CHAPTER 62
LUCKY'S POV
I'm Feeling Lucky.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala at maka get over sa mga nangyari sa akin sa Baguio. Mahihiya ang rollercoaster sa naging takbo ng mga pangyayari simula kagabe, kaninang madaling araw hanggang kaninang tanghali.
Pakiramdam ko panaginip lang talaga ang lahat dahil kung totoo ngang nangyari ang lahat ng yun. ANG GANDA KO TEH!
'HEELLLLOOOO! I'm flirting with Kenneth Ang for christ sake!'
Hindi ko alam kung paaano kikilos sa tuwing nakikita ako siya o kapag kaharap siya. Kinikilig ako ng higit pa sa inaasahan ko. Sa tuwing titiningnan ko siya hindi ako mapakali at kapag naiisip ko ang mga kabnuyan namin kagabe nag iinit ang pisngi ko. Kaya ang ginagawa ko na lang hindi ko na lang siya masiyadong pinapansin. For sure mahahalata nila ako kapag kumilos ako ng kakaiba. Kaya kahit pa nahihirapan ako tiis ganda nalang at patakas na sulyap na lang kapag may chance ako.
Kakaiba tong experience ko na 'to sa lahat. Hindi ko to naranasan ang maging ganito kay Jasper noon. Kapag si Wesley ang nag papa cute kinikilig din ako pero hindi kagaya nito. May kakaiba kay Kenneth at aminado akong patay na patay ako sa kanya. Nakakapanghina siya ng tuhod lalo kaninang kinilig siya sa CR parang gusto kong tumawa at yakapin siya dahil mas malala ang kilig na nararamdaman ko ng makita ko ang pagiging weirdo niya kanina.
Alam ko ding nag ngingitngit na naman siya ngayon sa naging desisyon kong tabihan si Wesley. Halata naman dahil panay talukbong niya ng jacket sa ulo. Pero mas okay na yun kesa magkatabi kame at matukso akong halikan siya sa bus at mabuko pa kame pareho. Nagtataka lang ako kung papaano siya napapayag ni Wesley.
'Psh, Hindi man lang siya sumulyap para tingnan ako.'
Sa loob ng bus nagkaroon kami ng short program para patayin ang oras. Si Andi at Marlon ang naging host ng maiksing programa. Wala kaming ginawa kundi tumawa para kaming nasa comedy bar lalo't panay ang lait nila sa mga kaklase ko na malapit sa kanila.
"Dahil sa taong ito tayo ang hinirang na champion over all, pwede ba namang hindi magbigay ng isa pang kanta ang nagpanalo sa section natin?" parinig ni Marlon sa mikropono at nakatingin ng derecho sa akin.
"Lucky Gonzaga, huwag kang deadma kung ayaw mong paglakarin ka namin pauwe ng Maynila." Turo niya sa likod kung saan kami nakapwesto.
"KAKANTA NA YAN!"
"KAKANTA NA YAN!"
"KAKANTA NA YAN!"
"KAKANTA NA YAN!"
"KAKANTA NA YAN!" malakas at sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko. Pati si Sir Adam nakikisaay din sa kanila.
"Lucky, mamaya na kayo mag sweet sweetan ni Ongapuco pagbigayan mo muna yung mga fans mo dito!" sigaw ni Andi sa microphone.
'Pakshet 'tong mga bayot na 'to mamay aisipin nila dyowa ko talaga si Ongpauco!'
"Go and make me proud." Bulong ni Wesley sa tabi ko. Inirapan ko lang siya.
"Kapag hindi ka pumalakpak lagot ka sakin!" banta ko sa kanya tumawa siya ng mahina at humalik sa noo ko.
Pareho namang nakatingin si Ytchee at Kenneth sa aming dalawa. Napilitan akong tumayo dahil sa pambubuyo nilang lahat. Paglapit ko pinapili nila ako ng kanta sa maliit na song book.
Habang pumipili ako ng song siya kaagad ang unang pumasok sa isip ko at kaya napangiti na lang ako. Tinuro ko kay Andi ang song choice ko at dali dali niyang denial ang numero at maya maya umibabaw na sa ere ang tunog ng gitara at piano.
'Tingnan naten kung ano reaction niya sa kakantahin ko.'
SONG TITLE: Kiss by Kiss by EMILIA
"You can't believe
How did I succeed
I went where no one's gone before
I opened up your heart
And tiptoed through the door
To forevermore."
"What did I do
I took my time with you
The other girls they moved too fast
I knew the way to make it last
Was take it slow
I let it grow."
Nakita kong natulala si Kenneth habang pinapanuod ako. Gusto kong mag sink in sa may tagas na kukote niya ang bawat lyrics ng kinakanta ko.
"Kiss by kiss, and baby
Touch by touch
that you want from me so much
Darling
Kiss by kiss is how I
Got you to fall in love with me like this."
Napapaindak ako ng konti dahil sa beat ng kanta. Muntik na akong matawa ng sikuhin ni Ytchee sa tagiliran si Kenneth at kahit na napayuko ito ng bahagya sa sakit hindi ito humiwalay ng tingin sa akin. Kakaiba ang sayang nararamdaman ko ng makita ko ang reaction niya.
"Now here's the key
I made you come to me
I didn't run, I didn't chase
I played it cool, I gave you space
Before I knew
I was holding you."
"Made every kiss
Just so hard to resist
I always left you wanting more
Careful not to give it all
I played it smart
I won your heart."
Hindi ko na napigilang ngumiti ng malaki dahil sa mga na aalala ko, akmang akma ang kinakanta ko sa nangyayari sa aming dalawa. Well sa kanya actually. I played it smart, i make sure every kiss we shared, left him wanting more and more. More and more? Tsk, nag adik na nga eh pati ako nahawa na. Ha ha ha!
"Kiss by kiss, and baby
Touch by touch
that you want from me so much
Darling
Kiss by kiss is how I
Got you to fall in love with me like this."
"Night by night and
Baby day by day
You grew to feel that special way
Darling
Kiss by kiss is how I
Got you to fall in love with me like this."
Nagulat ako ng sabayan ako ng mga kaklase ko sa pagkanta at pag indak sa masayang saliw ng musika. Pati si Wesley na masayang nanunuod kumakanta na din. Nakalimutan kong may lyrics pala sa TV Screen kaya masasabayan talaga nila. Parang tangang magkayakap naman si Andi at Marlon sa tabi ni Ser Adam na ngiting ngiti.
"I wanted you from the start
You know it was so hard
To keep it locked inside me
Afraid to scare you so
Instead I let it show."
"Kiss by kiss, and baby
Touch by touch
that you want from me so much
Darling
Kiss by kiss is how I
Got you to fall in love with me like this."
Dahan dahan kong kinanta chorus na naayon naman sa instumento at tono nito. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa gawi niya habang kumakanta. Kakaiba ang kinang ng mga mata niya at hindi na mawala ang nakaka lokong ngiti sa labi niya. Yung klase ng ngiting siya lang ang nakakagawa. Yung tipong sarkasitiko pero ang sexy ng dating. Buti na lang katabi niya si Ytchee kaya hindi masiyadong halata na sa kanya ako nakatingin.
"Night by night and
Baby day by day
You grew to feel that special way
Darling
Kiss by kiss is how I
Got you to fall in love with me like this."
Masigabong palakpakan na may kasamang hiyawan ang nangibabaw sa bus matapos akong umawit para sa kanila. Nag bow lang ako sa harap at nakipag apir naman si Ser Adam sa akin.
"Juice Colored kung makasabay naman sa kanta ang mga fans , akala ko nagpalit na ng National Anthem ang Pinas kaloka kayo!" si Andi.
"Pero epek seshie ano? Hindi bumirit si Inday ngayon pero may hagod sa puso ang kanta. Para kanino kaya niya inalay yun?" dinig kong komento ni Marlon habang pabalik ako. Nakipag high five muna si Ytchee at Kenneth sa akin bago ako umupo sa tabi ni Wesley.
"I love it." Mahinang bulong niya sa tenga ko bago sumulyap sa pinsan niya. Hindi na ako lumingon para malaman ang naging reaction niya. Alam na!
"Me too." Nakangiting sagot ko. Nakasandal lang ako sa balikat niya habang pinapanuod siya sa paglalaro ng online game na kinakaadikan niya hanggang makatulog ulet ako.
"Lucky, wake up." Pagdilat ko ang baby face ni Wesley ang nakita ko. Napangiti siya ng dumilat ako.
'Lord, sana walang natuyong laway sa gilid ng bibig ko dahil itataob ko 'tong bus sa ayaw at sa gusto niyo!'
"Stop over na tara kaen tayo." Aya niya at inalalayan ako bumangon. Lumingon ako sa paligid at kami na lang ang nasa loob ng bus.
"Mauna kana sa baba sunod na ako." Pagtataboy ko sa kanya. Kailangan kong mag ayos dahil sabog sabog ang buhok ko.
"Sige bilisan mo oorder na ako ng food." At saka tumalikod pero huminto siya ng masalubong niya pabalik si Kenneth.
"Oh bro?"
"Nakalimutan ko yung wallet ko sa bag." Napakamot pa siya ng ulo. Nagkatitigan muna sila ng ilang segundo at napapailing namang umalis si Wesley.
'Weh, Nakalimutan daw?'
Nang makita niyang kami na lang ang tao sa loob ng bus mabilis siyang lumapit sakin.
"Oh?"
"Ikaw ang nakalimutan ko hindi yung wallet ko." At sabik na sabik akong hinalikan sa lips.
"Ogag ka may makakita satin!" kinurot ko siya tagiliran at tumawa lang siya ng mahina.
"Para sa akin ba talaga yung kanta kanina?" hindi niya maitago ang ngiti sa napaka gwapong mukha niya. Gusto kong dumapa sa kinahihigaan ko at mangisay sa kilig kaso nahihiya ako.
"Gusto mo kay Ser Adam natin idedicate.." Biro ko.
"TANG—" mabilis ko siyang hinila sa kwelyo ng jacket niya at siniil ko siya ng madiin sa labi. Ito lang makapag papakalma sa kanya para manahimik siya.
"Baba na tayo, ayusin mo ang sarili mo." Galit galitang sambit niya ng maghiwalay ang mga labi namin.
"Sus, nag gagalit galitan ka lang para maka isa ka pa, utot mo!" ngiwing sagot ko sa kanya.
"Kapal mo!" naiinis na sagot niya. "Bilisan mo napaka antukin mo para kang si Wesley."
"Ungas ka pala eh, pinuyat mo ko kagabe kaya kulang ako sa tulog!" singhal ko. Bakas sa mukha niya na pinipigilan niyang huwag mapangiti sa sinabi ko.
'Tss, malamang ini-imagine na naman niya yung kaabnuyan namin kagabe.'
"Kasalanan mo yun, ginagalit mo kasi ako."
"Psh, rabbit na rabbit!"
"Ahh rabbit pala ah." Mabilis siyang lumapit at itinulak ako pahiga. Mabilis siyang sumampa at tinabihan ako.
"A-Anong g-gagawin mo?" niyakap ko ang sarili ko.
"Patatahimikin ko lang yang bibig mo." Mahinang sambit niya habang kinakagat ang mapulang lips niya.
Niyakap ko na lang siya at isinubsub ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Sorry na. Please kumaen na tayo nagugutom na ako." Nakangusong sambit ko sa dibdib niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa habang inaamoy ang buhok ko.
Nag angat ako ng tingin sa mukha niya.
"Tss, pasalamat ka nasa bus tayo Gonzaga." Hinampas ko siya ng mahina sa braso dahil sa kapilyuhan niya. Ginawaran ko siya ng isang magaang halik sa labi at saka ako nagmadaling tumayo. Nakangiti lang siya na parang tanga habang nag aayos ako.
'Siguro isa akong bayani sa past life ko na nakipag bakbakan sa mga kastila, hapon at mga amerikano kaya kung biyayaan ako ni Lord ngayon sobra sobra pa sa pangangailangan ko. Kung nananaginip lang ako, please huwag niyo muna akong gigisingin nag e-enjoy pa ako sa bangungot ko.'
Sabay na kaming bumaba at sumabay kumaen sa mga kaibigan ko. Panakaw lang ang tingin naming dalawa habang kumakaen. Muntik na akong masamid habang umiinum ng kindatan ako ni Kenneth. Matapos kaming kumaen inaya ko si Ytchee mag bisyo.
"Hello, Mom? Please calm down." Nag aalalang sagot ni Wesley sa cellphone niya.
"W-What?" gulat na sagot niya at biglang tumayo sa mesa at bahagyang lumayo. Nagkatinginan kami ni Kenneth kung anong nangyayari sa pinsan niya at nagkibit balikat lang siya.
"When did that happen?" napahawak siya sa noo at mababakas ang pamumula ng mukha niya. Kinakabahan ako sa mga naririnig at nakikita ko sa kanya.
"About two hours. I'll be there as soon as i can and Mom please stop crying! You're freaking me out." Naiinis na sagot nito sa ina.
"Hey, is everything okay?" tanong ni Kenneth paglapit ng pinsan niya.
"Dad is in the hospital." Malungkot na sagot niya.
"Why? What happen?" nagaalalang tanong nito.
"Mild stroke while his in a meeting." Mangiyak ngiyak na kwento niya. Lumapit ako at niyakap siya.
"Oh my god." Mahinang sambit ni Kenneth.
"Buti na lang kasama niya ang Dad mo sa meeting kaya madali siyang nadala sa ospital kanina."
"You're Dad we'll be okay." Alo ko at hinimas himas siya sa likod. Nagkatinginan kami ni Kenneth habang nakayakap ako sa pinsan niya. Sinamangutan niya ako at sinensyasan ko siyang manahimik siya.
'Sira ulo 'to palibahasa hindi niya tatay ang nasa ospital.'
Malungkot kaming bumalik sa bus sa nalaman naming balita. Hindi ko na halos makausap si Wesley dahil sa sobrang pananahimik niya dala ng pag aalala sa nangyari sa ama. Tinabihan ko siya at sumandal ako sa balikat niya.
"Huwag ka ng malungkot. I'm sure the doctors will take care of him and beside nandun naman ang Mommy mo."
"Will you be sad kung mau-ospital din ako?" wala sa sariling tanong niya habang nakatingin kami sa malaking TV screen sa harap.
Napalingpon ako sa kanya. "Oo naman boklogs ka pala eh. Kapag inaartehan mo nga ako hindi na ako mapakali maospital kapa kaya." Ngiwing sagot ko.
"Ganun ako ka importante?"
"Oo, at ganun ka kaarte." Singhal ko at sabay kaming tumawa.
"Sige tatandaan ko yang sinabi mo ah." Ngiting sagot niya. Nakatulog kaming dalawa sa ganung posisyon.
"Lucky. Wake up we're here." Lumingon ako sa bintana at madilim na ang paligid. Papasok na ang sinasakyan naming bus sa campus. Ilang minuto lang after naming mag park ng mga bus sa campus isa isa na kaming bumaba.
"FINALLY WE'RE BACK!" si Andi.
"Parang bigla ko tuloy na miss ang Baguio." Malungkot na sagot ko kaya inakbayan ako ni Ytchee.
"Ako din ses ayoko na dito mainit." Selan selanang sagot ni Marlon.
"Ang ganda mo sa part na yan teh!" ngiwing sagot ni Ytchee.
"Kenneth, ikaw na lang maghatid kay Lucky kailangan kong dumerecho sa Capitol Med dun naka confine si Dad ngayon."
"Sige bro, susunod ako."
"Lucky, umuwe ka na maaga pa ang klase mo bukas diba?" napanguso ako sa sinabi niya.
"Gusto mo bang samahan kita sa ospital?"
"Huwag na magdamag akong magbabantay ngayon. Tatawagan kita bukas kong makakapasok ako o hindi." Bakas sa itsura nito ang matinding pagaalala sa nasa ospital na ama.
"Sige na mauna kana samin. Ipag pray ko nalang ang Daddy mo mamaya."
"Thank you." Lumapit siya at hinalikan ako ng madiin sa noo.
"Kenneth, mauuna na ako nandiyan na ang sundo ko."
"Sige bro. I"ll text you later." At nagpaalam din siya sa mga kaibigan ko bago umalis.
"Lucky, tara na sumabay kana sakin pauwe." Utos ni Kenneth at hinila ang bag ko.
"Kenneth okay lang ako, kay Andi na ako sasabay. Mas kailangan ka ngayon ng pinsan mo."
"Oo, Kenneth sakin na siya sasabay parating narin yung sundo ko ngayon." Sabat ni Andi.
"Sumabay kana sakin. We have something to talk 'to." Seryosong sagot niya at naunang naglakad papuntang parking lot.
Matalim ang tinging ipinukol sa akin ng mga kaibigan ko. Yung tinging nagtatanong kung anong meron at anong pag uusapan namin ni Kenneth. Nagkibit balikat lang ako bilang sagot.
Sinenyasan ko silang tatawag na lang ako.
Hinihingal akong dumating ng parking lot. Hila hila ko ang ilang mga bagahe ko at naabutan kong nakasandal si Kenneth sa kotse niya. Para siyang modelo sa isang pictorial ng mamahaling sasakyan.
Kaso panay hampas niya sa magkabilang braso dahil pinagpi piyestahan na siya ng mga fans niyang lamok.
'Why are you so gorgeous Kenneth?'
Nahihirapan na naman akong huminga ngayong nakikita ko siya. Nagwawala na naman kasi ang puso ko sa loob ng rib cage ko at ayaw naman makisama at mag function ng maayos ang lungs ko.
"Bakit ba ang tagal mo? Nilalamok na ako dito." Galit na bungad niya paglapit ko.
"Nagusap pa kami nila Andi kung anong oras kami magkikita kita bukas." Mahinang sagot ko.
"Hindi pwedeng magtext o mag usap na lang kayo sa cellphone pag uwe niyo? Kanina mo pa ako pinag aantay dito." Salubong ang kilay at mainit na naman ang ulo niya.
"Bakit kapa kasi nag antay sinabi ko naman sayong kay Andi na ako sasabay eh!" Naiinis naring sagot ko.
''Bwesit na 'to! Kung nagmamadali pala siya ba't hindi na siya sumama kay Wesley.'
"Sumakay kana pasalamat ka..." Hindi na niya tinapos ang sinasabi at hinablot niya ang luggage bag kong Doraemon at ipinasok sa loob ng kotse niya.
"Ayokong sumabay sayo. Galit ka sakin eh!" Nakangusong sagot ko. Napapadyak pa ako sa semento sa sobrang inis. Napahawak lang siya sa batok at napapakagat sa mapula niyang labi habang pinagmamasdan ako.
"Sasabay kang umuwe sakin o hahalikan kita dito sa parking lot?!" banta niya. Alam kong hindi siya nag bibiro kaya dali dali akong lumapit sa pinto at sumakay.
"Sabi ko nga sasakay na!" Nakingiti akong pumasok sa tabi ni driver seat.
"Sasakay rin naman pala dami pang arte." Dinig kong sambit niya bago pa ako makapasok.
"Metro lang po kuya." biro ko sa kanya ng i-start niya ang kotse.
"Dalhin kaya kita sa motel ng manahimik ka!" singhal niya.
"Sa bahay tayo. Nag aantay na sila Nanay sakin ngayon." Turo ko sa daan at sarkastiko siyang ngumiti bago pinaandar ang mamahalin niyang sasakyan.
"Psh, takot naman pala!" saka niya inistart ang kotse niya. Hindi na ako kumibo.
"Bakit ayaw mong sumabay sakin? Naiilang ka ba?" basag niya sa katahimikan.
"Naiilang? Kanino sayo? Patawa ka. Bakit naman ako maiilang." Pinilit kong huwag mautal kahit pahinto hinto ako magsalita.
'Lintek na lalakeng 'to nakaka tense kausap!'
Pero ang totoo nahihiya kasi ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung papano kikilos sa harap niya sa kabila ng mga nangyari samin kagabe hanggang kanina. Ngayon wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya.
Nahihiya ako dahil gusto ko siya. Mali, gustong gusto ko pala siya higit sa inaasahan ko. Pero sa kanya ako hindi sigurado. Baka nagpapainit lang ata yun dahil malamig sa Baguio.
"Masiyado ka ng halata Gonzaga. Aminin mo may gusto ka na sakin noh?" punong puno ng kompiyansa na pagkakasabi niya.
"Wala uy! Asa naman ako sayo." Napangiwi ako.
'Oo, ungas gusto na kita huwag mo ng ipamukha sa harap ko!'
"A-Anong wala? Sumusobra ka na ah!" Sigaw niya habang nagmamaneho. Ewan ko pero natutuwa talaga akong pagmasdan siya sa tuwing nagagalit kagaya nito.
"Akala ko ba hindi mo type ang mga kagaya ko?"
"Siyempre hindi lahat ng kagaya mo, pero ikaw mismo, gustong gusto ko!"
Natulala ako sa sinabi niya. Parang may kung ano sa tiyan ko ngayon at hindi ako mapakali. Pero seryoso siya kitang kita ko yun sa mga mata niya.
'Pag may time samahan ko 'to minsan sa ophthalmologist.'
Sigh. "Walang pinagkaiba yun Kenneth, sa huli magbabago din ang tingin mo sakin okay." Nag cross arm ako habang nakaupo at lumingon sa labas ng bintana.
"Mukhang malabo na yung mangyari Lucky. Kanina habang kumakanta ka sa bus, na realize ko na hindi na pala kita gusto..." dahan dahan akong napalingon sa kanya.
"....sa tingin ko mahal na ata kita Lucky Gonzaga." Sakto namang nag red ang traffic light kaya kami napahinto. Sumabay din sa paghinto ang pagtibok ang puso ko.
'Kinangena, ginagago mo ba ako Kenneth? Assuming kaming mga bakla kaya maghinayhinay ka sa mga sinasabi mo dahil mapagpatol akong tao!'
"Alam mo bang kanina ako ang pinaka masayang tao sa loob ng bus habang pinapanuod ka? Hanggang ngayon nag e-echo parin sa isip ko yung kanta. That song was made for us. Gusto kong yun ang maging theme song natin kapag tayo na." Ganadong ganadong siyang magkwento habang nagmamaneho.
Nakatulala lang ako habang nakikinig. Hindi ko alam kong may mali lang ba sa mga nadidinig ko o talagang malakas lang talaga ako mag imagine sa mga oras na 'to.
"Tapos kagabe nung akala mo tulog ako." Napangiti siya. "Nung sinabi mong mamimiss mo ko? Hindi mo lang alam akung gaano mo ko pinasaya nun. Kaya ngayon siguradong sigurado na ako sa nararamdaman ko sayo."
"Kenneth, please stop." Awat ko sa kanya. "Kiss lang mahal mo na ako agad? Magkaiba ang love sa lust uy! Maybe you're curious i don't know pero hindi yan love huwag kang ano.." mabilis na kontra ko.
"Wala kang alam sa nararamdaman ko Lucky. Sigurado ako sa nararamdaman ko at alam ko rin kung anong sinasabi ko dahil katawan ko 'to."
"Kung anumang namagitan satin kagabe hanggang kaninang umaga dala lang yun ng init ng mga katawan natin. We're teenagers remember? Hormones? Does any of it ring a bell?"
"The hell i care about hormones, being a teenager or their differences!" naiinis na sagot niya.
"Shiit." Mahinang sagot ko.
"All i know is i like you. A lot. Love or Lust who cares? Last night was tough, i really really want to have sex with you. But i didn't because i wanna make love to you Lucky."
"Make love? Yung make love mo will make war sa Carlisle!'
Madali kong binuksan ang bintana sa tabi ko dahil hindi na talaga ako makahinga ng maayos. Nag park siya sa gilid ng kalsada at tinitigan ako.
"A-Are you okay?"
'Anong okay? Gusto niya na ba akong mamatay? Jusmiyo si Kenneth Ang ang nag confess seshie, sinong magiging okay? Malamang mag ambag ambag ang mga admirers niya sa school para mag hired ng papatay sa kin bukas!'
"Of course not, idiot!" Singhal ko.
"Look, I can't imagine myself without you." Sinserong sambit niya na lalong nagdagdag ng kaba sa dibdib ko. Tumalon talon, tumalbog talbog at nag split ang puso ko sa sinabi niya.
"Kenneth stop. You're starting to freak me out."
"Why what's wrong with that? I just said i like you. No, Lucky i love you." At hinawakan niya ako sa braso.
'Pisting yawa 'to seryoso talaga siya.'
"You know what i hate the most? I don't like getting played Kenneth. That's what it is. I'm tired of people that keep playing my feelings."
As much as i like everthing what he said, kailangan ko parin protektahan ang sarili ko. Hindi madali ang gusto niyang mangyari. Mas gwapo mas malaki ang problema ko. I learned my lesson. Hindi siya masarap balikan. Trust me.
"Lucky, i'm not lying to you. Just because your ex boyfriend hurt you, that doesn't mean i'm gonna hurt you too. I'm not gonna make his own mistakes again by hurting you. I'm far different from him."
'Different? Utot pareho pareho lang kayong may t*t*!'
"Boys will be boys. I think you're all the same."
'Oops, sorry lalake din pala ako.'
"No, i'm not. I LOVE YOU Lucky Gonzaga! Bakit ba ayaw mong maniwala!" nabuburyong sagot niya.
'Patay ka bai!'
"Ughh! And.. and you just blurt that out just like that?"
"Yeah, why wouldn't i? I know what i feel and i really really like you."
"C'mon you have to chill out man. Hindi magandang biro ang mga sinasabi mo." Ewan ko ba kung bakit pinagdududahan ko pa siya kahit alam ko sa sarili kong may katotohanan yung sinasabi niya. The way he looks at me, touch me and specially the way he kiss me.
'Its.. its too good to be true. Mahirap na baka ma scam ang puso ko.'
"Why? What's wrong with being true to myself?"
"Kenneth you have to calm down. I know this is all new to you but please you have to chill out okay? Gahhd!" Awat ko sa kanya. Malapit na akong mabaliw sa lahat ng mga sinasabi niya.
'For sure iiksi ang life span ko sa Carlisle kapag maging dyowa ko siya.'
"I don't wanna calm down. Seriously, I love you and I don't understand why this makes you upset?"
"I'm not upset. Hindi lang siguro ako kumportable sa mga sinasabi mo okay? Una, dahil hindi lang ako makapaniwala. Ikaw at ako? Huh, suicide yun!"
"Natatakot ka lang Lucky."
"Of course not!"
"Hindi pala eh anong inaarte arte mo?" Naiinis na sagot niya. Hindi ko siya masagot ng derecho. Kaya tinitigan ko na lang siya.
Deep sigh. "Its too good to be true Kenneth. Masiyado pang maaga para sabihin mo sakin na gusto mo ko blah blah blah---"
"I love you Lucky! That's how i feel about you."
'Kingenang to inulet pa. Di mo ba alam na maihi-ihi na ako sa kilig kapag sinasabi mo yan, ha?!'
"I don't understand." Nanghihinang sagot at hinawakan niya ako sa binti.
'Konting konti na lang Kenneth malapit na talaga akong maniwala sayo.'
"Then don't! Just chill out and let me love you."
"But still i don't understand" naiinis na sagot ko. "Coz people don't just go around and telling other people that they love them because they feel whenever they feel it." Gusto kong ipaintindi sa kanya ang sinasabi ko.
'Infatuation, lust or kung ano mang tawag sa nararamdaman niya ngayon may explanation yun hindi pwedeng mahal niya ako agad? Ano kasing ganda ko Angel Locsin? Anne Curtis? Marian Rivera?'
"W-Why?" Parang sumusuko na siyang makipag talo sakin sa tono ng boses niya.
"B-Be-Because I messed up bigtime. I'm a big coward and scared at the same time Kenneth." Nakakahiya man pero kailangan niya ring malaman ang laman ng utak ko. Hindi pwedeng subo lang ako ng subo at basta na lang iluluwa kapag mapaso.
"You scared about what?" Hinawakan niya ako sa legs.
"I'm scared that we won't end up happy, alright?" Naiinis ako sa sarili ko. Masiyado aking naduduwag sa nangyayari ngayon. Ayoko ngkasi bumalik sa yugto na yun ng buhay ko ng dahil sa pag ibig pag ibig na yan i end up a like a mess and most of all misunderstood.
'But the truth is natatakot ako para sa sarili ko. Dahil baka hindi na ako makabangon sa pangalawang pagkakataon.'
"Like what i've said to Wesley before, i'm always scared that i'm not be good enough for someone else. Especally you Kenneth, masiyado naman atang mataas ang pangarap ko." Pagak na tawa ko.
Tahimik lang si Kenneth habang tinititigan ako. Sana nakuha niya ang pinupunto ko. Sa kanya ko lang na ikwento noon ang tunay na nangyare sa amin ni Jasper kaya alam kong alam niya ang sinasabi ko. Kung kelan naman unti unti na akong naka move on na sa past ko saka naman ulet may papasok na isa pang gulo.
"You don't love me." Malungkot na sagot niya bago i-start ang kotse.
Nakakahawa ang kalungkutan niya. Nakakapanghina, nakaka guilty at gusto kong kastiguhin ang sarili ko. Hindi ko siya kayang makita na nalulungkot dahil mas nalulungkot ako.
Alam kong hindi rin naging madali para sa kanya na tanggapin ang nararamdaman niya pa sa akin. Mahirap yun para sa isang lalake ang ma confused sa nararamdaman nila. Ang labanan ang isip at sarili nila. Dahil kapag tinanggap niya ang isang parteng yun sa pagkatao niya, there's no turning back.
Hinawakan ko siya sa braso. "Look Kenneth, i'm more than happy that you like me and its the most amazing thing I've ever heard for a long time i swear."
"So what's stopping you?" malungkot ang mga mata niya at parang gusto kong saktan ang sarili ko sa nakikita ko.
Ngayon ako naman ang nakikipagtalo sa sarili ko. Parang dinudurog yung puso ko sa tuwing nakikita ko siyang nalulungkot dahil sa kagagahan ko. Bakit ba mahirap para sa kanya na intindihin ang sitwasiyon ko? Mahirap bang intindihing gusto ko lang mamuhay ng payapa sa Carlisle? Wala na ba akong karapatang maka move on after ng bangungot na kahapon ko?
Oo gusto ko siya higit sa pa nga sa inaasahan ko. Pero sana naman unawain din niya ang gusto ko.
And there he's cousin Wesley. Hindi ko rin kayang saktan sa magiging desisyon ko. Kapag inuohan ko si Kenneth siguradong mapapatay ako ni Wesley. Unconciously siguro mahal ko parin siguro si Jasper dahil kapag kasama ko si Wesley siya parati ang naiisip ko. He reminds me of him. Ngayon iiwan na niya ako hindi pa ako handang mawala si Wesley sa tabi ko.
Tinanggihan ko siya hindi dahil hindi ko siya gusto. KAIBIGAN ang hanap ngayon ko hindi KAI-BIGAN.
'Eh si Kenneth anong eksena niyo?'
Para siyang isang bomba na sumabog sa harap ko. Hindi ko alam kung anong malanding espiritung stay in sa Baguio ang sumanib sa kanya at bigla na lang siyang nag confess ng ganun ganun. Ano sumusunod siya sa uso? Naumpisan ng pinsan niya, sinundan ni Sir Adam tapos ngayon siya naman. Ang ganda ng lahi mo Lucky Gonzaga. Ikaw na!
'But what's really stopping me this time?'
"Hindi ba pwedeng friends muna tayo?" nakangusong sagot ko.
"NO LUCKY! TELL WHAT'S REALLY STOPPING YOU IF YOU FEEL THE SAME WAY TO ME."
"Kenneth.." Parang may bumabara sa lalamunan ko at pinipigilan akong sabihin ang gusto ko.
"K-Kenneth--" Paulit ulit akong napapalunok.
"What Lucky?" Naiinip na sagot niya.
"KINGENANG YAN!" Singhal ko. "I LOVE YOU TOO BWESIT KA!" sigaw ko sa harap niya.
Pero pinagpawisan ako ng malapot matapos kong sabihin yun sa kanya. Bahala na. Ito talaga ang nararamdaman ko ngayon kahit ayoko. Ayokong nakikitang nalulungkot siya. Hindi rin naging madali para sa kanya ang tanggapin ang sitwasiyon namin pareho. Kung may nahihirapan man sa aming dalawa ngayon alam kung siya yun. Hindi biro ang mundong pinapasok niya samantalang ako papalabas na.
"A-Ano u-ulet yun?" parang nabibinging tanong niya pero hindi niya maitago ang napaka gwapong ngiti niya.
"SIGE NA I LOVE YOU TOO!" naksimangot na sagot ko habang nakayuko.
'Paano kong binibiro niya lang pala ako tapos bigla niyang bawiin lahat kanina?'
"Pakiulet naman please." Nag pout pa siya ng lips.
'Bwesit ka UNGAS!'
"Kingenang to paulet ulet, I LOVE YOU TOO okay na?!"
Bigla niya akong niyakap at pinugpog ng halik sa buong mukha. Sa ilong, pisngi, panga, noo at sa lips. Teary eye siyang huminto at tinitigan ako.
"I knew it. I knew it." At siniil niya ako ng halik sa labi. Nag uumapaw ang sayang nararamdaman ko ngayon sa tabi niya. Hindi ako makapaniwalang gusto ako ng taong 'to sa kabila ng kasarian ko.
'Iba ka Kenneth Ang, may sapak ang lahi niyo. Pasama ka sa Dad mo bukas pa check up kayo kung may tagas yang bungo mo.'
"Ligawan mo parin ako, diba yun ang sabi mo dati?" excited na excited siya.
"Sobra ka, naghalikan na tayo lahat lahat magpapaligaw ka pa?"
"Oo, bakit ba! I deserve to be courted." Mayabang na sagot niya.
'Psh, pasalamat ka gwapo ka!'
"Fine, gawin natin yun next time." Suko na ako sa kakulitan niya.
"Natin? Natin? Ikaw lang, ako nga liligawan mo eh!"
"Oo na! bwesit na to hindi napapagod!"
"So tayo na ngayon?" hindi makapaniwalang tanong niya. Gusto ko siyang itupi ng apat na beses at isuksok sa bulsa ko at iuwe sa bahay.
"Oo dun din naman yun papunta eh."
'Take the risk or else i'll lose the chance.'
"Ayokong magpakasaya ng sobra sobra ngayon dahil nasa hospital pa ang daddy ni Wesley. Pero iniisip ko palang na tayo na gusto kong magwala sa sobrang saya Lucky Gonzaga!" Para siyang tanga sa sobrang ligalig niya sa loob ng kotse.
"But we have to slow down Kenneth. I mean can't we just be a good friend and get know each other first?"
"No i can't. I don't allow that. Every moment that i'm not with you is a torture Lucky. Its killing me not to see you, kiss you and to be with you." Seryosong tugon niya.
"Papatayin mo ba ako?" sigaw ko na ikinagulat niya
"W-What no? Why would i do that?"
"You're doing it idiot!" Umirap ako ng todo at itinatago ang ngiti ko.
"Kinikilig ka?" yumuko ako sa hiya. "Hahaha i can't believe i'm doing that right now. Oh God i love you so much Lucky Gonzaga!"
"Kenneth!" Nagpapapadyak ako sa sahig kotse niya.
"Ano na naman ba?" Nalilitong sagot niya.
"Putragis ka naman eh!"
"I'm sorry. Am i doing it again?" Humalakhak siya ng malakas.
"Oh God what is happening to me."mahinang bulong ko. "I'm going crazy--"
"Come here." Natatawang sagot niya. Hinila niya ako at niyakap ngf mahigpit.
Habang nasa biyahe may pinatugtug siya sa cellphone niya. Napalingon ako sa kanya dahil hindi ko mapigilan matawa. Sinasabayan niya yung kanta habang umiindak sa kinauupuan niya. Damang dama niya ang bawawt linya.
"Kiss by kiss, and baby
Touch by touch
that you want from me so much
Darling, Kiss by kiss is how I
Got you to fall in love with me like this."
"Mas maganda pala kapag ako yung kumakanta niyan pakiramdam ko patay na patay ka sakin Gonzaga." Natatawang kwento niya. Well totoo naman yun patay na patay naman talaga ako sa kanya. Sabay naming kinanta ang sumunod na stanza.
"Made every kiss
Just so hard to resist
I always left you wanting more
Careful not to give it all
I played it smart
I won your heart "
"Yan ikaw na ikaw yan. Rabbit na rabbit eh." Natatawang turo ko sa cellphone niya.
"Pakyu ka, bakit ayaw mo ba sa kiss ko?" nakangusong sagot niya.
"Gusto. Sa bagay sa halagang bente nakuha kita." Kumindat ako at tumawa siya.
"Pakyu ka!"
"You knew it was so hard to keep it locked inside me.
Afraid its getting slow instead I let it show..
Kiss by kiss and baby touch by touch.
Kiss by kiss and baby touch by touch.
That you wanted me so much.
Darling kiss by kiss is how I got you to fall in love with me like this.
Night by night & baby day by day you wud fil the special way.
Darling kiss by kiss is how I got you to fall in love with me like this.
Kiss by kiss."
Sabay naming tinapos yung kanta na panay ang tawa.
"Next time i-record mo yung kanta tapos gagawin kong ringtone Lucky." Pakiusap niya.
"Sige tapos ikaw din gawa ka ng version mo swap tayo. Deal?"
"Deal." And we sealed it with a kiss.
Naihatid niya ako malapit sa amin ng magkahawak kamay kahit nagda drive siya. Maya't maya niyang hinahalikan ang likod ng palad ko, ang noo ko, pisngi at labi ko. Para akong nasa cloud nine. I can't believe sa gabing to magkakahanap ako ng isang rare na Pokemon. Si Kenneth Ang, ching! Nag park kami lugar kung saan niya ako sinundo nung isang araw.
"Papasok ako ng maaga bukas sabay tayong mag breakfast." Nakangiting aya niya.
"Kasabay ko ang barkada. Again,hindi pa nila pwedeng malaman ang tungkol satin dahil isusumpa nila ako habang buhay, nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes ma'am!" Saludo niya sakin.
"Simula sa araw na 'to bawal ka ng mag ayos, mag make up, pumorma. Bawal kang makipag usap at tumingin sa ibang lalake. Magpahawak ng kamay, makipag text kapag hindi mo kilala. Si Wesley lang ang pwede mong kausapin, hawakan ang kamay akbayan pero yumakap bawal na." Mahabang litanya niya.
"Okay." Tumango ako.
"Okay, you mean pumapayag ka?"
"Okay, kako magbreak na tayo." Pormal na sagot ko.
"Whaaat? No way! Wala pa ngang 2 hours nagiging tayo break up agad? Patawa ka Gonzaga!"
"Oo, dun din naman yun papunta diba?" pang aasar ko sa kanya.
"Kahit kailan wala kang ka kwenta kwentang kausap!"
"Eh sira pala turnilyo ng utak mo eh. Lahat ng sinabi mo pabor sayo, ano ako slave mo?"
"Basta bawal, sumunod ka lang kung gusto mong magtagal tayo." Pinandigan niya parin ang gusto niya.
"Ulol, ang sabihin mo magtagal ang pang aalipin mo!"
"Hoy, ako ang lalake dapat ako ang masusunod dito!"
"Hoy lalake din ako kaya dapat pantay pantay tayo!"
"I'm serious Lucky."
'Mukha nga.'
"Grabe ka naman kasi baka gusto mo ring i-suggest sa nanay kong i-home schooled ako?" Sarkastikong sagot ko.
"Well, its not bad idea." Napapaisip na sagot niya at napangiti.
"Siraulo ka!" Kinutongan ko siya.
"Yan isa pa yang pananakit mo! Bawal din yan!" Turo niya sa mukha ko habang nangangamot ng ulo.
"Lintek, bakit hindi na lang si Amber ang shutain mo para magawa mo ang lahat ng gusto mo!"
"Bakit ba ang hilig hilig mong isali ang mga taong wala dito? Don't tell me nagseselos ka kay Amber."
"Patawa ka."
"Okay, i get it." Tatango tangong sagot niya.
"Subukan mo lang pagselosin ako kasama ng babaeng yun Kenneth James Ang, hahalikan ko ang lahat ng lalakeng masasalubong ko sa Carlisle Academy tandaan mo!" Seryosong banta ko. Nagiba ang timpla ng mukha niya sa sinabi ko.
"Sinabi ko naman sayong huwag mong gawing hobby ang pagselosin ako Gonzaga."
"Bakit sino bang nauna?"
"Huwag mong gawing biro ang nararamdaman ko sayo dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ko bago ko matanggap na ikaw ang gusto ko."
Bigla akong nakunsensiya sa sinabi niya. Alam kong mahirap talaga para sa isang tulad niya na tanggapin basta basta ang isang kagaya ko. Hindi ako babae para mag inarte sa harap niya. Wala akong boobs, keps, malaking pwet, hindi ako balakangin para mag demand ng kung ano ano sa kanya.
"I'm sorry." Mahinang sagot ko. "Isang bagay na pinaka ayaw ko ang pinagseselos ako Kenneth. Dun ko kasi naiisip kong anong malaking kulang sa pagkatao ko kapag may pinagseselosan ako."
"Walang kulang sayo Lucky. Para sakin sobra sobra kana. Hindi ako magpapaka tanga at magpapakabaliw sayo kung may gusto pa akong iba."
"Sinasabi mo lang yan ngayon kasi bago pa lang tayo." I speak through my experience.
"Wala sa plano ko ang makipag relasiyon noon kahit kanino. Pero ng nakilala kita naisip kong hindi masamang ikaw ang maging una dahil sayo ako unang naging masaya Gonzaga."
Hindi ako nakatiis at hinila siya sa kwelyo at hinalikan sa paraang gustong gusto niya.
Para kaming mga uhaw na uhaw sa isa't isa. Walang kapaguran sa kahit paulit ulit kami sa ginagawa. Mas masahol pa siya sa droga. Hindi ko narin ata matiid na hindi siya halikan kapag magkikita kami.
"Susundin ko lahat ng gusto mo sa abot ng makakaya ko. Pero isa lang ang hiling ko bilang kapalit sa lahat ng gusto mo."
"Try me." Mayabang na sagot niya.
"Patience Kenneth, that's all i ask."
"W-Why?"
"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang angking kamalasan ko diba?" tumango siya.
"Kailangang kailangan mo yun Kenneth."
"Bakit yun lang sa dami ng gusto kong iwasan mo?"
"Dahil yun lang at pang unawa mo ang kailangan ko Kenneth."
"Ano ba tinatakot mo naman ako eh."
"Kung hindi mo kayang ibigay ang gusto ko hiwalayan mo na ako ngayon pa lang." Makahulugang sagot ko.
"That's not gonna happen." At hinapit niya ako sa batok at hinalikan.
'Grabe ang battery nito laging full charge.'
"Ganyan ka ba talaga kaadik sa halik?" Natatawang tanong ko ng maghiwalay ang mga lips namin.
"Ewan ko ba, Oo ata." Napakamot siy ang ulo. "This is actually not my first kiss pero ikaw lang ang kinababaliwan kong halikan ng paulit ulet at sobra sobra." Masama ang loob na tumingin ako sa labas. Sumikip ang dibdib ko ng sabihin niyang hindi ito ang una.
Gusto kong mainis sa sarili ko kung bakit nagtanong pa ako sa kanya.
"Hey, i didn't say that to make you jealous okay. Bakit akala mo ba hindi ko rin iniisip yung ex mo o kung sinong lalakeng humalik sayo?" sumbat niya at may point siya.
"Tss, may sinabi ba ako? Guilty ka naman!"
"Sinabi ko lang yun para may pagkumparahan ako ng karanasan ko."
'Karanasan daw? Utot mo pa dabalyu! Baka gusto pa nito mag palitan kami ng notes?'
"Di ikaw na ang hindi virgin." Naiinis na sagot ko.
'Bwesit. Isa pa 'to-- kung sino man po ang naka divirginize sa lalaking kasama ko, magtago na po kayo sa Middle East o sa mga bansang binubomba at may gera dahil kapag nalaman ko po kung sino ka at masalubong kita dito sa Pilipinas yung ulo niyo po ang una kong pasasabugin. Promise yan, hope to die!'
"I'm still a virgin." Kompyansang sagot niya.
"Psh, Who care's? Do i?"
"Bakit ikaw akala mo ba naniniwala akong virgin ka pa?"
"Hoy, lalake hindi por que madali mo akong nakuha sa CR ng isang Club sa Baguio may karapatan ka ng husgahan ang virginity ko!!" Biglang tumaas ang presyon ng dugo ko sa kanya. Natawa siya sa reaction ko na lalong nagpainit ng ulo ko.
"Bakit virgin ka paba talaga?" nakakainsultong tanong niya.
"Don't worry bukas kapag magkita tayo sisiguraduhin ko sayong hindi na para mas sumaya ka!" nanggigigil na sagot ko sa mukha niya.
"Oo at hindi lang ang sagot Lucky. Huwag mong painitin ang ulo ko." Kinagat kagat niya ang lips sa inis.
'He's too damn attractive!'
"Malamang! Dahil kung hindi na bumigay na ako sayo kagabe pa! Kagigil ka!" sigaw ko sa kanya.
"Good to know because i wanna be your first." Taas noong sagot niya. Uminit nag mukha ko sa hiya.
"Pakyu!"
"Huwag ka na ngang magalit. Lalo lang kitang minamahal niyan eh." Malambing na sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Nag subside naman ang galit ko sa ginawa niyang pagyakap.
'Bakit ba ang mga lalaking nagugustuhan ko may crack ang bungo?'
"Hindi nga virgin ka pa talaga?" nakangising tanong niya. Umirap lang ako.
"Ikaw totoo bang virgin kapa?" naniniguradong tanong ko rin.
"Opo sinabi na nga eh. Usually sinasabi ng guy na hindi na sila virgin para makadagdag ng konting angas, pero pagdating sayo nag iba ang pananaw ko dala siguro ng takot ko na mawala ka." Natatawang sagot niya.
"Angas, eh kung bangasan kita? Bakit tinakot ba kita nagtanong lang naman ako ah."
"Nagtanong, eh parang kapag sinabi kong hindi makikipaghiwalay kana."
"So may chance na nag sisinungaling ka lang pala kanina ganern?" Hinampas ko siya ng malakas sa braso.
"Tanginang usapan to papuntang Pluto hindi na kasama sa Solar System." Napipikang sagot niya. Hindi ko napigilan ang tawa ko sa sinabi niya.
"Umuwe kana. Panget na ng gabi ko dahil sayo."
"Lucky naman, huwag namang ganun. Ikaw ba pinagdudahan ko pa? Ano naman ngayon kung hindi kana virgin? Kapag may nangyari na satin sinisigurado ko sayo na para kang na divirginize ulet." At tumawa siya ng nakakaloko.
"Baboy mo Kenneth, umuwe kana baka magdilim paningin ko at gawin kong palaman sa tinapay yang pinagmamalaki mo!"
"Okay, basta tandaan mo yung mga sinabi kong bawal. Kumaen ka na ng seafood na bawal sayo huwag mo lang gagawin yung mga pinagbabawal ko."
'Kingenang lalakeng 'to mas pinaburan pa yung bawal na pagkaen sakin masunod lang ang gusto.'
"Ewan ko sayo hindi ka nakakatawa!"
"Ano lang? Nakaka inlab?" At hinila niya ako sa bisig niya at pinanggigilan.
"Akin ka lang. Kapag bumalik yung ex mo sabihin mo may boyfriend ka ng saksakan ng gwapo kesa sa kanya." Pagkasabi niyang yun nakita ko ang pamilyar na bulto ng katawan ni Jasper malapit sa kanto ng bahay namin. Inaantay ako. Paano niya nalamang ngayon ang uwe ko?
'Patay na bai!'
"Ahh, speaking of the devil. Yun siya oh?" Turo ko sa labas ng bintana ng kotse niya.
"LUCKY NAMAN EH!" Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa kanya.
END OF BOOK 1:
To be continued..
Author's Note:
Medyo matatagalan ang pag publish ko ng Book 2. Baka once a week lang siguro ako maka pag update. Sa Book 1 kasi excited pa ako ngayon mukhang mahihirapan akong mag isip para lalong mapaganda ang kwento. Antay lang maybe once or twice akong mag a-update depende sa tagas ng utak ko. Hehehe
SALAMAT SA LAHAT NG NAG VOTE AT NAG COMMENT. PROMISE PAGBUBUTIHAN KO PA ANG MGA SUSUNOD NA CHAPTERS!