumasalo. Grabe, ang gwapo nung guy kanina, parang lumuwag nga ang garter ng panty ko. Sobrang gwapo na nga ni Jam, hindi rin pala pahuhuli ang ex mo. Ang tindi talaga ng alindog mo besh. Bangis! " napapailing na natatawa na lang ako sa kanya.
" Sira kung ano-ano sinasabi mo dyan. Mag-ayos ka na nga dyan at ng makauwi na tayo. " untag ko sa kanya.
Sinunod naman nya ako. Inayos na ang kanyang gamit at isinara ang locker. Closing shift kami ni Tin sa department store na ito. Part time lang kami dito, 3-9pm ang schedule namin everyday dahil estudyante nga kami. Ilang araw na lang endo na kami. Graduation na namin next month.
Nakilala ko si Tin or Celestine Mariano in real life nung bumalik na ako sa dating University na pag-aari nila Sav .Transferee sya mula sa province ng Abra. Classmate namin sya nila Sav, business ad din ang degree program nya. Namatay ang parents ni Tin dahil sa car crash at mag-isa na lang siya sa buhay. Napilitan syang lumuwas ng syudad at makipanirahan sa kapatid ng father nya na nasa Tondo. Pinag-aral sya nung una, kapalit ng paninilbihan nya sa mga ito. Medyo nahihirapan sya dahil maraming anak ang tito nya kaya marami din syang pinagsisilbihan. Madalas din daw syang parinigan ng asawa ng tito nya na pabigat sya kaya napilitan syang mag -part time job.
Nung panahon na kinukulit ako ng pamilya ko na umuwi na ng Sto. Cristo, humingi ako ng tulong kay Tin na isama nya ako sa mga part time job nya para may rason ako na hindi umuwi. Kaya sa lahat ng pinasukan nyang trabaho ay kasama nya ako. Nung una nahihirapan ako pero kalaunan ay nasanay na rin ako. At ngayon nga, ito na ang huling part time job namin ni Tin dahil magtatapos na kami next month. May naghihintay ng trabaho sa akin sa Makati, yung iniwang posisyon ni dad sa Comtech Masters. Nasa FCG sa Sto. Cristo na rin kasi si daddy at yung iniwan nyang posisyon ang inilaan sa akin ni tito Frank. Hinihintay lang nila akong maka-graduate. Isasama ko na rin si Tin dun bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya.
Kinupkop ko rin si Celestine nung panahon na wala na syang mapuntahan. Nangyari ito nung minsang umuwi sya sa bahay ng tito nya at inabutan nyang nag-aaway ang mag-asawa at ang pagkupkop sa kanya ang issue. Napilitan ang tito nya na paalisin sya para wala na lang daw gulo. Tutal may trabaho naman daw sya, baka kaya na raw nyang mangupahan na lang. Nung malaman ko yon ay mabilis akong nagdesisyon. Nagpaalam ako kila daddy at mommy na patirahin na lang si Tin sa amin. Pumayag naman sila tutal si yaya Melba at si ate Angie lang naman ang kasama ko sa bahay.
Mahigit isang taon ko na rin syang kasama. Mabait at masipag din sya at marunong makisama. Itinuring ko na syang kapamilya. Sa kanya ko ikinwento ang lahat ng nangyari sa buhay ko sa nakalipas na mahigit tatlong taon. Kilala nya na rin si Jam dahil umuuwi naman ito sa Pilipinas tuwing sem break. Kaya nga ganoon na lang ang reaksyon nya nung makita nya si Onemig kanina, sobrang blessed ko daw sa pagkakaroon ng mga gwapong guys sa buhay ko.
KINAGABIHAN ay hindi ako makatulog. Naghihilik na nga si Tin sa kabilang kama ay heto ako't dilat na dilat pa rin.
Naiisip ko kasi yung encounter namin kanina ni Onemig. Lahat yata ng klase ng emotion naramdaman ko kanina. Nakakahiya nga dahil bigla na lang akong nataranta at tinalikuran ko sya. Hindi ko talaga kasi inaasahan na magkikita kami. Tama nga si lola Bining at lola Paz, pag talaga nakatadhanang magkita kami, mangyayari talaga.
Yung naramdaman ko kanina, parang hindi kami naghiwalay ng ilang taon. Ganun pa rin ang tibok ng puso ko, pareho din nung dati. Tila hindi ako umalis kung saan nya ako iniwan.
Nagpahinga lang.
Nagpagaling lang.
Kinapa ko ang tapat ng puso ko. Masakit pa ba? Medyo na lang. May naramdaman din akong konting kirot kanina pero carry na. Nawala din naman kaagad. Siguro nga ay naghilom na.
Sa iksi ng sandali na tinitingnan ko sya kanina, nakuha ko pang i-check ang itsura nya ngayon. Siguro kaya ako biglang nanlambot kasi nakakapanlambot naman talaga ang ka-gwapuhan nya. Medyo nag-matured sya pero mas lalo lang nakadagdag yon sa kakisigan nya. At ang katawan? Jusko! Mahabaging langit, mukhang sa gym sya ngayon nakatira.
Hoy Liyah! Ex mo na yon!
Oo nga pala ex na. May konting panghihinayang akong naramdaman sa isiping yon. Hindi na ako ang mahal nya. Yun ang realidad.
Gusto ko ng matulog pero mukha ni Onemig ang nakikita ko. Nakakainis! Nakakapraning! Hindi dapat ganito. At kapag ganitong napa-praning ako, isa lang ang gamot na kailangan ko.
" Hey sweetie! What's up? " ang bilis sumagot ah, isang ring pa lang. I felt relief ng marinig ko ang voice nya. He's really a breath of fresh air. Siya rin ang happy pill ko.
" Jam! Babe ano ginagawa mo? "
" Nasa car, pauwi na ng house from school. May problema ba babe? " napalitan ng pag-aalala yung boses nya.
" Kapag tumawag ba sayo may problema agad? Hindi ba pwedeng na-miss lang kita? " pang-aasar ko.
" Wow, kunwari kinilig daw ako. Huwag mo nga akong bolahin sweetie! paano mo akong mami-miss eh kanina lang paggising ko kausap na kita, bago ako mag-lunch kausap din kita. Huwag mong sabihin na in-love ka na sa akin babe? Hindi pupwede yun. "
" Ay si dudong nag-assume. Ano pinaglalaban mo? Huwag ka ngang assumero ng taon dyan. Na-miss lang kita, in-love na? Alam ko naman hindi pupwede yun. " ginaya ko rin yung tono nya sa pagbigkas ko nung huling salita. Narinig kong natawa sya sa kabilang linya.
" So ano nga ang sasabihin mo? Alam kong importante dahil hindi ka tatawag ng dis oras ng gabi dyan kung hindi mahalaga yan. "
" Babe nagkita na kami ni Onemig kanina. Hindi tuloy ako makatulog. " walang kaabog-abog kong turan.
" Nagkita lang naman pala---What! " bulalas nya. Narinig ko pa ang malakas na pag-preno nya.
" Mamaya na nga baka maaksidente ka pa dyan eh. Maka-preno ka wagas! "
" No, nagulat lang ako sa sinabi mo. Nandito na ako sa garahe sa bahay. Sige tuloy mo na, papasok na ako sa loob. "
" Yun nga nagkita kami kanina. Jam bakit ganon? Ganon pa rin, nandito pa rin. Epic failed ba tayo? " I heared him sighed.
" Liyah, hindi mo naman basta mabubura ang pagmamahal na iniukol mo sa isang tao. In your case, hindi ka nag move on para kalimutan sya, kundi para kalimutan yung sakit na dinulot nya sayo. Nung sinabi kong tutulungan kitang makalimot, hindi ko sinabing kalimutan mo si Onemig dahil alam kong hindi basta mangyayari yon. Tinulungan kita para makalimutan mo yung sakit na dinanas mo at buuin mong muli yung sarili mo. Sa aspetong yon, alam kong nagtagumpay ako sweetie. Masakit pa ba nung makita mo sya? "
" Hindi na ganon kasakit babe. Sa totoo lang nakuha ko pang i-check yung itsura nya kanina. Kaya lang nataranta ako, hindi ako ready kaya tinalikuran ko sya at nagtagal ako sa cr. Bumalik lang ako nung wala na sya. Sabi nga ni Tin para daw atubili pang umalis at parang gustong magtanong. "
" Alam mo sweetie, masaya ako na hindi ka na nasasaktan. Ibig sabihin, pwede na tayong umuwi ng Sto. Cristo after ng graduation mo? "
" Gusto mo talaga? Di ba dun ka na sa road to forever mo pagka-graduate mo? Paano pa tayong magkikita? "
" Hindi pa naman agad sweetie, may mga aayusin pa. Uuwi muna ako dyan para tulungan si lolo Juni sa pagpapatakbo ng Montreal International. Hindi pa tayo magbe-break unless magkabalikan kayo ni Onemig. "
" Huy ang advance mo mag-isip. Paano kami magkakabalikan eh may girlfriend yung isang yon? And besides, ano palagay mo sa akin, easy to get? Paghirapan muna nya ako. At FYI, hindi rin kita pakakawalan hanggat hindi ka pa pupunta dun sa road to forever mo. "
" Oo na mahal ko. Alam ko naman na love na love mo ako kaya ayaw mo akong pakawalan. " puno ng pang-aasar ang tinig nya.
" Sus nagsalita. Oo na, love na love kita pero hindi ako in love sayo. Magkaiba yun! "
"Hahaha. Dialogue ko yan sweetie. Wala kang originality. "
" Pahiram lang muna. Para masabi ko rin naman sayo yung totoong feelings ko. Di ba mahal? " balik asar ko sa kanya.
" Hehehe. Pero sweetie pwera biro, uuwi talaga ako sa graduation mo at sa ayaw at sa gusto mo, uuwi tayo ng Sto. Cristo. "
" Opo. Wala naman akong magagawa na. Natuldukan na yung pag-iwas ko. Sige goodnight na baby boy ko. Ingat ka po."
" Sweet dreams babe. Matulog ka na. Huwag mo ng isipin yon, hindi ka na mahal non. Ako na lang. "
" Ewan! Nang-asar ka na naman dyan. "
" Hahaha. Sige na bye na. I love you sweetie. Kung pwede lang talaga noh? "
" Love you too babe. Kung pwede nga lang talaga. Kung pwede lang sana. "
Bakit ba kaya hindi pwede?
Thank you for reading!
Please vote and comment.
God bless everyone.