Laine's Point of View
SIMULA nun madalas na naming nakakasama si Nhel.Kapag pumupunta ang mga kaibigan namin sa bahay, kasama na sya pati na rin si Lovie.
Minsan nga pinapakita pa ni Lovie na sweet sya kay Nhel pero ini-ignore ko na lang kahit parang naiinis ako.Hindi dapat makita ninuman na affected ako lalong-lalo na si Nhel.
Madalas pa rin syang nagdadala ng milk kay dad at madalas na rin namin syang nakakasalo sa breakfast.
Marami na kaming napag-uusapan at masasabi ko na kilala na namin ang isa't isa.Sinasamahan nya ako kapag inuutusan ako nila mommy sa bayan o kung saan-saan pa.Minsan kahit sa pagsisimba kasama na rin namin sya.
Nagpupunta pa rin kami sa perya tuwing gabi kasama ang mga kaibigan namin and of course,pati si Lovie.Pag uwi namin hinahatid nila ako sa bahay and as usual, nagpapaiwan sya dahil naihatid ng una si Lovie, magkwe-kwentuhan muna kami bago sya umuwi.
Tama si dad, we became good friends.Ang mga secrets nya alam ko na.Alam ko na ang ugali nya, ang moods nya at ako man ay wala na ring itinatago sa kanya, open ako sa kanya sa lahat ng bagay.Best friends na nga yata kami.
Hindi na ako natutulala pag nakikita ko sya, sanay na kasi ako sa presensya nya, kaya lang ang masaklap hindi na yata ako sanay ng hindi sya kasama.
Parang nagseselos na nga si Lovie sa closeness namin ni Nhel, nararamdaman ko yun dahil sa pakikitungo nya sa akin pero sinasabi naman nila Candy at Rina na magkaibigan lang kami dahil sa mga magulang namin.Pero kahit ganun, nararamdaman ko na talagang ayaw sa akin ni Lovie.Nababawasan na kasi yung oras ni Nhel sa kanya at sa akin na napupunta.
Hindi ko naman mapigilan si Nhel sa pagpunta-punta at pagsama-sama sa akin, hindi nya gugustuhin na mag-iwasan kami dahil para sa kanya walang masama sa friendship namin.According to him,if Lovie doesn't understand what we have as friends, at kung papipiliin sya nito kung sino sa aming dalawa, hindi sya mag-aatubili na ako ang piliin nya dahil bestfriend nya ako at wala naman talagang sila ni Lovie.
Ayokong akusahan ako na mang-aagaw at makasakit ng damdamin ng iba.Kapag sinasabi ko yun kay Nhel, lagi nyang sinasagot sa akin na wala naman daw akong inaagaw dahil wala naman syang commitment kay Lovie at alam naman ni Lovie yun.Ito lang ang nag-aassume na mayroong sila.
Pero kahit na totoo ang lahat ng yun,hindi ko pa rin maialis ang mag-alala dahil nga sa paraan ng pakikitungo ni Lovie sa akin.Mahal nya si Nhel at ramdam ko na pinag-seselosan nya ako.Isa akong threath para sa kanya.At ayokong dumating yung pagkakataon na bigla na lang syang sumabog dahil sa pagka-disgusto nya sa akin.
At dumating ang araw na hindi ko inaasahan.
FIESTA na.Nagyaya si Nhel sa buong barkada na dun mag lunch sa kanila dahil nagluto si Tita Bining.Dun sana sa amin kaya lang nauna na syang nagsabi kaya sabi ko, sa amin na lang ang meryenda.
Nauna na ang buong barkada sa kanila at naiwan ako kasi si mommy, nag prepare pa ng mga ulam na ipapadala nya sa akin para kila Tita Bining.
Nung dumating ako sa kanila kumakain na silang lahat at ng makita ako ni Nhel, iniwanan nya ang pagkain nya at hinila nya na ako sa kusina papunta sa mama nya.
" Ma,si Laine po.Laine, si Mama." parang pagpapakilala nya na parehong ikinagulat namin ni tita.
" Anak, matagal na kaming magkakilala ni Laine, sanggol pa to kilala ko na.Anong nangyari sayo?"
natatawang tanong ni tita sa kanya.
" Ah, oo nga po pala, hehe!" sagot nya na kakamot- kamot pa.
Nagulat na lang kami ng biglang may magsalita.
" Ako ang girlfriend mo, pero si Laine ang pinapakilala mo sa nanay mo!"
sabi ng babaeng dumating.
" Lovie?!" gulat na sabi ni Nhel.
" Oo, ako nga.At akala mo ba hindi ko nahahalata na may something sa inyo ng babaeng yan! galit na sabi nya sabay duro sa akin.
" Lovie, hindi totoo yan!" sabi ko.
" Anong hindi.Kunwari ka pa,akala mo kung sino kang mahinhin eh gumagarutay ka naman sa boyfriend ng may boyfriend.Ang bata- bata mo pa makiri ka na." sunod-sunod nyang akusa sa akin.
" Lovie, tumigil ka na.Hindi ganyan si Laine!" saway ni Nhel.
" Eh totoo naman!Halatang- halata na inaakit ka nya,kung makadikit sya sayo para syang linta." dagdag pa ni Lovie.
" Teka nga muna, kung sino ka man, huwag mo namang pagsalitaan si Laine ng ganyan.Hindi mo sya kilala.Nasubaybayan ko ang paglaki nya kaya wala kang karapatan na pagsalitaan sya ng ganyan!" nagtitimpi sa galit na singit ni tita.
" At sa ginawa mong yan, paano ka ipapakilala ni Nhel sa akin? At para sabihin ko sayo hindi nagdadala ang anak ko ng babae dito para ipakilala sa amin, dahil nangako siya na ang ipapakilala lang nya sa amin ay yung babaeng seseryosohin nya.At siguro hindi rin ikaw yon gaya nung iba pa na nagsasabing nobya daw nya." mahabang sabi uli ni tita.
" Ah kaya po pala pinakilala nya ulit si Laine kanina sa inyo kahit alam naman nya na matagal nyo ng kilala ang babaeng mang- aagaw na yan. So hindi pa rin po ba malinaw sa inyo na may something sila ng anak nyo!"si Lovie ulit.
" Lovie, wag kang ganyan sa mama ko.Hindi ganyan ang pagkakilala ko sayo." nanlulumong sabi ni Nhel.
" Oo Nhel, hindi ako ganito dati.Simula nung dumating yang babaeng yan nag-iba ka na.Wala ka ng panahon sa akin.Sorry po tita, nagmahal lang po ako sa anak nyo at hindi po ako papayag na dahil lang sa babaeng mang- aagaw na yan masira ang kung anong mayroon kami ni Nhel." sabi ni Lovie.
Sa narinig ko, tumalikod na ako at tumakbong palabas ng bahay nila.Narinig kong tinawag ako ni Nhel pero parang pinigilan sya ni Lovie.
Hindi ako dapat umiyak dito kaya nagmamadali akong lumayo kahit nabigla ang mga kaibigan namin at takang- taka sa bigla kong pag walk out.
Buti na lang paglabas ko ng gate nakita ko ang isang pinsan ko na naka bike at tinawag ko sya para ihatid ako pauwi.
Pagdating ko sa amin, nagpasalamat lang ako sa pinsan ko at tuloy- tuloy na ako sa room ko at nagkulong.Hindi ko pinansin ang pagtawag ni dad sa akin na nagtataka sa biglaan kong pag- uwi ng ganon.
Umiyak ako ng umiyak sa sobrang sakit na nararamdaman ko.Wala akong ginagawang masama pero inakusahan ako ng ganon.Makiri, mang- aagaw, garutay.Grabe naman yon,pinalaki akong matino ng mga magulang ko,ang sakit pala kapag sinabihan ka ng ganon na lalaki pa ang dahilan.
Oo crush ko si Nhel, pero nag- ingat ako ng husto para walang makahalata dun dahil nga bata pa ako.Magkaibigan lang kami, masama ba yun?
Siguro dapat ko na syang iwasan,ayoko ng ganito na may taong nasasaktan dahil lang sa akin.Hindi ko alam kung kakayanin ko pero susubukan ko.At hanggat maaga pa gagawin ko....