Unduh Aplikasi
22.61% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 57: Public Display of Affection

Bab 57: Public Display of Affection

Laine's Point of View

KINABUKASAN medyo tanghali na kami pumunta ni Nhel sa practice dahil halos alam na naming mga candidate yung gagawin.Ngayong araw na lang ang practice namin at bukas pag-aasikaso na lang ng mga gagamitin namin sa pageant then beauty rest na.

Medyo nakatulog kami pareho ng maayos dahil pagdating namin galing sa kanila ay naligo lang ako saglit at sya naman ay nakipag-usap lang sandali kay dad.

Hindi na sumama yung apat na kumag dahil busy na rin naman sila para sa preparation ng fiesta, after kasi ng pageant night, fiesta na kinabukasan.

Nung mapadaan kami sa bahay nila Nhel nakita namin si Peachy sa may terrace na tila nag-aabang.Medyo pinisil ni Nhel yung kamay ko na hawak nya at bumulong sa akin.

" Babe, just ignore her." at deretso lang kami sa paglalakad na hindi tinitignan si Peachy.

" Yeah, hindi ko pa pala naikwento sayo yung sinabi nya kagabi sa akin." sabi ko ng makalampas na kami sa kanila.

" Ano yon?" tanong naman nya.

At kinwento ko sa kanya yung nangyari kagabi ng kausapin ako ni Peachy.

" Siya nga babe yung kinukwento ko sayo na kapit-bahay namin na iniiwasan ko, halata na kasi sya kaya lang may pagkakataon talaga na hindi ako makaligtas dahil kumare ni ate yung ate nya.Next sem gusto ko na ngang mag rent na lang ng apartment tutal OJT na ako at sa Manila ka na rin mag-aaral di ba?Pumayag kaya si ate, palagay mo?mahabang paliwanag nya.

" Siguro naman beh papayag si ate kung sasabihin mo yung reason mo at mabuti na rin yon baka maagaw ka pa nga sa akin ng iba tulad ng sabi ni Peachy ." sagot ko.

" Naku babe hindi ko hahayaang mangyari yun at kung mangyari man alam nating pareho na sa huli tayo pa rin di ba? dahil kasama natin si Lord sa relasyon natin kaya wala tayong dapat ikatakot." puno ng sinseridad na sabi nya.

I sighed deeply..yeah, bukas naman kami ni Nhel sa ganung possibilities pero gaya nga ng sabi nya, the Lord is the center of our relationship, we can handle whatever problems comes our way with His help and guidance of course.Masasaktan kami, oo, but we can endure it dahil naniniwala kami pareho na kami rin sa huli at kine-claim na namin yun sa Kanya.

Mabilis na lumipas ang dalawang araw na natitira sa paghahanda sa pageant.

And now this is it, heto na yung gabi ng pageant.Hindi ko maalis ang kaba sa dibdib ko dahil first time kong gawin ito sa labas ng school.Mas marami ang audience at 42 ang baranggays na kalaban ko.

Inayos ko na yung mga damit na isusuot ko,formal wear, casual wear, sports wear at yung gagamitin ko sa talent portion.Simple lang ang gagawin ko sa talent portion, kakanta lang ako then tutugtog ng drums. Bawal daw kasi yung mga buwis buhay na talent.At yung pagtugtog ng drums ang matagal ko ng gustong gawin, kahit si Nhel hindi pa ako nakitang tumugtog nun.Sa bahay kasi ako nagpa-practice kapag nakauwi na si Nhel galing sa paghahatid sa akin dahil gusto ko surprise yung gagawin ko sa talent portion.

Nang matapos na ako, nagbihis na ako at inayusan na nung beautician na pinsan ni mommy.

After one hour natapos na rin ako at narinig ko na ring tumatawag si Nhel sa labas ng room ko.

Pagpasok nya sa room ko ay bigla na lang syang napatulala pagkakita sa akin.Natawa ako sa itsura nya na nakanganga pa.

" Uy beh, anong nangyari sayo?Para kang namatanda dyan, pangit ko ba?" natatawa kong tanong.

" Huh! No, babe you're very beautiful and you look gorgeous in that dress." medyo nagulat pa sya bago sumagot then sabay lapit sa akin, niyakap ako at hinalikan sa noo.

" Haay ang sweet nyo namang dalawa, baka makalimutan nyong nandito ako.hahaha." tumatawang sabi ng tita kong make up artist at lumabas na ng room ko.

Nakatitig lang si Nhel sa akin ng maiwan kaming dalawa.Yung tingin nya na punong-puno ng pagmamahal at paghanga.

" Goodluck babe.I know you can do it.Let's pray first, come here." sabi nya habang hinihila nya ako paupo ng couch para magdasal kami.

Nang matapos kaming mag-pray ay lumabas na kami. Nagulat na lang ako ng kumpleto na ang mga taong sasama sa amin para manood ng pageant.As in, nandun lahat sila sa living room namin.Kumpleto ang pamilya ko, pamilya nya, mga kaibigan namin at yung mga bisita ni ate Merly.Sa dami namin ay nanghiram pa si tito Phil ng isa pang sasakyan sa isa nyang kumpare.

Feeling ko tuloy sa Binibining Pilipinas ako lalaban sa dami ng support group ko..haha.😊

MALAPIT ng mag-umpisa ang program ng dumating kami sa venue.Dali-dali akong pumunta sa backstage kasama si mommy at ang make up artist na mag-aassist sa akin.Pumuwesto na si daddy kasama si Nhel at iba pang mga kasama namin sa may bandang unahan.May dala silang malaking banner na nakasulat ang pangalan ko.

Nagsalita na ang emcee hudyat na mag-uumpisa na ang pageant.Kinakabahan ako.

Help me God!

Tinawag na ang mga candidates from 43 baranggays at isa-isang nagpakilala wearing our formal gown.

Simple lang ang kulay peach kong gown pero sabi nga nila nadala ko ito ng maayos.

" My name is Alyanna Maine Guererro, 17, representing baranggay Sto.Cristo." grabe kinakabahan ako, pero nagsisigawan ang mga tao, may pumapalakpak at may sumisipol pa nga.

Natapos na ang pagpapakilala ng magsalita uli ang host.Pipiliin na daw kung sino ang top 10 na matitira para sa pagpapatuloy ng laban.

Tinawag na ang mga naunang walo.Gosh kinakabahan ako kasi dalawa na lang at baka hindi pa ako makasama.

Nagsisigawan na ang mga tao, isinisigaw nila ang pangalan ko nang finally tinawag din ako sa pang sampu.

Whew! Akala ko Luz Valdez na ang beauty ko.

Rumampa na uli kaming sampu suot ang casual dress namin.Wow, ang gaganda nila.Simple lang uli yung kulay blue kong dress. Pero dahil sa model ako ng casual dresses ng Montreal, nairampa ko ito ng maayos.

Nakita ko si Nhel sa unahan panay ang kuha sa akin ng picture. Napangiti ako nung saglit na magtama ang tingin namin at ngumiti rin sya ng matamis sa akin.

Ngiti pa lang nya, panalo na ako.

Nung sports attire na medyo kinabahan ako kasi hindi ko naipakita kay Nhel yung sports wear na isusuot ko.Patay ako neto pag nakita nya na medyo sexy yung pang tennis na outfit ko.

Tinawag na ako.Bitbit ang tennis racket lumabas na ako at hinanap ng mata ko si Nhel dahil gusto kong makita ang reaction nya.

Nang magtama ang tingin namin ngumiti ako pero hindi sya gumanti ng ngiti.Titig na titig sa suot ko pero iba yung nakita ko sa mga mata nya.Hindi inis kundi....what? parang desire ba yun?

Naku po! Deads na talaga ako mamaya nito.

Talent portion na!

Isa-isa na kaming nagpamalas ng kanya-kanyang talento.May kumanta, may sumayaw, nag-acting, nag-declaim, may nag-ballet, taekwondo at ako nga nag-drums.Palakpakan at sigawan ang mga tao nung ako na. Dahil probinsya dito, first time siguro nilang makakita ng babaeng nagda-drums.

Naka maong skirt lang ako at black t-shirt. Ang astig kaya.Nothings Gonna Stop us Now ang tinugtog ko na sinasabayan ko ng manaka-nakang pagkanta.

Hayun na naman si Nhel, nang ma-captured ng peripheral vision ko. Naka-nga-nga at ang loko napaka gwapo pa rin kahit ganun ang itsura nya.Inlababo na naman sa akin tiyak to, panigurado.

Haha..yabang lang Laine ha!

Natapos na kaming lahat na mag-perform.Nakasuot na uli kami ng formal gown at nagbigay na sila ng limang special awards.

Nakuha ko ang Ms.Talent at Ms.Photogenic.Okey nako dun kahit hindi na ako masali sa mga mananalo, matutuwa na rin naman siguro ang mga taga baranggay sa dalawang awards na yun.

Pero dahil hindi naman ako naghahangad na manalo pa, akalain ko bang kasali pa pala ako sa top 5 at ako rin ang tinanghal na Mutya ng Bayan.Sobra-sobrang kasiyahan na yun.Sobrang thank you Lord.

Hayun na nga dinagsa na ako ng mga love ones ko at mga ka-baranggay sa itaas pa lang ng stage nung matapos ang program.

Picture dito, picture duon.

Hinanap ng mga mata ko ang bebeh ko at hayun katabi pala ng daddy ko dahil hindi makaakyat ng stage ang pogi kong daddy kaya sinamahan nya na lang ito.

Nung pababa nako ng stage, sinalubong ako ni Nhel ng mahigpit na yakap at pagkatapos hinalikan naman ako ng matagal sa labi.

Dahil sa sobrang saya ko dahil sa pagkapanalo ko, gumanti naman ako sa halik nya.Bigay na bigay.

Nagulat na lang kami pareho ng may tumikhim sa likod namin.

Si Pete pala.At duon kami parang natauhan pareho.

Nasa realidad pala kami.Nawala sa isip namin na nasa gitna pala kami ng mga tao.

Nakita namin na nakatulala lang silang lahat at shock na naka-nga-nga.

Oh noes! What have we done?

Nakakahiya.Awkward.

Pulang-pula na kami ni Nhel at ang tanging nasa isip lang namin pareho ay si daddy.Kaya sabay pa kaming lumingon sa pwesto ni daddy.

At hayun nga, his Excellency, nanggagalaiti at umuusok na yata ang bumbunan na nandidilat sa amin ni Nhel na may " what..have..you..done " look.

Hay Lord! Patay na po kami neto mamaya.

Bahala na si Batman!


PERTIMBANGAN PENCIPTA
AIGENMARIE AIGENMARIE

Haay sa sobrang in love nakalimutan nila na nasa public place sila. Haha...

Thank you again for reading.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C57
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk