@ International_Pen
((( SENA )))
Lumabas na ako na tanging twalya lamang ang nakapulupot sa akin. Magulo ang buhok ko. At sa paglabas ko nakaabang na sila Cecile. Lumapit muna ako sa mesa ang kumuha ng maiinom. Naubos na eh… at itong ininom ko, wag naman na iiyakin ko ulit. Mahapdi na sa mata ko. At di ko pinansina ang damit na inabot nila sa akin. Ako mismo ang kumuha… Nagbihis ng tahimik. Sa paglabas ko sa wardrobe… pumasok si Sean… at nagkasalubungan kaming dalawa. Nakatitig siya sa akin, ako inilayo ko ang paningin ko sa kanya. Hangin lang yung dumaan.
Naupo ako sa harapan ng salamin, na handa na sanang tulungan ako ni Cecile.
"Ako na lang…" pangiti kong sabi upang tangihan ang gagawin niya. Sinuklay ko ang buhok ko… at kahit sa salamin, binubura ko ang refleksion ni Sean. Ayoko siyang makita.
Nang makapag-suklay ako. Hinarap ko na si Cecile…
"Saan ba ako lilipat ng silid?"
"Miss Sena, mananatili kayo rito sa silid."