Unduh Aplikasi
22.64% Kiss of Death and Shadows / Chapter 77: Ex?

Bab 77: Ex?

"HUWAG MO ng pagurin ang sarili mo mortal. Sumama ka na lang sa `min at hindi ka masasaktan." Napalingon si Lexine sa lalaking lethium. Nakalapit na rin pala ang mga ito sa kanila. Katabi nito ang babae at sa itaas ng dalawa lumilipad ang pangatlong ravenium.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa halimaw na umiikot sa kanya at sa dalawang lethium demons. "No! Hindi ako sasama sa inyo at mas lalong hindi ko hahayaan na magtagumpay kayo sa masasamang niyong plano!"

Umismid ang lalaki. "Masyado kang palaban mortal. I'm not surprised why the prince of darkness is obsessing over you."

Her back quickly straightened up. That caught her full attention. And speaking of the devil, nasaan na ba si Night at bakit natagalan itong makipagtunggali sa isang ravenium?

"Hmp! `Yan na ba ang babaeng kinababaliwan ni Night? Di hamak na mas maganda naman ang katawan ko sa kanya." Nagtaas ng kilay ang babae habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. "Hindi rin naman siya kagandahan.

Malakas na tumawa ang lalaki. "Nagseselos ka ba, Cruxia? Don't tell me na masama pa rin ang loob mo sa prinsipe ng dilim? What did I told you before? Wala kang aasahan sa kanya. Katawan mo lang ang habol niya."

Malisyosong bumaling ng tingin ang lalaki kay Lexine na para bang isa siyang bagay na nakadisplay sa mall at nais nitong bilhin. "Unfortunately for you. It seems like he has found his new favorite pet." Mas tumalim ang mata sa kanya ni Cruxia.

Labis na nagpantig ang tenga ni Lexine sa huling narinig. What the hell? Don't tell me na ex ni Night ang demonyitang `to?

"Nagpapatawa ka ba, Kaizer? Night is only fascinated with this bitch because she's special. It's better if you just shut your lousy mouth and bring that weakling to our queen."

Muling tumawa Kaizer. "No problem, basta ba may premyo ako mamayang gabi." Kumindat ito sa katabi at malagkit na tinignan si Cruxia mula ulo hanggang paa.

Cruxia answered him with seductive eyes as she bit her lower lip before looking back at Lexine. The corner of Cruxia's lips curved upward.

"Tapusin na natin ang larong `to," saad ni Kaizer. Pinatunog nito ang mga daliri sa kamao at nag-unat ng leeg at balikat. Hinubad nito ang suot na kapote at lumantad ang malaki nitong katawan. Tanging itim na pantalon lamang ang naiwan. Lumuhod ito sa lupa at pumosisyon na katulad ng hayop.

Biglang yumanig ang paligid. Nahigit ni Lexine ang hininga nang magsimulang palibutan ang lalaking demonyo ng itim na usok. Umalulong ito ng ubod nang lakas habang nababali ang mga buto nito sa iba't ibang parte ng katawan.

Mabilis na nilubayan ng kulay ang mukha ni Lexine. Umikot ang sikmura niya habang napako sa kinatatayuan. `Di nagtagal at isa-isang lumaki ang mga paa at kamay ni Kaizer. Lumobo nang husto ang likuran nito habang humaba naman ang mga kuko at pangil. Nagsimulang tumubo ang makakapal na balahibo sa balat nito. Sa isang iglap ay nagpalit anyo so Kaizer sa isang itim at malaking lobo.

Halos malaglag ang panga ni Lexine sa lupa. "What the hell's happening to him?"

"Isa siyang hybrid mahal na prinsesa. Kalahating demonyo at kalahating lobo," bulong ni Ithurielle.

"You mean... a werewolf?"

Mas nanghina ang mga tuhod ni Lexine matapos nitong magpalit anyo. Umalulong si Kaizer nang ubod ng lakas na nagpayanig sa buong kagubatan. Natakot ang mga ibon sa mga puno at isa-isang lumipad patungo sa kalangitan.

"Hmm, mukhang may bisita tayo," wika ni Cruxia.

Biglang tumilapon ang ravenium sa malaking puno sa gilid ni Lexine. Sinundan niya kung sinung may gawa niyon at natagpuan si Cael. Sigurado siyang muli itong sumanib sa katawan ni Ansell dahil alam niya ang huling suot ng kaibigan niya.

Mabilis na lumapit kay Lexine ang kanyang Tagabantay. Kahit papaano'y napanatag siya at sa wakas ay may kakampi na siya. Maingat na hinaplos ni Cael ang magkabila niyang balikat. "Nasaktan ka ba?" puno ng pag-aalala ang mga mata nito.

Umiling siya. "I'm okay. Tinulungan ako ni Ithurielle." Pinakita niya ang gintong punyal.

"Ithurielle?" Kumunot nang husto ang noo ni Cael at tumitig sa hawak niya. Nanatili ng ilang segundo ang mga mata nito sa kwintas na para bang sinisigurado kung totoo ang nakikita. "B-buhay si Ithurielle?"

Kung gano'n ay magkakilala ang dalawa? "Oo, nakakulong siya sa kwintas na binigay sa `kin ni Madame Winona," sagot niya.

Namilog nang husto ang mga mata nito na para bang isang malaking sikreto ang sinabi niya. Napakaraming rebelasyon ang nangyayari ngunit mas mainam na unahin muna nilang harapin ang mga kalaban. Muling umalulong ang lobong si Kaizer na nagputol sa kanilang pagtitinginan.

"Hindi na makapag-antay ang kasama ko," natatawang sambit ni Cruxia.

Hinarang ni Cael ang katawan kay Lexine at nilabas ang isang piraso ng balahibo na agad nagliwanag at naging espada. "Dadaan muna kayo sa `kin bago niyo siya makuha," taas noong sambit ng Tagabantay.

"Cael, mag-iingat ka."

"Huwag kang mabahala, Alexine. Hindi ako papayag na saktan ka nila."

"Naiinip na `ko. Kaizer, tapusin mo na sila!" sigaw ni Cruxia.

Muling umalulong ang itim na lobo at maliksing tumakbo patungo sa kanila gamit ang apat na mga paa. Sinunggaban nito si Cael at nagpagulong-gulong ang dalawa sa putikang lupa. Napasigaw si Lexine. Malakas at malaki ang lobo, siguradong mahihirapan si Cael na makipagtugis dito.

Napatili si Lexine nang bigla siyang dinakma ng lumilipad na ravenium at dinala sa himpapawid.

"Lexine!" sigaw ni Cael.

Kasamaang palad ay hindi kaagad makaalis si Cael sa ilalim ng mabagsik na lobo. Panay ang pagbukas-sara ng malaking bunganga nito at handa ng sakmalin ang anghel. Napakatulis ng mga pangil ng lobo at siguradong mapuputol ang kahit anong makakagat niyon. Gamit ang buong lakas, pinipigilan ni Cael ang bibig nito na tuluyang lapain ang mukha niya.

Samantala, dinala naman ng ravenium si Lexine sa kamay ni Cruxia. Bumagsak ang katawan niya sa lupa. Nabitawan niya ang gintong punyal nang kinuha siya ng ravenium. Lumuhod si Cruxia sa harapan niya at buong gigil nitong dinakma ang magkabila niyang pisngi. Umismid ito. "Hmp! Ano kaya kung sirain ko `yang mukha mo? Tignan ko lang kung mahumaling pa sa'`yo si Night."

Binuka nito ang isang palad, may usok na pumalibot sa mga daliri nito at lumabas mula roon ang isang itim na kutsilyo. Tinutok ni Cruxia ang patalim sa pisngi ni Lexine at dahan-dahang pinapadausdos ang dulo niyon sa kanyang balat. "Ano ba'ng nakita sa `yo ni Night? Di hamak na mas napapasaya ko naman siya sa kama. Look at you, you're nothing but a boring virgin. Do you even know how to make a man come using only your mouth?"

Lexine mockingly smiled. Her eyes are sharp as a knife. "I know how to make a man come without even lifting a finger."

"Bitch!" Sinampal siya nito nang malakas. Nasubsob siya sa lupa. Hinablot nito ang buhok niya at hinila ang mukha niya pataas. "Sumasagot ka pa! Eh, kung `yang matabil mong dila na lang kaya ang putulin ko?"

Tinutok ni Cruxia ang patalim sa tapat ng kanyang bibig. Lalong tumulis ang tingin ni Lexine habang pilit niyang tinatago ang takot na nararamdaman. Hindi niya hahayaaang maging masaya ang mga ito na makita siyang nadudurog. "Hindi na `ko magtataka kung bakit inayawan ka agad ni Night, maganda nga ang katawan mo pero napakapangit naman ng budhi mo! Kasing itim ng mata mo!"

"Ginigigil mo `ko. Tignan natin ang tapang mo kapag wala ka ng dila!" Pinilit nitong binuka ang bibig niya at tinaas ang hawak na kuntsilyo. Nanlamig ang buong katawan ni Lexine. Bumilis ang tibok ng dibdib niya lalo nang tinutok nito ang patalim sa kanya.

"Do that and I'd fucking skin you to death!"

Nahinto si Cruxia. Sabay na pumihit ang ulo ng dalawang babae sa lalaking nakatayo sa tabi. Muling nabuhayan ng loob si Lexine.

Madilim ang mga mata at naninigas ang mga bagang nito habang nakatingin sa babaeng lethium demon. Umismid si Cruxia. Binitawan nito ang mukha ni Lexine at hinatak ang braso niya patayo. Mabilis nitong tinutok ang kutsilyo sa kanyang leeg. Dinikit ni Cruxia ang talim sa balat niya at isang maling kilos ay malalagutan siya ng hininga.

"Cruxia, keep your fucking hands off my girl," maingat ngunit madiin na wika ni Night.

"I'm sorry my dearest prince. I don't follow orders from you but only to my queen."

Night's eyes turned lethal like a mountain beast that was ready to hunt down his prey. "Then tell this to that cunt. If she wants to get Lexine, she has to kill me first, and if she doesn't? Then I'll be the one to kill her."

Mas humigpit ang kapit ni Cruxia kay Lexine. Halos maubo na siya sa kahirapang huminga.

"Kung gusto mo talagang mabawi ang babaeng `to, subukan mo!"

"Well then, sweetie. Prepare to get fucking burn."


PERTIMBANGAN PENCIPTA
AnjGee AnjGee

Ohhhhhh...

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C77
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk