Unduh Aplikasi
68.25% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 172: Caught

Bab 172: Caught

Aliyah's Point of View

NAGING madamot sa akin ang tulog kinagabihan.Ang dami kong iniisip, ang dami kong nararamdaman. I couldn't even properly name what I was feeling at the moment. Parang naghahalo ang kaba, excitement at takot. I was feeling so many things all at once. At ang reason ng lahat ng ito ay isang tao lamang.

Si Onemig.

Ang boyfriend ko.

Gosh! I can't believe it. I'm into a relationship now. I am somebody else's girlfriend. Ang harot lang!

Gusto kong sumigaw, tumawa at magtatalon. Gusto kong kurutin ang sarili ko baka kasi panaginip lang ito pero totoo lahat eh, walang halong chorva.

Tiningnan ko ang alarm clock sa bedside table ko, it says 11:15 pm na.

Sobrang gabi na pala ngunit heto pa rin ako, dilat na dilat pa. Malamang ang mga kasama ko dito sa bahay ay mga naghihilik na.

I tossed and turn to bed..pumikit-dumilat ako, mukha ni Uno ang nakikita ko. Kainis naman! Bakit ba kasi certified petmalu sa ka-gwapuhan ang taong yon? At ang pasaway na heart ko, heto bihag na bihag at sobrang baliw sa kanya. Hindi tuloy ako makatulog. Hindi pa rin mag-sink in sa akin na boyfriend ko na ngayon ang crush ng bayan.

Hanggang kailan naman kaya ako ganito? Restless, di makatulog, parang baliw at tulala?

So this is how it feels to be in love?

Hala! Hindi pala maganda sa kalusugan.

Napukaw ang diwa ko ng marinig ko ang message alert tone ng cellphone ko. Uy may nag-text.

Awtomatikong nag-rigodon na naman ang pasaway kong puso ng mabasa ko ang text ng boyfriend ko.

Uno❤ : " hey sweetie! Still awake?" kinilig ako sa endearment nya sa akin.

ME : "Yup! Can't sleep...bakit sweetie?"

Uno❤ : "Iniisip mo ako kaya di ka makatulog? Ako kasi iniisip kita.....sweetie? Endearment nila yun sayo, so ganun na rin ako..you made my life sweet."

ME : "Tigilan mo nga ako Juan Miguel! Napasagot mo na ako, binobola mo pa ako.Anyway, I like the endearment, beb."

Uno❤ : "Ang taray naman ng sweetie ko. Bakit naman Beb?"

ME : " Yeah, short for bebeh...like it?"

Dumaan ang ilang minuto na hindi sya nag-rereply. Naghintay ako at hindi binibitawan ang phone.Halos maihagis ko ang cellphone ko sa gulat nang maingay na tumunog ito. Nakita kong si Onemig ang tumatawag dahil lumabas ang gwapo nyang picture sa screen.

" Hello!"

" Hey! Uhm... I want to see you.Can you go outside? Nasa harap ako ng house nyo."

" What? Kaya pala hindi kana nag-reply."

" You made me crazy, my heart beats wild upon hearing the word of endearment from you. Labas ka please, gusto kitang makita bago matulog."

" Okay . Wait for me. Magni-ninja moves ako nito."

He hang up then nagmamadali kong isinuot ang sleepers ko at nag-ninja moves palabas ng bahay. Kailangan walang kahit anong ingay. Mahirap na kapag ang makahuli sa akin ay ang may pagka-strict na si Franz Guererro. Okay lang kung harapan pero kung patagong ganito--- yari ka!

Nandoon nga sya sa labas, nakasandal sa bakod namin. Gaya ko,naka pajamas na rin sya. Dahan-dahan kong binuksan ang gate para hindi makalikha ng ingay. Nang makapasok sya ay hinila ko kaagad sya papunta dun sa malaking swing namin.

Magkatabi kaming naupo sa bakal na upuan ng swing.

" Hindi ako makatulog sweetie, nami-miss kita." sambit nya habang mahigpit akong niyakap. Yumakap na rin ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa dibdib nya.

" Ako rin beb, ang damot ng tulog sa akin ngayon. Kung alam ko lang na magkaka-insomnia ako, hindi na lang sana kita sinagot." biro ko sa kanya. Bigla syang kumalas sa akin at tiningnan ako ng nagtataka. Kitam? Sabi ko na eh.

" Sweetie naman, huwag mong sabihin na nagsisisi ka na sinagot mo ako? " malungkot nyang turan.

Ngumiti ako at kinulong ko ng mga palad ko ang mukha nya.

" I'm just kidding! Yun ang desisyon na kahit kailan ay hindi ko pinagsisisihan. I love you beb, and don't ever doubt that." ngumiti sya ng malapad, hinawakan nya ang isang kamay ko na nasa mukha nya at marahang dinampian ng halik ang likod ng palad ko.

" I love you more. Ang tagal kitang hinintay,may mga dumaan man sa buhay ko, pero ikaw yung kauna-unahang naging girlfriend ko officially. I hope what we have now will lasts a lifetime." tumango ako sa sinabi nya tanda ng naniniwala ako sa kanya.

" I don't care about your past, your exes...what matters to me is now is our relationship. You have my heart Uno, at ikaw ang kauna-unahang pinagtiwalaan kong humawak nito. Gusto ko rin na hanggang sa dulo tayo pa rin ang magtagpo. Alalayan mo lang ako kasi wala pa akong experience sa ganito di tulad mo." sabay irap ko sa kanya.

" Sweetie naman ang seryoso natin hinahaluan mo ng kung ano-ano." napapakamot pa ang mokong.

" Ikaw naman hindi na mabiro. Wala naman nga akong pake sa mga past mo, wala akong issue sa mga exes basta't wag lang nila akong aawayin."

" Ah yon ang hindi ko papayagan, ang awayin ka nila."

" Mabuti kung ganon. Pero beb seryoso, ilan ba sila?"

" At talagang tinatanong mo pa ha?"

" Syempre para alam ko kung sino yung iiwasan ko. Mamaya nakakasalubong ko na pala bigla na lang may sumabunot sa akin." natawa sya at pinisil ang tungki ng ilong ko.

" Alam mo ikaw, ibang klase ka talaga.Sige tutal makulit ka rin lang sasabihin ko na sayo. Promise, okay lang sayo?" nananantyang tanong nya pa.

" Oo nga sabi! ang kulit mo rin."

" I had four but it's not that serious kasi hindi naman ako nanligaw sa kanila parang naging instant lang. Pero kahit ganon, nirespeto ko sila at never akong nag-take advantage sa kanila. Alam mo sweetie kaya hindi rin naman siguro ako naging seryoso sa mga past na yan kasi nga may hinihintay ako. At ngayong akin na sya, hindi ko sya hahayaang mawala pa. Mahal na mahal ko sya. Sobra pa sa sobra."

" Kahit na mataray, makulit at pilya sya?" nangingiti kong tanong.

" Kahit na. Siya naman ang pinaka-maganda at pinaka-mabait. Sobrang lambing pa." malapad syang ngumiti sa akin sabay nag-wink pa. Namula tuloy ako sa sobrang kilig.

" Ihhh beb naman wag ka nga!" pabebe kong sambit.

" Bakit? Totoo naman ah kaya patay na patay ako sayo."

" Wag nga kasi, kinikilig ako!" natawa sya sa akin at niyakap muli ako. Ipinulupot ko naman ang mga braso ko sa bewang nya at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya.

Hmm...Ang bango naman ng bebeh ko.

Nanatili lang kami sa ganong posisyon ng ilang minuto. Sobrang komportable at kuntento kami pareho sa ganong simpleng intimacy.

" Beb?"

" Hmm?"

" Paano kapag tapos na ang bakasyon? Uuwi na kami ni Neiel sa amin kasi pasukan na ulit. Paano tayo?"

" Iniisip ko rin yan. Hindi ko alam kung papayagan ako ni daddy sa Manila mag-aral para magkasama tayo. Wala kasing makakasama si mommy dito dahil na-extend yung project nila dad sa Bangkok ng another six months. Pero wag muna nating isipin yon, may isang buwan pa naman na natitira sa bakasyon natin kaya i-enjoy na lang natin na magkasama. Malay mo, biglang magbago ihip ng hangin biglang umuwi si dad di ba?"

" Oo nga, sabi nga di ba Carpe Diem. Bakit ba natanong ko pa kasi yan, nalungkot lang tayo pareho."

" Hayaan mo sweetie, gagawan ko ng paraan kung paano tayo magkikita sakaling hindi ako matuloy mag-aral sa Manila. Hindi ko kakayanin yung matagal na hindi ka makita. Mababaliw yata ako non."

" Sira! Wag naman baka pareho na tayong baliw pag nagkataon."

Natawa na sya ng tuluyan sa sinabi ko. Mas lalo nya pa akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa ulo.

" I love you sweetie." bulong nya sa tenga ko sabay dampi ng magaang na halik sa noo ko.

" I love you too beb." tugon ko at mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa kanya. Ang sarap kasi sa pakiramdam yung ganito kami.Ito na siguro ngayon ang happiest place on earth ko, sa bisig ni Onemig. Ang bango naman kasi nya tapos malapad pa yung chest nya parang ang sarap gawing pillow. Tila pinaghehele ako at dinadala sa dreamland...

.

.

.

.

" Hoy mga bagets tanghali na! Bakit dyan kayo natulog?" tinig ni lola Baby ang nagpabalikwas sa akin.

" Ouch!" nagka-untugan pa kami ng katabi ko dahil sa biglaang pagbalikwas ko.

Napatingin ako sa paligid. Shocks! Maliwanag na. Halos manlaki ang mga mata ko ng madako ang tingin ko kay lola Baby, nasa likod nya ang mommy at daddy ko na nakabihis na dahil luluwas na sila pa-Maynila. At nasa tabi nila si Neiel, lola Paz at lolo Franz na nakapa-mewang pa na may mga tinging nagtatanong.

Nagkatinginan kami ni Onemig, tulad ko para din syang daga na nahuli ng pusa.Alanganin syang ngumiti at napapakamot pa sa batok nya.

" Paki-explain mga bata, bakit magkasama kayong natulog dyan?" si lolo Franz na may pagka-strict ang tono ng tanong at seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Onemig.

Oh my God! We're so dead na. Si high and mighty Franz Guererro na ang nagtatanong.

Paniguradong mahahalibas kami ng mahiwagang tungkod pag nagkataon.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C172
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk