Unduh Aplikasi
76.19% Lucky Me / Chapter 48: LUCKY FORTY EIGHT

Bab 48: LUCKY FORTY EIGHT

CHAPTER 48

LUCKY'S POV

Now i know how Jacob Black feels when he first saw Renesme.

'Times like this, i wish time would stop..'

But I'm still in shock. Kinakabahan ako at natatakot sa maaring mangyari.

*LUB...DUB...

*LUB..DUB..

*LUB.DUB.

'Oh c'mon! YOU GOTTA BE KIDDING ME! KAMMOOOTTTTEEEEE!'

**ESEP!

**ESEP!

**ESEP!

'IMPRINTING MY PEYS, YAN KAKABASA MO YAN NG TWILIGHT SERIES!!'

*BLAAAAHHGGGG!*

Sabay kaming napalingon ni Kenneth sa itaas ng slide. Parang may nahulog o tumalon sa kabilang side. Nakatingin lang siya sa itaas pero hindi niya parin binibitawan ang mukha ko.

"May tao ata?" mahinang sambit ko at nagkibit balikat siyang tumingin sa akin.

Ito ang perfect timing para makaisip ako ng counter attack, kaya ng mapako ang paningin ko sa dibdib niya at nakaisip agad ako ng magandang idea.

*TING!*

"A-AHH AHHH-O-OUCH!!" Dahan dahang daing niya ng bigla kong kurutin ang kanang nipples niya.

Nabitawan niya ang pisngi ko at biglang nanlaki ang mata niya. Kapag pumapalag siya o gagalaw siya lalo kong inilalakas ang pagkurot sa nipples niya. At panay ang buga niya ng hangin sa nakabilog niyang nguso na para siya ng napapaso.

"L-Lucky..bitawan mo yan masakit!" Gusto kong matawa sa itsura niya dahil napapapikit pa siya.

"Ngayon sinong master mo?!" Mayabang na sagot ko sa kanya.

"Shut up! Let go of it!!"

"Nahh--" at nagulat ako ng bigla niya ulit dakutin ang magkabilang pisngi ko.

"Ayaw mo ahh—" diniinan niya ang pagpisil sa pisngi ko.

"Oo na letche ka!" inirapan ko siya. "Sabay tayo ah!"

"Bibilang ako ng tatlo.. Sabay tayong bibitaw, ISA.." inumpisahan niya.

"DAWALAHH" hindi ko na mabigkas ng maayos ang sinasabi ko dahil pareho niyang inuunat ang magkabilang pisngi ko.

"Anong dawala? Ha ha ha" halos maningkit ang mata niya kakatawa kaya napabitaw siya.

Yun na naman yung nakaka aliw na tawa at ngiti niya. Para akong mina-magnet. Parang may invisible force na hinihila ako papalapit sa kanya.

"Buwiset ka, malalamog ang mukha ko sayo!" Kinurot ko ng madiin ang nipples niya bago ko bitawan.

"Masakit yun Lucky ah!" sigaw niya.

Mabilis akong tumayo at tumalikod sa kanya. Minasa masahe ko ang mukha ko dahil namanhid na ata kaka lapirot niya.

"Let's go, baka hinahanap na nila tayo." Aya ko sa kanya. Mabilis naman siyang tumayo at nagpagpag ng sweat pants.

Tumalon talon ako habang naglalakad kami kaya na a-out of balance siya at napakapit sa inflatable wall habang papalapit sa akin.

"Lucky will you stop jumping!" Naiinis na sagot niya habang nakahawak sa wall.

"Pussy!" Ngiwing sagot ko.

"Kanina kapa nakakainis kana."

"Hindi ka ba nag e-enjoy?!" Tumalon talon parin ako.

"Sinong mag e-enjoy kasama ka? Para kang bata." Serysong sagot niya.

"You're such a baby Kenneth!" Pang iinis ko sa kanya. Sa inis niya bigla siyang napasugod papunta sa akin kaya mabilis akong tumakbo at lumusot sa next obstacle lane.

'Hala ka, napikon na ata!'

Para kaming mga tangang naghahabulan sa loob ng crawl through lane. Bara bara na yung ginawa kong pag yuko at lusot sa bawat naka curve na inflatable sa loob. Hindi ko mapigilang tumawa ng malakas kaya lalo siyang napipikon. Nasa gitna na ako ng lane ng bigla niyang hilahin ang kanang paa ko kaya nadapa ako.

Mabilis kong itinukod ang dalawang kamay ko para tumayo, pero bigla siyang yumakap sa likod ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko ng marandaman kong may tumama na matigas na bagay sa bandang likod ko.

'Ugh, not again Kenneth Ang!'

Nakayakap siya sa katawan ko habang nakayuko kame pareho sa loob ng crawling through lane.

'WHO LET THE DOGS OUT?!?!'

*ARF *ARF *ARF *ARF

Parang sinilaban ang katawan ko sa sobrang init. This is not the first na may gumawa sa akin ng ganito. Jasper tried this often times but i never felt anything like this. Parang may parte sa katawan ko na gustong sumabog anytime.

He's body heat is literaly driving me crazy. He's burning and my body is slowly melting. I feel his bulge scratching my ass and his body is moving like he wanted it so deep. Its so tempting that i wanted to take off my pants ang get on with it.

'WTF? N-NOOOOOOOO WAY!'

Kenneth is literally my personal hell.

Naramdaman kong tumulo ang pawis sa mukha ko. Biglang tumambol ng malakas ang dibdib ko, para akong nahimasmasan sa maruming bagay na naiisip ko. Dumapa ako at mabilis akong tumihaya o humarap ng higa. Naiwan siyang naka upo sa ibabaw ng katawan ko, itinukod niya ang isang kamay sa gilid ng leeg ko at yumuko papalapit sa mukha ko.

"Gotcha.." Pabulong na sabi niya at salong salo ko ang mabangong hininga niya na tumama sa mukha ko. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Nauna akong nag iwas ng tingin dahil ilang na ilang ako sa paraan ng pagtingin niya. Gusto ko mang titigan siya maghapon magdamag pero ayokong mawala sa sarili ko habang kaharap siya.

Naibaling ko ang mata ko sa nakabukol sa pants niya.

'He's still alive. Bury him!'

"I didn't know na "TOP" ka?" Mahinang sambit ko para basagin ang tensiyong namamagitan sa aming dalawa at nakatukod parin ang kamay niya sa gilid ng leeg ko. Isang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

"What are you talking about?!" Nagtatakang tanong niya at bigla siyang umalis sa ibabaw ko at umupo sa harap ko.

"Nothing.." Naiilang na sagot ko at umayos ako ng upo.

"If we're gonna talk about sex position, of course honey i'm always on top." Singhal niya.

"Just asking. Laging galit kala mo naman inaano."

Hindi na siya umimik at namunas siya ng pawis gamit ang likod ng palad niya.

"I'm sorry okay. Sige na binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina." Pinipigalan ko huwag matawa dahil baka magsimula na naman siyang mapikon.

"Ngayon magso-sorry ka kasi alam mong wala kang kalaban laban." Singhal niya at isinandal pa ang ulo sa inflatable wall.

"Infairness kahit payat ka may lakas ka rin palang itinatago." Kahit malamig sa Baguio pinagpapawisan pa rin ako sa naging habulan namin kanina.

"Because you're always underestimating me." at hinubad ang jacket na suot niya.

"Yeah, i admit at first atleast ngayon my idea na ako." Nilingon niya ako at sarkastikong tumawa.

"But don't get too high on yourself. Even superheroes has weakness" mayabang na sagot ko sa mukha niya.

"ASA ka." walang kurap kurap na sagot niya.

"D-Dare?" hamon ko at nakipag titigan ako habng lumalapit sa kanya.

"Dare what?"

"This.." Pinindot ko yung nakabukol paring alaga niya na ikinabigla niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at idiniin ito sa hinaharap niya at ako naman ang nagulat dahil hawak ko na naman ang binhi ng karimlan.

"My weakness or your weakness?"

"Bitawan mo ang kamay ko." Mariing sagot ko.

"Now, tell me you didn't enjoy this thing behind you." Husky ang boses na pagkakasabi niya. Lalong tumigas at lumaki yung hawak ko kaya sapilitan kong binawi ang kamay ko.

"Thanks, but no thanks!" At mabilis akong tumayo at saka itinuloy ang paglusot sa natitirang naka curve na inflatables. Nang makalabas ako dun lang ako naka hinga ng maluwag.

"Now, tell me you didn't enjoy this thing behind you."

"Now, tell me you didn't enjoy this thing behind you."

"Now, tell me you didn't enjoy this thing behind you."

Paulit ulit kong naririnig sa utak ko ang huling sinabi niya habang nagmamadali akong lumabas sa obstacle lane.

Parang gusto kung ilabas ang lahat ng sama at init na nararamdaman ko. Walang tigil sa pagwawala ang puso ko sa loob ng rib cage ko. Nagkanda buhol buhol na ata lahat ang mga ugat na nakapalibot sa puso ko. Para akong kakapusin ng hininga ng makalabas ako.

Wala sa sariling naglalakad ako at hindi ko na pinapansin kong bumangga ako sa mga pop out obstacle na daraanan ko.

'Ughh, I hate this feeling.'

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, nagkanda loko loko ang buong sistema ko ngayon. Hindi ako mapakali at parang gusto ko siyang balikan sa loob at gawin ang nasa isip ko.

"INHALE..EXHALE..HAH!" Malakas na buga ko ng hangin.

'Ano bang nangyayari sayo Lucky?'

"L-Lucky are you okay?" Parang nabali ang mga tuhod ko ng marinig ko ang boses ni Kenneth sa likod ko.

Kaso iba ang pagkakadinig ko sa sinabi niya.

Pero iba ang dinig ko. Parang..

'LUCKY LET'S HAVE SEX.'

I'm going crazy. Iba ang nagiging epekto niya sa akin. Hindi ako nagkaganito kay Jasper. This is insane..

"I'm fine. Nahilo lang ako sa gutom." Palusot ko pero nag huhumiyaw ako sa isip ko.

'I need to get out of here, now.'

"Tara kumain muna tayo bago mag simula ang tour per section." Pormal na sagot niya.

Napalingon ako sa gawi niya. He's so calm and very weird at the same time. Ang dating niya ngayon ay parang wala lang nangyari sa amin sa loob kanina. Ganyan ba talaga siya ka weirdo? Ako nga halos napa praning na kakaisip tapos siya parang wala lang?

May multiple personality disorder ba siya? Minsan kasi mabait at sobrang caring, may sobrang sungit akala mo nireregla, minsan may pagka manyak at yung pinaka nakakabuwisit sa lahat yung meanest Kenneth. Yung tagusan sa dibdib labas sa backbone tapon bone marrow sa sobrang mean niya at maiiyak ka na lang sa sama ng loob.

"Hey, get moving baka hanapin tayo ng mga kasama natin." Hinawakan niya ako sa balikat at bigla akong napakislot. Pakiramdam ko kinuryente ako sa hawak niyang yun.

"Stop acting weird Lucky."

"Whose acting weird?" inosenteng tanong ko pero kumakabog ang dibdib ko.

"The stop acting like you're a virgin."

"Shut up Kenneth. Hindi ka nakakatawa." Inirapan ko siya.

"I'm sorry i forgot you're still a virgin." At saka mahinang tumawa habang nakatakip ang kamay sa bibig niya.

"Look who's talking." At bigla siyang tumigil at sinamaan ako ng tingin.

'Seriously? BWAHAHAHAHAHAHAHA!'

"Gusto mong pag usapan natin yan ngayon dito?" nag cross arms siya sa harap ko.

"S-Sabi ko nga alis na tayo." Turo ko sa daan at mabilis akong nauna sa kanya papunta sa huling wall na aakyatan namin. Inalalayan niya ako paakyat at sa sobrang pagkailang ko nauna akong mag slide pababa.

Ilang seconds lang ang pagitan namin at saka kami naglakad pabalik ng tent namin.

"I'll go ahead, magpapalit lang ako ng damit." mahinang sabi niya.

Hindi ako agad nakasagot at hindi ko rin siya kayang tingnan sa mga mata. Ako lang ba ang nakakaramdam ng pagkailang sa pagitan naming dalawa o pati siya? Eh bakit parang ako lang ang naiilang.. Para akong ENGOT!

"S-See you around." At mabilis akong naglakad pabalik pero natanaw ko si Wesley sa labas ng tent namin habang may kausap sa cellphone niya. Bigla akong nakaramdam ng guilt sa presensiya niya. Pakiramdam ko pinagtataksilan ko siya. Konti na lang mababaliw na ako sa mga naiisip ko.

"Hey.." Mahinang bati ko paglapit ko sa kanya. Ngumiti naman siya, yung klase ng ngiting parang ako ang pinaka paborito niyang tao sa twing nakikita. Hindi ko alam kung maiilang ako ba ako o ano pero qoutang qouta na ako sa pagkailang ngayong araw. Gusto kong i-relax ang utak ko ngayon. Napapagod na akong mag isip at kausapin ang sarili ko wala din naman akong nakukuhang matinong sagot.

"Paano ba yan tayo ang nanalo, nasaan na yung prize ko?" mahinang bulong ni Wesley at nagsimula na naman akong kilabutan dahil sa init ng hininga niya na tumatama sa tenga ko.

Nakita kong papalapit si Andi sa amin kaya bahagya ko siyang itinulak. Pinandilatan ko si Wesley at tumawa lang siya sa ikinikilos ko.

'Makuha ka sa tingin Ongpauco!'

"Si Andi parating manahimik ka." Mahinang bulong ko at kumaway ako kay Andi habang papalapit siya.

"Hi Inday, Hi Wesley. Di pa kayo umaalis?" si Andi.

"Malamang nandito pa sa harap natin eh." Sarkastikong sagot ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Obvious ka masiyado Luis Manzano." Ngiwing sagot niya.

"Hi Andi. Paalis narin inantay ko lang si Lucky." Nakangiting sagot niya.

"Ahh, si Kenneth nasan na?"

"Kausap ko kanina magpapalit lang daw siya ng tee shirt pinagpawisan daw siya eh."

"Pinagpawisan? Sa lamig dito sa Baguio bihira kang pagpapawisan unless may nagpapawis." Natatawang sagot niya. Parang ako tuloy ang pinagpawisan sa pinag uusapan nilang dalawa.

"Well, maybe. Knowing Kenneth he's really unpredictable and unexpected in his own way." Napalingon ako kay Wesley dahil hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso siya.

"That makes him more interesting and attractive." Kinikilig na sagot ni Andi.

"Psh, patay na patay." Singhal ko sa kanya at tumawa naman si Wesley.

"Tara na nga tayo na lang ang inaantay nila nakakahiya!"

"Sa section ka nalang namin sumama please." Hinawakan niya ako sa kamay.

"Hindi pwede yun sira."

"Nakakainis ka naman eh."

"In time.. Patience is a virtue Mr. Ongpauco." Napanguso lang siya sa sinabi ko at tinapik ko siya sa braso.

"WRONG INDAY, MR. ONGPAUCO PATIENCE IS A TALENT." singit ni Andi.

"See you later." Niyakap ko nalang siya at narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"H-Hug lang?" natatawang sabi kahit nasa harap lang si Andi.

"Samahan na rin natin ng isang kutos." At napangiwi siya.

"Brutal mo."

"Ang sweet nga eh." Ngiting sagot ko.

"Ayy ang sweet sweet nila." Parinig ni Andi.

"Sige na baka mapagalitan ka pa ng adviser niyo." Pagtataboy ko sa kanya.

"Text kita magreply ka." Ngusong tugon niya.

"Oo na sige na."

"Sige na nga tinataboy muna ako." Nguso niya.

"Ayan nagtampo na siya." Si Andi.

"Umayos ka Ongpauco masakit na ulo ko huwag muna dagdagan." Pinandilatan ko siya.

"Fine, aalis na nga eh!" Kumaway siya samin ni Andi bago umalis.

'Whew! Pinagpawisan ako dun ah. Para akong lalagnatin sa nangyayari sa akin ngayon.'

'DEAR LUCKY, Spell LANDI?'

"HUK!" Bigla akong nasinok.

'Patay na!'

ANDI'S POV

"Ano napasubo ka sa pustahan niyo noh?" usisa ko kay Lucky pag alis ni Wesley.

"H-Huh?"

"Ako Inday tigilan mo ko. Akala mo hindi ko alam yang pustahan niyo na yan. Narinig kayo ni Marlon at Ytchee. Nung hinanap kita kanina ang sabi nila kasama mo si Wesley bago ang game." Ngiwing sagot ko.

'Mag de-deny pa eh obvious na obvious na siya.'

"Ahh, wala yun echos lang yun." Napakamot siya ng ulo.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Ayoko ko lang ipahalata sa kanya pero hindi ako naniniwala sa mga alibi niya. Nakaka panibago siya ngayon, madalas ko siyang mahuli na naka tulala tapos parang hindi palagi mapakali. Nag aadik ba siya? O may kinaka adikang iba?

Malakas ang kutob ko na may nangyaring kakaiba kanina. Ayon kay Marlon salitan nawawala ang magpinsan at kapag nawawala sila, nawawala din si Lucky. For now sasakyan ko lang trip nito hanggang umaamin siya.

"Sa kulit ng pagkatao nun hindi yun madadala sa pa echos echos yun Inday!" napalingon siya sa sinabi ko habang naglalakad kami.

"Trust me Andi.."

"Ano nga ang inuungot niya? Ano na namang ipinusta mo ngayon?" Alam kong nakakainis pero sunod sunod na mga tanong ko hanggang makulitan siya. Naiinis ako kasi masiyado siyang malihim.

"Mamaya ko na sasabihin napapagod ako Andi naubos ang lakas ko sa lintek na obstacle course na yun." Mahinang reklamo ko.

"Huh, bakit naglaro ka ba?" Nagtatakang tanong ko. Ang alam ko kami lang ang naglaro kanina?

'Tokshit to si Lucky.'

"Sinamahan ako ni Kenneth kanina nag race kaming dalawa sa giant inflatable." Parang tinatamad na kwento niya.

"Ahh, kaya pala pagod na pagod ka?" huminto ako at nag cross arm sa harap niya. "Maganda yang mga nakaw na saglit Inday, healthy yan." Sarkastikong tugon ko.

"Baliw, kasama ko si Sir Adam kanina sa labas ng tent natin. Tapos dumating si Kenneth. Napagkwentuhan namin yung laban ko bukas kaya na stress ako bigla." Nakangusong sagot niya.

' Ahh, yun naman pala. Pwede naman kasing sabihin ka agad dami pang pautot.'

"And?" senyas ko sa kanya na ituloy niya pa yung sinasabi niya.

"Yun, ang sabi niya para hindi ako ma pressure o ma stress kakaisip sa bagay na yun, kailangan kong matinding distraction." Naniwala naman ako sa sinabi niya. Kung ako ang nasa kalagayan niya malamang bumula na ang bibig ko sa kaba. Isang panalo na lang champion na kami, ka tie lang namin ng score ang Four Scarlet Macaw. Kapag matalo kami 2nd place lang kami sa ranking.

"Successful naman ba?"

"Oo, hindi lang distraction, major major destruction pa ang na achieve ko." Ewan ko pero parang may double meaning yung huling sinabi niya.

"Sabagay, ako rin seshie pagod na pagod na. Kung hindi tayo nanalo kanina malamang binutas ko na yung mga giant inflatable na yun sa galit!" at natawa siya sa sinabi ko kaya natawa narin ako sa.

After ng nakakapagod na team building activities, kasama namin ang lahat ng classmates ko para makapag bonding kami with Sir Adam. Ibinigay ang natitirang oras para maka pamasiyal ang buong klase namin. Sina Kenneth at Wesley naman bumalik pansamantala sa section nila. Si Lucky muhang bumalik na sa sarili niya dahil wala sa paligid yung dalawa. Kilala ko si Lucky at malakas ang kutob ko na yung magpinsan yung ang may kagagawan kung bakit nagkakaganyan siya kanina.

Dahil masiyado kaming marami kung magpupunta sa isang lugar pinaghiwahiwalay kaming lahat per section sa magkakaibang venue or tourist spots dito sa Baguio. Kapansin pansin ang pagiging malapit nila ser Adam at Lucky. Palagi siya nitong nilalapitan at pinapatawa. Wala akong maalala na student sa Carlise na binigyan niya ng ganitong klaseng atensiyon except Lucky.

"Hoy, Inday." Mahinang bulong ko kay Marlon habang naglalakad kami. "May napapansin ka ba kay Sir Adam at Lucky?"

"Alin yung pagging closer you and i nila?"

"Flanggak!"

"Eh diba yosi buddy sila kaya nga sila ganyan?"

"Hindi yun ses, may napapansin pa akong iba eh. May something eh.."

"Kaibigan mo yan Andi, bakit hindi mo na lang tanungin si Lucky hindi yung pinaghihinalaan mo pa siya."

"Hindi ako naghihinala may napapansin lang akong kakaiba."

"Ganun din yun shunga, paghihinala rin yun adik ka." At inirapan niya ako.

"Bakit ikaw wala ka bang napapansing kakaiba?"

"Marami. Pero knowing Lucky lahat ng bagay kakaiba sa kanya."

"Exactly. Naiinis lang ako hindi kasi siy apala kwento unless pipilitin mo siya."

"Yun lang. Hayaan mo siyang magkusa, nagku-kwento naman siya sa atin diba like dun sa nangyare sa kanila ni Kenneth sa Mall."

"Isa pa yan masiyadong head over hills ang magpinsang yan kay Inday." At natatawang humarap sa akin si Marlon.

"Napansin ko rin yan, ayaw mo nun napalapit sa tin yung dalawa?"

"Siyempre bet na bet ko yun pero ano tutuhugin niya yung mag pinsan kapag nagkataon? Ganern?"

"Sasambahin ko si Inday Lucky kapag nangyari ang bagay na yun! Halleluya!"

"OA mo, basta naiinip na ako marami akong gustong itanong sa kanya."

"Patience is a virtue Andres, huwag kang excited!"

"Bakit hindi ka ba curious sa nangyayari?"

"Curious, pero si Lucky yan. Expect the unexpected ang peg niyan, remember?"

"Eh paano mo mapapaliwanag yung lagi niyan pagkawala kanina?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ako nagpunta ng Baguio para bantayan ang bawat kilos ni Lucky, Andi. Nung nawala ba si Ytchee umarte ka ba ng ganyan?" pagtatanggol niya kay Lucky.

"Si Ytchee nandun naman yun sa dyowa niyang si Bonnie."

"Si Lucky ses, kasama niya ang diyowa-diyowaan niyang si Wesley. Masaya ka na?" sarkastikong sagot niya.

"Mag dyowa na sila ni Wesley?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Abah, malay ko bakit hindi mo itanong sa dalawa."

"Kainis ka naman kausap eh." Hinampas ko siya sa balikat. "Seryoso nga ano sa tingin mo?" pangungulit ko kay Marlon.

"Andres itatarak ko yang mga ugat ng puno ng pine trees kapag hindi mo ko tinigilan!"

"Yun din kasi ang hinala ko ses, sweet-sweetan, yakapan tapos with matching holding hands sa harap ng lahat?" nalolokang sambit ko.

"Oh? May problema ka ba dun? Tutol kaba kung sakaling sila na?"

"H-Hindi naman ses." Mahinang sagot ko. Hindi ko rin alam kung bakit din ako nagkakaganito. Naiinggit ba ako kay Lucky dahil maganda siya, talented, matalino at lapitin ng mga lalake.

Hindi naman ako dating ganito sa kanya pero i feel useless around him. Para akong extra sa pelikulang siya ang bida. Sahog sa ulam pero hindi ako ang main ingredients, paminta lang ako siya naman yung karne.

"Yun naman pala Inday eh, tantanan mo muna si Lucky at kapag yan ma istress at matalo tayo bukas sa huling laban, ikakalat ko ang dugo mo sa soccer field ng Carlisle." Banta niya.

'Shit, Oo nga pala dapat hindi ma stress si Lucky kundi nganga kami sa ranking kapag nagkataon.'

"Teka nga Andi. Hindi ka naman umaarte ng ganyan ng walang dahilan diba?" nag iba ang tono niya.

"Anong dahilan naman yun, aber?" mataray na sagot ko.

"Bakla ako ses, don't me! O gusto mong isigaw ko sa lahat ang dahilan ng pag iinarte mo?" pananakot niya at bigla akong kinabahan.

"Wala nga ang kulit mo." At saka ako naunang naglakad.

"Hoy Andres! SIGE KAPAG HINDI KA BUMALIK DITO AKO MISMO ANG MAGSASABI NA NAG SESELOS KA SA KANYA!" Malakas na sigaw ni Marlon at sa sobrang inis ko tumalikod ako at bumalik sa harap niya.

"Letseh ka! Oo na nagseselos na ako. Ano masaya ka na?" napipikang sagot ko sa harap niya.

"See, di umamin ka rin. Dami mo pang kuda. Wala ka bang tiwala sa kaibigan natin?"

"Diyan sa bibig mo ako walang tiwala! Kapag malaman ng lahat yan tatahiin ko yang bibig mo gamit yang kulay neon green mong sintas!"

"Hoy, sinong nagseselos at kanino?" biglang sumulpot si Lucky at Ytchee sa likod namin ni Marlon. Sabay kaming nanlaki ang mga mata at humarap sa kanila

"Ito si Andi nagseselos sa kagandahan ko." Palusot ni Marlon sa kanila. Napangiti ako kay Marlon bilang pasalamat.

"Kayong dalawa may tinatarget na naman kayong lalake noh?" Gumitna samin si Ytchee at inakbayan kami ni Marlon.

"Yan ang hirap eh, nagso-solo kayo, para kayong others!" singit ni Lucky.

"Inday, parang awa muna ibalato mo na lang sa amin ni Marlon ang mga nandito sa Park please!"

"Luh, bakit umeksena ba ako sa ina-aurahan niyo? Tss, nag sosolo nga kayong dalawa eh." Sabay irap niya.

"Sus, as if naman makakawala ka dun sa isa.." Si Ytchee.

"Sinong isa Ytchee?" si Marlon.

"Eh di si Ongpauco, makayakap kay Lucky dinaig pa tayo." Natatawang sambit niya at sinamaan siya ng tingin ni Lucky at bigla niyang ibinaling sa iba ang tingin.

"Ayon may KIDDIE MEAL! Diba ganun mga bet niyo mga bagets?" turo niya sa mga bagets na naka tambay sa park.

'Husay talaga nitong umiwas sa issue!'

"Ay tara habang available pa!" bigla akong hinila ni Marlon papalayo sa dalawa.

Una naming pinuntahan ang Ifugao Garden at susunod ang Strawberry Farm. Nakaka aliw kasi nagkaroon kami ng chance ma meet ang ilang mga indigenous people. Kaliwa't kanan ang picture taking habang nag iikot kaming lahat sa Ifugao Garden.

"Inday, dali isuot mo to at magpapa picture tayo." Inabot sa akin ni Marlon ang Ifugao costume at pinag aralan ko ng mabilis kung papaano ko isusuot.

May bayad ang pag suot ng ifugao costume kaya sinulit namin ang pagkuha ng picture. Buti nalang malaki pa ang memory ng cellphone ko kaya panay kuha ko ng magagandang view at kahit yung mga gwapong turista sa Baguio di nakaligtas sa akin.

WESLEY'S POV

"Hey, i'm done you can now use the bathroom." Gising ko kay Kenneth habang nakadapa ito sa kama niya.

"I'm dead tired.. can i skip dinner?" tinatamad na sagot niya.

I know, we're both tired after ng game namin kanina dumerecho na kami sa designated tourist spots ng section namin. Una sa Baguio - Mountain Provinces Museum University Of The Philippines Baguio, Pangalawa sa Museo Kordilyera and lastly sa Soroptimist International Pines. Kahit nakakabagot wala kaming nagawa ni Kenneth kundi ang sumama sa kanila.

"Bumangon ka na dun na lang tayo mag dinner sa suite nila Lucky kung tinatamad kang bumaba sa resto." Bigla siyang umupo sa kama ng marinig ang sinabi ko.

"W-Why?" nagtatakang tanong ko.

"Nothing. Do you think papayag sila sa idea mo?"

"Of course, kausap ko si Lucky kanina. Napagod din daw sila sa tour nila, i'll let them know about our plan." Ngiting sagot ko.

"Your plan.." turo niya sakin at saka siya tumayo at kumuha ng bagong damit sa cabinet.

"And you don't agree with my plan?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Of course not. Ang sabi mo pagod sila and besides may laban pa si Lucky bukas. Do you think this is a good idea?"

"I think so, atleast maso-solo ko siya." Ngiting sagot ko sa kanya.

"Whatever." Walang kagana ganang sagot niya at pumasok sa banyo.

Kanina ko pa napapansin ang kawalang gana ni Kenneth nung nasa tour kami. Panay lang ang sulyap nito sa cellphone, magte-text o di kaya may kausap. I never seen him like this before, moody, getting tired so quickly and no appetite.

Habang naliligo si Kenneth tinawagan ko si Lucky paa ipaalam ang plano namin ni Kenneth. Pumayag naman kaagad ang mga kaibigan niya dahil pagod din sila sa maghapong activities. Nagpag kasunduan na lang namin na mag pa room service na lang para walang hassle sa pag take out ng food.

"Masiyado ka naman yatang mabango?" biglang nagsalit asi Keneth sa likuran ko.

"Napadami ata ang spray ko. Hehehe"

"Anong sabi nila? Okay daw ba yun plan mo?"

"Of course pumayag sila, tinatanong ko lang si Lucky kung anong gusto niyang kainin bawal kasi siya sa sea food remember?"

"Yeah, so anong inorder mo?"

"Sabi niya kahit ano na lang daw eh."

"Tss, sa pagkakakilala ko sa kanya kahit anong edible isusubo nun." Sarkastikong sagot niya.

"You're so mean." Nakangusong sagot ko.

"You're really into him are you?" seryosong tanong niya. Hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang tanong niyang yun.

'Am i really into him?'

Kinabahan ako bigla. Hindi agad ako maka sagot dahil hindi ko rin ma explain kung anong itatawag ko sa nararamdaman ko ngayon towards Lucky. Parang formula sa Math pero hindi ko alam kung saang method ko gagamitin. I never had a girlfriend and i have zero experience in this field. Sigh.

"Wesley?" pumitik pitik siya sa harap ng mukha ko at napa pikit ako ng bahagya.

"What makes you think i'm into him?" biglang sagot ko.

"You're too obvious bro. Why didn't you ask yourself?"

"Ugh!"

"Well, probably there are signs if you're really into into him."

"Like what?"

"Psh!" tinalikuran niya ako.

"Hey, nakakainis naman 'to parang others!"

"Akala ko ba nagmamadali tayo?"

"Oh c'mon Kenneth, a little help doesn't hurt you!" naiinis na sambit ko sa kanya.

"Okay fine! Jesus Wesley you're acting like a girl." Naiinis na sagot niya at natawa ko sa naging reaction niya. Alam kong mabilis siyang mainis kapag ganitong nangungulit ako. But he can say no to me, i know him very well.

"Did you get jealous when you see other boys around him?" seryosong tanong niya at umupo sa kama niya.

"Of course. Nagseselos nga ako dun sa classmates niya yung Mark ba yun? Psh, gusto ko siyang upakan sa harap ni Lucky kanina buti napigilan niya ako."

"Psh, isip bata ka talaga. Next!"

"You want to be around him as often as you can be."

"Yeah. Sabi ko nga sa kanya kanina sa tour nalang atin na siya sumama eh kaso ayaw niya." Malungkot na sagot ko.

"Stupid, of course bawal yun kaklase ba natin siya?" singhal niya.

"I know, bakit galit ka? Next na nga.." at umiling iling lang siya.

"Whenever you're around him, are you happy?"

"Of course i'm absolutely happy." At kinurot ko ang magkabilang pisngi ko at ngumiti ako ng todo. Umikot lang ang mata niya.

"Are you always laughing when you're around him?"

"Always, lalo na kapag kasama pa ang mga kaibigan niya."

"When he does something stupid, do you still think he's adorable?" Napahinto siya at parang may iniisip na malalim saka ngumiti.

"Definitely. Everything he does is very cute and funny. I love watching him."

"He's really weird though." Sambit ni Kenneth at nag de kwatro ng upo.

"I know, that makes him more charming right?"

"Psh, he's too annoying and bossy." Iritabling sagot niya.

"Sometimes, but i think its lovely.." ngiting sagot ko sa kanya at ngumiwi ang bibig niya.

"Does he likes you?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa labas.

"I think so.." nag aalangang sagot ko at napayuko. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko minsan naisip kong may gusto ba si Lucky sa akin. Masiyado akong naging abala sa nararamdaman ko pero never kong inalam ang kung nararamdaman niya towards me. Pero sinong hindi magkaka gusto sa isang tulad ko. Hindi sa pagmamayabang pero para na ring nanalo sa lotto ang magiging girlfriend ko.

"You think so?" hindi makapaniwalang sagot niya.

"I don't know. He doesn't complain when i kiss or hug him, does it count?"

"Y-Yo—Y-You kissed him already? When?" gulat na tanong niya at napatayo ito sa kama.

'Whoaa, what's wrong with him?'

"Yeah, i hugged him everytime i want to and i kiss him mostly on his forehead." Taas noong sagot ko.

"Did you ask him?" mabilis na tanong niya.

"Do i have to? I know deep inside my heart Lucky feels something for me too."

"What if Lucky doesn't feel the same with you?"

"Then i'll make him fall in love with me.." Seryosong sagot ko.

"Are you out of your mind? Lucky is not a girl Wesley."

"So what? Do you think it still matters?" napakamot lang siya ng noo bago ibaling ang tingin sa naka bukas na pinto sa terrace.

"Then, i guess you're into him already, does it answer your question?" pormal na sagot niya.

"I don't wanna sound like an idiot, but i'm crazy about him." Nakangiting sagot ko sa kanya. Mabilis ang naging pagtibok ng puso ko at para akong nakalutang sa sayang nararamdaman ko ngayong naamin ko na sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

"That's it? Wala ka na bang ibang tanong?"

"Wala na your highness. Pwede na ba tayong umalis dahil nagugutom na ako." Walang kagana ganang sagot niya at tumayo.

He's acting so strange. And I'm so damn curious on how he come up with this tricky questions. Ganyan din ba ang naramdaman niya kay Amber before maging sila? Ang weird kasi niya, its like we're on the same boat.

Well, i guess this is something to do with what i saw earlier inside the giant inflatable. He laughed his head off while pinching Lucky's face. It was actually surprising to see him that way, he rarely laughs unless your very close to him. Are we both experiencing the same dilemma Kenneth?

KENNETH'S POV

"How did you know about this things?" inosenteng tanong ni Wesley pagtalikod ko sa kanya.

Paano ko nga ba? I really don't know how i came up with that stupid idea. Actually nabigla lang ako kanina kaya ko na itanong kay Wesley yun. Ngayon ako naman ang nahihirapang sasagutin ang simpleng katanungan niya. How stupid of me. Suddenly, this person who keeps popping into my head two nights in a row. So, a very stupid idea popped out on my mind.

I'm being stupid so lulubos lubusin ko na. Kailangan kong ma test ang theory ko at ito lang din ang nakikita kong paraan para malaman ko ang kasagutan kagaya ni Wesley.

'What makes you think i'm into him? Inulit ko ang mga itinatanong ko kay Wesley sa utak ko habang iniisip ko siya. Lahat ng itinanong ko sa kanya ngayon hinuhugot ko sa mismong nai-experience ko at sinasagot ko rin agad sa isip ko.

QUESTION 1: "Did you get jealous when you see other boys around him?"

MY ANSWER: HELL NO! But i feel irritated.

QUESTION 2: "You want to be around him as often as you can be."

MY ANSWER: NO. NO. NO. Lagi niyang pinapainit ang ulo ko. Big NO!

QUESTION 3: "Whenever you're around him, are you happy?"

MY ANSWER: Sometimes. But most of the time i'm mad. Madalas kaming hindi nagkakasundo sa isang bagay. How can i be happy about it?

QUESTION 4: "Are you always laughing when you're around him?"

MY ANSWER: Y-Yes. (Sabay irap ng mata, maya maya kakamot ng ulo at tingin sa malayo.)

QUESTION 5: "When he does something stupid, do you still think he's adorable?"

MY ANSWER: Natulala ako saglit pero nararamdaman kong napapangiti ako sa iniisip ko.

Adorable? At biglang nag play sa isip ko ang nursey rhyme na madalas naming kinakantani Wesley noon.

A You're adorable

B You're so beautiful

C You're a cutie full of charms

D You're a darling and

E You're exciting and

F You're a feather in my arms

G You look good to me

H You're so heavenly

I You're the one I idolize

J We're like Jack and Jill

K You're so kissable

L Is the love light in your eyes

M, N, O, P

I could go on all day

Q, R, S, T

Alphabetically speaking you're okay

U Made my life complete

V Means you're very sweet

W, X, Y, Z

It's fun to wander through

The alphabet with you

To tell you what you mean to me"

Actually, alphabetically speaking the description are okay.

"Then, i guess you're into him already, does it answer your question?" pormal na tanong ko sa kanya. Pero parang nag bounce back din sa akin yung tanong ko.

'Hindi. Hindi. Hindi ito pwedeng mangyari.'

Sigh. He hit two idiots with one stone. Yan ang perfect idiot'matic expression. Two problem solved in one single action.

Now, i know how Wesley really feels.. but who care's about how i feel?

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit ako at yumakap sa akin. Ugh, Gross!

"Geez, Wesley let go of me." Naiinis sa sambit ko sa kanya.

"Ha Ha Ha! Thank you bro." At hinapas niya ako siya sa kaliwang balikat.

"Tss, Bading mo!" natatawang sagot ko.

'Ganyan ba kapag na iinlove nagiging corny?'

Nagtext si Wesley kay Lucky na on the way na kami sa suite nila. Malayo pa lang nakita ko na yung cart na may lamang food na kasalukuyang itinutulak ng room boy.

"Boss kami na lang po ang magpapasok." Magalang na bati ni Wesley sa room boy paglapit namin sa pinto ng suite nila Lucky. Bahagya siyang nagulat pero nginitian niya kami. Inabutan ko siya ng five hundred pesos na tip at hindi niya ito tiningnan at agad itong ipinasok sa bulsa ng pants niya.

"Thank you po ser. Enjoy your dinner po." Yumuko lang siya saka nag paalam bago umalis saka ako kumatok ako sa pinto.

"Hi, Good evening!" masayang bati ni Wesley pagpasok namin sa suite.

"Good evening Ongpauco, ang gwapo mo ahh!" sa lakas ng boses ni Ytchee naglapitan sina Andi at Marlon. Pumasok kami sa loob at si Ytchee na ang nagtulak ng cart ng food.

"Wow, ang po-pogi naman ng room boy ng The Manor." Si Marlon. Napangiti lang ako ng bahagya at palihim kong iginala ang mata ko sa paligid.

"Ang gaganda din kasi ng guest eh." Birong sagot ni Wesley.

"Nandun si Inday nag bibisyo." Dinig kong sambit ni Andi pero hindi ako lumingon sa direksyong sinasabi niya.

"Really? Mag CR muna ako sandali." Si Wesley.

"Asus naman, huwag ka na magpa pogi ayaw ni Lucky sa masiyadong pogi nasasapawan daw siya." Natatawang biro ni Marlon kay anagtawanan silang apat.

"Nasa Terrace naninigarilyo kakagising lang kasi nun." Mahinang bulong ni Ytchee sa tabi ko.

"So? Hinahanap ko ba siya?" mahinang singhal ko sa kanya. Ang lakas naman ng pakiramdam nito.

"Tara sa terrace magyoyosi din ako."

"Ayoko nga hindi naman ako naninigarilyo."

"Niyaya lang kita para makita mo siya hindi para manigarilyo."

"Either way i don't care." Masungit na sagot ko at napangisi siya at tinalikuran ako.

"LUCKY HINAHANAP KA NI KENNETH!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Ytchee. Napalingon si Andi at Marlon sa gawi ko. Buti na lang nasa loob na ng CR si Wesley.

'ANAK NG!' Malakas na sigaw ko sa isip ko. Mabilis akong sumunod kay Ytchee papunta sa terrace ng suite nila.

"Oh, hinahanap mo daw ako?" Biglang bungad sa akin ni Lucky paglapit ko. Hindi ko alam kong papaano ako titingin sa kanya dahil kapag nakikita ko siya naalala ko lahat ng ginawa namin kanina sa loob ng giant inflable.

Para akong tatakasan ng katinuan sa sobrang kaba ng magtama ang paningin namin. Hindi ko alam kong saan ako huhugot ng lakas para masagot ko ang tanong niya. Bakit ba ako nag kakaganito? Ako ang lalake dito kung sino man ang dapat makaramdam ng pagkailang siya yun at hindi ako. Nilabanan ko ang tingin niya at mukha tama nga ang hinala ko naiilang din siya sa mga titig ko.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C48
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk