@ Internattional_Pen
((( SENA )))
Yun nga… yung titig na yun… nauwi sa halikan. Namiss ko ang lalaking to. Pakiramdam na umakyat ako sa isang puno ng bayabas… at yun na lang ang ang nag-iisang puno… saka may malaking bunga na alam ko matamis… lalo na nasa gitna ako ng nyebe. Masaya akong naakyat ko yun. Kinain… at yung katas… masarap. Naiiwan yung lasa sa loob ng bibig ko. Hangang sa yung halik ni Sean dumaloy na nga sa leeg ko na malalambot niyang labi… at basing labi na nagbibigay nang kakaibang pakiramdam na parang naliligo ako sa isang falls… at yung tubig dumadaloy ng taimtim sa aking leeg.
Ayokong magpakawala sa pakiramdam na ito. Yung kamay niyang mainit na humahaplos na ngayon sa binti ko na tuluyan na nga akong nagbaubaya para mahanap niya ang hinahanap.
Tuluyan na akong nahulog sa impluwensya niya… hinahayaan kung ano man ang nais niyang gawin. Ngunit nararamdaman ko ang labis niyang pagmamahal sa akin.