Unduh Aplikasi
69.84% Lucky Me / Chapter 44: LUCKY FORTY FOUR

Bab 44: LUCKY FORTY FOUR

CHAPTER 44 - GAME 1

LUCKY'S POV

Pagbalik namin ng suites para mag pahinga saka namin natanggap ang update ni Sir Adam sa Group Chat ng section namin about sa change of schedule. Hindi talaga pumapalya ang mga mata at tenga nito ni Marlon.

"Inday, yung phone mo nag ri-ring!" sigaw ni Andi sa mini bar.

"Tigilan mo yang kakatawag ng Inday sa akin may paglalagyan ka!" saka ko inabot yung cellphone ko at inirapan ko siya.

"Si Wesley namiss ka agad, batang yun patay na patay sayo ano Inday?" panunukso niya.

"Tseh!"

"Hello, what's up?" sagot ko.

"Lucky, tama nga lahat ang mga sinabi ni Marlon kanina sa resto!" masayang balita niya.

"Oo naman mahusay yun! Kaso sablay yun pagdating sa sarili niya hindi niya ma predict yung future niya. Ha ha ha." Natatawang sagot ko.

"HOY INDAY LUCKY NARIRINIG KITA PAKYU KA!" malakas na sigaw ni Marlon sa terrace at narinig kong tumawa rin si Wesley sa kabilang linya.

"See, kahit malayo naririnig niya, ha ha ha" sabay kaming tumawa ni Wesley sa phone.

"Ha ha ha. Ayan tinatawag ka na tuloy nilang Inday Lucky." Nag aalalang sabi niya.

"Ayos lang yun, kahit anong itawag nila sa akin mas maganda parin ako ng isandaang porsiyento kesa sa kanilang dalawa." Mayabang na tugon ko sa sa kanya.

'Yan ang tinatawag na Confidence level with the capital "C"

"Oo naman wala ng mas gaganda sayo sa paningin ko Lucky." Malambing na tugon niya at mabilis kung inalis sa tenga ko yung phone baka kako hindi si Wesley yung kausap ko.

'Hala siya..'

"Utot mo, lumingon ka pa sa iba for sure mas maraming mas maganda sa akin!"

"Bakit pa ako lilingon sa iba kung nakita ko na yung hinahanap ng mata ko di ba?" bigla akong kinabahan ako sa sinabi niya.

"Aga aga nang uuto ka Ongapuco!"

"Seryoso yun Lucky.." napabuntong hininga siya. Na blangko tuloy ako bigla.

"Hello Lucky are you still there?"

"O-Oo nandito pa." Mahinang sagot ko. Naiilang tuloy akong magsalita.

"Sige na pahinga ka muna."

"Sige sige maliligo na ako. See you guys later. Bye!" nailang ako kaya iniwasan kong sumagot sa huling sinabi niya. Ibinaba ko ulit yung phone sa mesa.

Para makatipid ng oras sabay sabay na kaming tatlo nila Andi at Marlon maligo dahil malaki naman ang CR ng suite. Panay kantiyawan at tawanan lang kaming tatlo sa loob habang naliligo dahil pinag tatawanan namin ang laki ng katawan ni Andi kumpara sa katawan namin ni Marlon.

Parang ito na ata ang pinakamasayang ligo ko sa tanang buhay ko dahil wala akong ginawa kundi tumawa hanggang paglabas naming tatlo sa banyo. Kahit papaano na distract ako at nawala sa isip ko pansamantla yungmga sinabi ni Wesley. Kapag naaalala ko kinakabahan ako bigla. Sigh. Paglabas namin tuloy parin kami sa pagtawa.

"Yuck, nag orgy ang mga bakla!" sigaw ni Ytchee paglabas namin ng CR.

"Tumigil ka kung ayaw mong i-itcha kita sa terrace!" sagot ni Andi.

"Anyare dun hindi kaba nag enjoy?"

"Paano ako mag e-enjoy kanina pa nila pinagtatawanan ang voluptuous body ko." Nakasimangot na sagot ni Andi kay Ytchee.

"A voluptuous body has a soft, curved, sexually attractive body my dear. Alin ka dun soft, curved, hindi naman pwede yung sexually attractive body."

"Ako Ytchee tantanan mo ko pakukuluan kita!" sigaw ni Marlon at napatakbo siya s alikod ko.

"Oh siya maliligo na ang pinaka magandang tomboy ng Metro Manila." At naglakad siya sa harap namin na parang si FPJ. May saltik talaga tong babaeng to. Nagbihis na kaming tatlo at habang nag aantay mataps si Ytchee.

"Wow seshie, ang cool mo diyan sa outfit kainis ka ang ganda mo!" hindi ko alam kong matatawa ko sa sinabi ni Andi dahil pare pareho naman kami ng suot dahil ito ang uniform namin. Nagka iba lang dahil nakasuot ako ng varsity jacket.

"Buti na lang color blue ang napiling color ng section natin kasi yun ang favorite ni Kenneth." Nakangiting kwento ni Andi.

"Bakit kapag hindi ba blue may magagawa ba siya?" angil ko kay Andi.

"Galit na galit Inday Lucky may pinagdadaanan?" si Marlon.

"Maka emote naman kasi tong si Andi sa favorite ni kenneth, crush na crush seshie?" panggagaya ko kay Andi.

"Pakyu ka! Serysoso ng ako bagay nga sayo yung outfit bakla ka!"

"Di nga, walang halong ka-echosan, bagay ba?" kinakabahang tanong ko at nag thumbs up lang silang dalawa. Okay.

Ang uniform ng section namin ay round neck na white t-shirt, blue sweat pants na medyo skinny at white sneakers or rubber shoes. Nag varsity jacket lang ako dahil malamig kasi sa labas at manipis lang ang t-shirt na suot ko.

"Ses, itali natin patalikdo ang buhok mo tas lagyan kita ng light make up bet mo?" alok ni Marlon.

"Sige sige para magmukha naman akong tao. Pero very light lang ahh." Nakangusong sagot ko.

Buti na lang at may dala akong panali ng buhok at inayusan ako ni Marlon. After few minutes lumabas na din si Ytchee sa banyo at naka pagpalit narin siya ng damit.

"Ay ako din ayusan mo Marlon para pareho kaming maganda mamaya ni Lucky." Lumapit siya sa amin at tumayo ako at siya ang pumalit sa pwesto ko. Pagkatapos naming mag ayos ng sarili nagkayayaan kaming lumabas kahit may 45 minutes before call time.

Tinext ko si Wesley na mauuna kami sa venue para pag aralan ang mga gagawin at makaisip kami ng mga strategy. Mabilis siyang nag reply na palabas narin daw sila ng pinsan niya. Paglabas namin ng elevator nakita namin na nag aabang na silang mag pinsan sa lobby ng hotel.

"Juice colored, ang ga-gwapo naman ng mga ka team natin!" natawa naman ang mag pinsan kay Andi paglapit namin. Kagay namin naka white t-shit at blue sweat pants din sila. Pero iba ang dalawang to magdala ng damit dahil kahit gaano pa ito ka simple nagmumukha itong may class kapag silang mag pinsan ang nag suot.

Wesley is looking very fresh and young sa uniform namin, boy next door at lakas maka gwapo ng height at chinky eyes niya. Nagulat ako dahil nakasabit sa balikat niya ang varsity jacket niyang black. Si Kenneth as usual very snobbish looking, serious type pero sobrang lakas ng sex appeal lalo na kapag ngumiti na siya. Ang pagkakaiba nilang dalawa mas approachable kasi si Wesley dahil palagi itong naka smile, unlike Kenneth na parang kelan lang atang natutong ngumiti.

"Siyempre ang gaganda din naman ng mga kakampi namin." Dagdag naman ni Wesley kaya parang nangisay naman yung dalawang bakla sa sinabi niya.

"Sinabihan lang ng maganda halos mangisay na 'tong dalawa, palibhasa hindi sanay masabihan diba Lucky?" bulong ni Ytchee sa akin.

"Baliw, ka kapag ikaw kinatay ng dalawang yan, huwag mo kong ma Lucky Lucky!" singhal ko sa kanya mabuti at hindi narinig ng dalawa dahil nag papa picture sila kay Kenneth at Wesley.

Nagsuot ako ng shades habang naglalakad kami palabas ng Hotel. Lahat ng masalubong namin na guest o mapa staff ng hotel napapa second look sa akin pero hindi ko na pinapansin. Pareho kaming nasa runway ni Ytchee habang naglalakad.

"Wow, Lucky you look stunning!" hindi makapaniwalang sabi ni Wesley paglapit sa amin ni Ytchee.

"Ako nag ayos sa kanya, maganda ba?" proud na sabi ni Marlon sa mag pinsan.

"Pwede na.." labas sa ilong na sagot ni Kenneth.

'Tss, Pwede na pala ahh..'

"Wesley pwedeng mag pa picture?" may lumapit sa aming tatlong schoolomates namin.

"Sure." Ngiting sagot niya sa tatlo. Linapitan ko si Kenneth.

"Pwede na? Bakit laman tiyan din ba?" mahinang bulong ko sa kanya. Nanlaki ang mata at butas ng ilong niya kasabay ng pamumula ng buong mukha niya.

"LUCKY!!" galit na tawag niya at tumawa ako ng malakas at hinila ko si Ytchee papalayo sa kanila habang tumatawa. Habang naglalakad nagsindi kami ng sigarilyo ni Ytchee.

"Anong binulong mo dun bakit biglang nagalit?"

"Wala naman." Napangiti ako sa isip ko dahil naalala ko yung itsura niya kanina.

"Hindi magagalit yun kung wala, Inday."

'Buwesit na Inday na yan kadikit na talaga ng pangalan ko.'

"Inasar ko lang napikon bigla."

"Anong ba kasing sinabi mo?"

"Pwede na? Bakit laman tiyan din ba?" at liningon ako ni Ytchee.

"Siraulo ka talaga, alam mo namang old school yang ka loveteam mo. Be gentle very conservative yang si Dodong." Natatawang paliwanag niya.

"Mukha nga eh." Sabay buga ng usok.

Nang marating namin ang venue nagulat kaming lahat sa nakita. Nanlaki ang mata ko dahil naka set up na ang apat na malalaking Adrenaline Rush Extreme Obstacle Course sa lawn. Para kaming mga batang amaze na amaze dahil sa laki at tingkad ng mga kulay nito. Meron itong sukat at laki na 43 feet wide at 43 feet long. Grabe pala gumastos ang Carlisle Academy ng Team Building, effortless dahil sa lalaki ng mga to halos ang lawak ng nasakop namin sa park. Buti na lang malawak ang lawn Camp John Hay.

Bawat isang inflatable Obstacle course at may tig dalawang entrance, ibig sabihin dalawang section ang maglalaro sa bawat isang obstacle course. Isa isa naring nagdadatingan ang iba pa naming schoolmates kahit maaga pa sa call time. Kagaya namin natulala din sila sa laki at ganda nito. Pinag bawalan pa kaming akyatin at pasukin ang loob nito dahil may mga crew pa nag nag aayos sa loob.

"OMG!!!" sabay na sambit ni Andi at Marlon.

"This is awesome.."si Kenneth.

"Indeed." Nakatulalang sagot ni Wesley sa pinsan habang nakatingala sa mataas na inflatble.

"Dito tayo magkakasubukan ng bilis at lakas." Nakangising sagot ni Ytchee.

"Hindi ako papayag na hindi ako makakapag laro diyan mamaya." Nakangiting sagot habang nakatingin inflatable obstacle course sa harap ko.

Lahat sila biglang napalingon sa side ko.

"AKO RIN!!" halos magkakasabay nilang sambit. Great. Dahil parang iisa lang ang nasa isip namin sa mga oras na to. Ang ma experience ito at sabayan ng panalo.

"Good Morning! Guys, listen up!" biglang sulpot ni Sir Adam sa tabi namin kaya sabay sabay kaming napalingon.

"Sir Adam!!" biglang sigaw ni Andi at Marlon.

"Good Morning sir!" Bati namin ni Ytchee at tumango naman yung mag pinsan.

"Marlon, i want you gather all your classmates and quickly form three Teams. First Team would be---"

"It's all done Sir Adam." Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi ni ser at sumaludo siya dito.

'Seriously, kailan niya ginawa?'

"Okay, that's great! Kapag nandito na lahat ng classmates mo, please call my attention para ma brief ko kayo sa mga rules ng games at iba pang activities." At tinapik niya si Marlon sa balikat at nagmamadaling nag paalam at bumalik sa tent ng mga faculty members.

"Hindi nga Inday nagawa mo na yung list na hinihingi ni ser?" Hindi makapaniwalang tanong ni Andi.

"Gagah, malamang hindi pa ses, magkakasama tayo maligo nila Inday Lucky kanina diba?"

"Eh anong sinasabi mo kay ser na nagawa mo na?"

"Ginawa ko yung list sa isip ko." Nakakalokong ngiti niya. "Kaya huwag mo akong abalahin sa mga oras na to dahil hindi ko isasama ang mga name mo sa players ng FABULOUS na obstacle course na yan." Turo niya sa harap namin.

"Ayyy! Bongga yan sige na magpaka abala ka muna sa diyan sa mundo mo at hayaan mo kaming mag muni muni dito sa tabi." Sagot ni Andi.

"Anong sinasabi ni Marlon na magkakasama kayong maligo kanina?" Naguguluhang tanong ni Wesley habang naglalakad kami.

"Ahh, wala yun kanina kasi napagtripan naming tatlo na magkakasabay maligo para tipid sa oras. Kaya yun laughtrip kami sa CR kanina." Natatawang sagot ko at nakita kong nagsalubong na naman ang kilay ni Kenneth sa sinabi ko.

"Kung ano ano kasi iniisip mo. Naligo lang sila period." nakangising sabi ni Kenneth sa pinsan.

"Hindi ahh, na curious lang ako sa sinabi niya." At mahinang sinuntok si Kenneth sa balikat.

"Ang iingay nga ng mga Inday na yan maligo kanina akala mo ngayon lang nakatikim ng tubig sa tanang buhay nila." singit ni Ytchee.

"Inggit ka lang wala ka kasing kasabay maligo!" Banat ko at dinilaan siya.

Hinanap namin yung tent ng section namin habang nag lalakad, madali naman namin itong natunton dahil may naka sulat naman na name ng section bawat tent. Pagpasok namin sa loob na malaking tent halos naroon na lahat ng classmates namin. Amazing! Humanap kaming lima ng bakanteng upuan at naiwan si Marlon sa harap dahil siya ang class president namin.

"Guys, when i call your name please move forward." Biglang bungad ni Marlon sa harap pagpasuk namin sa loob ng tent.

Isa isa niyang tinawag ang mga pangalan namin at bawat pangalang nababanggit niya ay tumatayo at sinunod ang instructions niya. Ginawa naming tatlong row yung mga upuan para mas organise ang bawat groups na tinawag niya kanina.

"Any violent reactions sa mga na buong groups? Kung meron pwede na kayo umuwi ng Maynila at umpisahan niyo ng mag rally sa Edsa!!" Malakas na sigaw niya.

So far wala namang nag complain kahit isa. Pabor na pabor naman sa amin dahil kaming anim ang magkakasama sa isang team nadagdag lang si Olive yung ka team namin sa volleyball.

"Now, alam kong lahat kayo gustong makapag laro doon sa Adrenaline Rush Extreme Obstacle Course sa field right?"

"YEAH! GUSTO NAMIN YUN!"

"SCARY! PARANG NAKAKAHINGAL YUNG GAME NA YUN PASS AKO DIYAN!

"OF COURSE, SOBRANG CHALLENGING NUN!"

"KAHIT ANO ANG MAHALAGA ANG MANALO TAYO SA DITO!

"TAMA CLASS STANDING NATIN ANG NAKATAYA DITO KAYA LABAN TAYO MGA CLASSMATES!"

"NAKAKAPAGOD ANG GAME NA YUN PAGPAPAWISAN LANG KAMI DIYAN. EWW!"

"Okay so we're all good! Ngayon naman magkakaroon tayo ng bunutan kung anong game ang lalaruin natin per teams."

"SOUNDS FAIR!" Sagot ng Team 1.

"BUNUTAN NA EXCITED NA KAMI!" Sigaw ng mga nasa Team 2.

"LET'S GET IT ON!" Sigaw namin ni Ytchee as part of Team 3.

Sinulat ni Andi sa tatlong maliliit na papel ang name ng bawat activities at saka nirolyo at inabot kay Marlon.

"Mr. Kenneth Ang, if you don't mind will you please stand up and come in front." Tawag ni Marlon kay Kenneth at nagsigawan naman ang mga classmates naming haliparot.

"H-Huh?" Tulalang tanong niya kay Marlon.

"Dodong tawag ka!"mahinang bulong ko sa kanya.

"Chillax, Ha ha ha! Ikaw lang ang magpapabunot sa mga Team Leaders hindi ka mag huhubad dito promise." Natatawang sabi ni Marlon sa harap. Tumayo si Kenneth at namumula sa hiya.

"KENNETH! KENNETH!"

"KENNETH! KENNETH!"

"KENNETH! KENNETH!"

"KENNETH! KENNETH!"

"KENNETH! KENNETH!"

Malakas na sigaw ng makakati kong classmates na babae.

"Hi, Guys!" Nahihiyang bati niya. Inabot naman ni Andi yung tatlong malilit na papel na nirolyo niya kanina.

"FOR TEAM 1!" Tumayo si Corazon ang Team Leader nila. Kinalog kalog ni Kenneth sa kamay niya yung mga papel.

"For Team 1, Caterpillar!" Nakangiting announce ni Kenneth.

"Pwedeng magpa picture?" Nahihiyang tanong ni Corazon. Tumango naman si Kenneth bilang pagpayag.

"OKAY, TEAM 2 and TEAM 3!" tumayo naman si Khaye at lumapit sa harap.

"TEAM 3! Where's your representative?" tanong ni Marlon.

"Lucky tumayo ka ibangon mo ang bandera natin!" Sigaw ni Andi kaya nagtawanan yung mga classmates ko.

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

LUCKY ME! LUCKY ME!"

LUCKY ME! LUCKY ME!"

"Luh, bakit ako baka malasin tayo at mabunot ko yung Magic Shoes bulong ko sa kanila."

"I trust your Luck, Lucky! Go!" mahinang bulong ni Wesley. Napangiti lang ako at nailang siyang tingnan sa mata. Kapag naaalala ko yung sinabi niya sa phone kanina para akong maaning.

'Jusmiyo si Wesley Ongpauco yan! Kakalasin ni Marlon ang buto ko!'

"KKKYYYYAAAAAAHHHHHH ANG SWEET NILA!!" sigaw ni Andi at inambaan ko siy ang kutos pero mabilis siyang umilag.

"Anong sweet kapag ako minalas sa pagbunot yung katawan mo ang gagawing kong tabla sa magic shoes mamaya!" Banta ko sa kanya at nanahimik siya bigla.

"Lucky, ikaw ang huling bumunot paunahin mo si Khaye." Bulong ni Ytchee sa tenga ko. Tumayo na ako at lumapit sa harap.

Inalog alog ulit ni Kennet sa kamay niya yung dalawang natitirang papel. Kinakabahan ako ng bongga dahil malas ako pagdating sa bunutan.

'GRRRRRRRRRRR!'

'BUBUTASIN KO LAHAT NG INFLATABLE OBSTACLE COURSE NA YAN KAPAG HINDI KO YUN NALARO NGAYON!'

"Ladies first." Kindat ko kay Khaye at natatawang napatango siya. Isinara ni Kenneth ang mga palad niya. Dahan dahang bumunot si Khaye sa kamay ni Kenneth. Napa buntong hininga ako ng malalim bago ako lumapit sa kanya. Mukha kaming tanga kasi kahit alam naman iisang papel nalang ang natitira bumunot parin ako sa loob ng kamay niya.

Para akong na kuryente ng madikit ang daliri ko sa malambot at mainit na kamay niya. Grabe naman sa lambot ang kamay nito parang babae.

"Sabay nating buksan Lucky." Kinakabahang wika ni Khaye.

"S-Sige sige." Nakangiting sagot ko.

"One....Two....Three." Mahinang bilang ko at sabay naming binuksan yung papel na hawak namin pero napapikit ako at hindi ko muna ito tiningnan. Kinabahan ako bigla dahil biglang nagsigawan ang mga ka team ni Khaye.

"WAAAAAHHHHHHHHH!"

"AYYYYYYYYYYYYYYYYYY!"

"OMGEEEEEEEHHHHHHH!"

"WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH"

"KYYYAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!"

Dahan dahan akong dumilat at para akong nabingi ng ilang segundo, nakita kong nagtatatalon sa tuwa si Khaye kasama ng mga ka Team niya. Si Andi, Ytchee at Wesley naman kasalukuyang naka tulala habang pinapanuod sila sa pagsasaya.

'Shit na malagkit! Sabi ko na nga ba sana hindi na lang ako yung bumunot.'

Mag aaksaya paba ako ng oras para silipin ang papel na nabunot ko, eh mukhang obvious na sila na ang naka kuha ng Adrenaline Rush. Bumagsak ang balikat ko at napayuko.

'Malas mo talaga Lucky Gonzaga!'

Gusto kong maiyak sa inis at butasin sa labas ang dalawang giant inflatable sa labas sa sobrang gigil ko.

"YES! YES! MAGIC SHOES!" dinig kong sigaw ni Khaye sa harap ng team niya. At mabilis akong nag angat ng tingin na may halong pagtataka.

'Tama ba yung narinig ko? Magic Shoes daw?'

Mabilis akong lumingon kay Kenneth at sumaludo siya sa akin. Itinaas ko ang kamay ko para makita yung papel na nabunot ko kanina.

'KINGENAMEEEEH!!'

At nagulat ako dahil nasa harap ko na sina Andi at Ytchee. Si Wesley naman bigla akong niyakap sa tuwa.

"Ayy, may yakapan agad kahit hindi pa tayo ang winner?" Nang aasar na sabi ni Marlon at saka bumitaw si Wesley at napakamot sa batok.

'WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Nagtatalon kaming apat sa tuwa.

'ANAK KA NG TIPAKLONG!'

"INDAY LUCKY IMPAKTA KA KINABAHAN AKO SAYO DUN KANINA!' Sigaw ni Andi sa harap ko.

"Akala ko naman sila na nakabunot kaya hindi ko na sinilip ayokong mapahiya." Napakamot ako batok.

"I told you last ka bumunot. Hahaha" si Ytchee.

Napatawa lang ako ng malakas ng maalala ko yung nakasulat sa nabunot kong papel.

"ADRENALINE RUSH EXTREME OBSTACLE COURSE!"

'Yeboi!!!'

After kaming i-briefing ni Marlon about sa rules ng games. Nag kanya kanya ang bawat team na bumuo ng strategy kung papaan namin mapapanalo ang bawat laro.

"ARE YOU GUYS READY?" biglang na namang sumulpot si Sir Adam sa loob sa tent.

'Anong problema nito? Pinaglihi ba to si ser sa bula at bigla bigla nalang sumusulpot kung saan saan.'

"The first two activities will start in 20 minutes." Hindi ko alam kung kinakabahan ako o sobrang excited lang dahil hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon.

"WE'RE ALL READY SIR!!" sigawan nilang lahat at tahimik lang akong nakikinig.

"I want all of you guys to remember the main objective of this team building activities is to develop your communication and cooperation skills, team members are expected to learn the importance of communicating ideas and experiences among your group to accomplish our goals. And of course to help you guys to learn how to set clear objectives and measure your performance, as a team."

"YES SIR.."

"Team building activities are conducted not only to give you or all of us fun, but more importantly to teach us the skills needed in working in a teamwork environment. By working together we understands the strengths and weaknesses of each of our team members. Dito matututunan niyong magtiwala sa isa't isa. Your team needs your full cooperation. Maasahan ko ba yun FOUR – MOCKINGJAY?" Nakangiting tanong ni ser after ng mahabang speech niya.

"SIR YES SIRRRR!!!" Malakas na sigaw naming lahat.

Matapos ang inspiring words ni Sir Adam sabay sabay na kaming lumabas ng tent at pumunta sa field. Nag ipon ipon ang lahat ng senior students sa field. Mababakas ang excitement sa mukha ng lahat.

At sa nakikita ko lahat kami iisa lang ang goal. Ang manalo para sa karangalan ng mga section namin.

Nagkaroon muna ng maiksing programa para sa pagbubukas ng team building activities. Naroon din ang ilang board of directors para manuod at makisaya. Pero hindi ko na ulit nakita ang parents ni Amber.

In-announce na din ng isang instructor ang mga pangalan ng mga magkakalabang section per games.

Unang laro ay ang Caterpillar. Team nila Corazon ang unang sumalang sa field kaya lahat kami excited na nag cheer sa kanila.

Sabay sabay na maglalaban laban ang walong section para sa first game na Caterpillar.

"Team 1, Corazon galingan niyo, kapag natalo kayo umuwi na kayo ng Maynila! Nagkakaintindihan ba tayo?" Pananakot ni Marlon sa team ni Corazon.

"Ang lagay papatalo ba kami? At iiwan namin sayo si Kenneth at Wesley?" Nagmamalditang sagot ni Corazon habang inaayos ang bra.

"Kaya kung ayaw niyong mapag iwanan i-todo niyo ang pag gulong sa field!"

"Oh, groufie muna tayo Sir Adam!" Sigaw ni Andi kay ser at mabilis itong lumapit at tumabi sa akin.

Mabilis na nag ipon ipon ang mga classmates ko sa likod ni Andi na may hawak na monopod sa harap. Umakbay agad sa akin si Wesley at nakita kong magkatabi si Ytchee at Kenneth.

Nasa gilid lang kami ng field para i-cheer ang team namin. Halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan ng mga senior para sa mga team nila. Hindi nagpatalo si Andi at Marlon dahil gumitna pa silang dalawa at sumayaw para ibida ang team namin sa games.

Nasa field na at nakahilera na ang walong team at nag aantay na lang sila ng signal sa referee. Kagaya ng mga uniform namin may kanya kanya ding kulay ang ginamit na material sa caterpillar per section para sa pagkakakilanlan.

1ST GAME: Caterpillar Wheel.

Sa larong caterpillar may sampung students sa loob ng isang malaking hugis gulong na rubber mat at may kalahating yarda ang laki.

Nakapila ang mga players sa loob nito, feen on the rubber mat below them and arms above their heads holding the rubber mat. So they'll need to take one step forward while gently pushing forward the rubber mat overhead. Unahan lang ng makarating sa goal para makuha ang flag at siya ang mananalo.

"PRRRRRIIIIIIIIIIITTTTTTTTTT!"

Halos manakit ang tiyan namin kami kakatawa ng mag mag start na ang game. Sa sobrang intense kasi ng race nila maraming teams ang nadadapa at lumalabas ng mga rubber mats. Mabilis din silang tumatayo para umusad.

Ang team naman namin kahit mabagal ang usad nila nakikita kong sabay sabay ang hakbang ng mga paa at mga kamay nila sa ibabaw habang pinapagulong ang rubber mat.

Apat na team ang nangunguna sa race. Ang EAGLE, DOVE, SCARLET MACAW AT MOCKINGJAY. Kitang kita ang determinasyon ng bawat isang team dahil kahit na hirap na hirap sila minsang makausad huminhinto sila at saka ulit uusad ng sabay sabay.

Malapit na sila sa goal kung nasaan ang flag kaya. Patakbong lumipat kami nila Ytchee papalapit para mag cheer sa kanila.

"MAYGAD, KAPAG TAYO ANG MANALO DITO MAG DA-DIET NA AKO!" Malakas na sigaw ni Andi. Sabay sabay kaming lima na napalingon sa kanya.

"Inday sinabi mo rim yan nung manalo tayo sa volleyball, may nangyari ba?" pang ookray ni Marlon.

"Wag kang mangialam dahil ako ang mag da-diet hindi ikaw!"

Halos sabay lang ang Eagle at Mockingjay ang section namin papalapit sa goal. Kahit malamig ang klima sa Baguio pinagpapawisan ako sa pinapanuod ko. Inisip kp kung ako ang nasa kalagayan nila siguro naihi na ako sa kaba at kakalakad sa makipot na rubber mat na yun.

"Nakaka nerbyos naman panuorin ang larong 'to!" sambit ni Ytchee sa tabi ko. Mga apat na dipa nalang ang pagitan ng dalawang team sa harap ko at parang hindi ko na kayang panuorin pa.

"Tara yosi tayo parang aatakihin ako sa puso eh." Aya ko kay Ytchee at mabilis kaming tumalikod sa laro pero hindi kami masiyadong lumayo.

Natatakpan kami ng mga nanunuod na mga schooomates ko kaya hindi namin makikita kung sinong mananalo.

Pagkasindi namin ng sigarilyo nagulat kami dahil nagtatalunan halos lahat ng mga classmates ko.

"Taena sino kayang nanalo?!" Kinakabahang tanong ni Ytchee sa tabi ko.

"KKKYYYAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sabay na nagtitili sina Andi at Marlon papalapit sa amin ni Ytchee. Kasunod nila ang mag pinsan na parehong nakangiti papalapit sa amin.

"MAY PANALO NA TAYO MGA INDAY!" at halos mabitawan ko yung yosi ko dahil nahawa ako sa kanila at nagtatalon kaming apat na parang mga tanga.

"Nganga ang mga Pink Rangers, paano ang aarte nila lahat." Mahinang bulong ni Andi at napangisi ako sa sinabi niya.

"YES!" yun lang ang nasabi ko at nakipag high five ako sa mag pinsan.

"Bakit bigla kayong nawala kanina hindi niyo tuloy nakita kung paano tayo nanalo." Masayang kwento ni Wesley.

"Nakaka nerbyos manuod sa laro nila, kanina natatawa ako pero nung papalapit na sila sa goal hindi na tumigil yung kaba ko." Si Ytchee.

"I feel the same." Pag sang ayon ko sa sinabi ni Ytchee.

"Tara na magsisimula ng yung Game 2 kailangan nila ng suporta natin doon." yaya ni Marlon kaya sumunod na kami sa next venue na pagdarausan ng laro.

Hindi na kami umalis sa field habang pinapanuod ang team namin maglaro. Napaisip ulit ako dahil kung hindi ako sinuwerte ito sana ang game na lalaruin namin ngayon.

2ND GAME: PLANK RACE OR CENTIPEDE

Mukhang mas mahirap ang isang 'to dahil dalawang mahahabang tabla na may tig isang tali o lubid bawat tabla. Kailangan nilang maglakad ng sabay sabay habang naka apak sa dalawang tabla. This game focuses on working togther as a team, communication and leadership.

Kagaya sa naunang game kailangan ng matinding coordination ng bawat isa. Dapat sabay sabay ang bawat hakbang na gagawin nila.

Ending. 3rd Place kami. Mabibilis kasi ang Team Kingfisher at Team Dove.

Binigyan kami ng 15 minutes break para sa susunod na game. Walang mapaglagyan yung kaba sa dibdib ko para sa nalalapit naming game. Ito ang una at huling fieldtrip ko sa Carlisle kaya gusto ko sanang gawing memorable.

Nag streching ang mga kasama ko habang nakaupo ako at pinapanuod sila.

"Ganyan ka pala kabahan nanahimik ka." Natatawang sabi ni Kenneth at umupo sa tabi ko. Napasindi ulit ako ng sigarilyo.

"Naghahalo kasi yung kaba at excitement ko. Kung Volleyball lang to taob sakin lahat yan!" Mayabang na usal ko.

"Hindi mo kailangang kabahan dahil hindi ka naman nag iisa. Kasama mo kami sa larong 'to Lucky." Napalingon ako sa kanya. May point siya hindi nga naman pala ako players. Pito kami at hindi ako nag iisa.

"Thanks you." Mahinang sagot ko.

"Relax ang paglalabanan natin ngayon ay oras. Kung sino ang pinakamabilis na matatapos sa obstacle course ang mananalo."

"I know, paano kung matalo tayo?" kinakabahang tanong ko.

"Hindi mahalaga kung sino ang mananalo o matatalo sa larong ito. Ang importante nag e-enjoy tayo sa ginagawa natin. Kung matalo di sa ibang laban galingan ulit natin para tayo ang hiranging mananalo sa huli." Nakangiting sagot niya at tinapik tapik ako sa balikat.

Akala ko puro pag sususngit lang alam nito may sense din pala minsan kausap.

"Why are you staring at me like that?"

"Nothing. May naisip lang ako." Ngiting sagot ko.

Tinawag kami ni Marlon dahil tapos na ang 15 minutes break na binigay sa amin. Sabay sabay kaming pitong pumunta sa field. Naroon na ang referee at mga advisor namin at may kanya kanya ng hawak ng stopwatch.

Ipinatawag na ang lahat ng mga Teams na kasali para sa last at pinaka aabangang game.

Ang Extreme Adrenaline Rush Inflatable Obstacle Course.

Lumapit na kami sa harap para i reiterate muli ang rules ng games. Kahit alam na ng lahat tutok parin kaming lahat at nakikinig na parang ito ang unang pagkataon na nalaman namin ang rules ng game.

Makikitang halos lahat ng players ng bawat team excited na simulan ang pinaka aabangang game. Pero kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Wesley. Nakauton lang ang buong attention niya sa game referee at nakikinig sa mga sinasabi nito ng magkasalubong ang kilay.

"Taray ni ser oh!" Natatawang puna ni Andi.

"Bakit anong meron?" Usisa ni Ytchee.

"Tingnan mo naman ang outfit ni ser makapag long sleeve naman at turtle neck nagmukha tuloy siyang ROLL ON" at sabay tawa nila ni Marlon. Narinig ko ring napa bungisngis si Kenneth at Wesley, at doon ko lang napansin kung sino ang tinutukoy niya dahil sa pagiging abala ng isip ko kanina pa.

Yung lalaking nakahawak ng mega phone na naka all white na long sleeved at naka turtle neck. Saka ko lang na na gets yung sinabi ni Andi at napatawa rin ako ng mahina at napailing nalang sa nakita.

Napansin kong napalingon si Wesley nung makiya niyang tumawa ako. Pero mabilis din siyang nagbawi ng tingin ng nakita ko. Kaya lumapit ako sa tabi niya.

"Is everything okay?" tumingin ako sa mukha niya. Magkadikit parin ang mga kilay niya.

"I'm fine don't worry about me." Pormal na sagot niya.

"Psh, he's fine daw eh kanina ka pa mukhang badtrip." Mahinang sambit ni Kenneth pero sa harap parin nakatingin.

"You're not Wesley, kanina ko pa napapansing ang pananahimik mo tapos hindi mo na ako kinikibo simula pa kanina." tugon ko pero hindi parin nagbago ang mood niya.

"Paano kita kikibuin kanina eh mukhang bising busy ka sa "pa hug" mo sa mga classmates mo kanina." Hindi niya maitago ang pagkairita sa tono ng boses niya. Tinutukoy niya ang grupo ng limang cute kong classmates.

"Tumutupad lang ako sa napag usapan kanina. Yun lang ang nakita ko para ma motivates silang manalo kanina."

"What ever Lucky. I just wanna focus on the game."

"Hala, di ba nilapitan ka din naman ng mga babae kanina? Tapos umalis ka iniwan mo ko at nagpa picture ka sa kanila dun kanina?"

"Sandali lang naman yun, pagbalik ko nakikipag yakapan kana sa kanila." kagaya ni Kenneth nasa harap parin ang atensiyon niya.

"That's it? Nag kakaganyan ka dahil sa group hug namin kanina?" bulalas ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na dahil lang pala yun sa masakit na group hug na yun.

"Of course not. Bakit ako magagalit syota ba kita?" singhal niya at bahagyang lumingon sa akin na ikinabigla ko.

'Oo nga naman bakit siya magseselos kayo ba? Pero yun lang naman ang huling naaalala kong nangyari bago siya nagkaganyan.'

"Eh anong inaarte mo? Kung hindi pala dahil dun? Bakit ka nagkakaganyan? Please tell me.." Hindi pa man kami nagsisimula ng game pakiramdam ko pagod na ako bigla.

"Kayong dalawa, huwag nga kayong maingay." Saway ni Kenneth sa amin.

"Its nothing okay, i don't want to explain myself to you." Iritabling sagot niya at umalis na lang bigla.

'Dapat sa mga lalaking to hindi dinadala sa lugar na malalamig ang klima ang bilis kasing umiinit ng mga ulo nila. Ulo sa taas at ulo sa baba.'

"Wesley!"

"Wesley!!"

"Wesley!!!"

"Wesley!!!" Malakas na sigaw ko sa kanya. Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa gilid ng field na malapit sa kinaroroonan ng mga tent.

"WHAT?!"sigaw ding tugon niya. Huminto nga siya pero hindi siya lumingon.

"Akala ko ba walang problema? Bakit nagwa-walk out ka?" Dun lang siya lumingon at masamang tumingin sa akin.

"Walk out?"

"Oo, you just walk out while we're still talking." nag sisimula narin akong mairita sa kanya.

"Bakit ako naman ako mag wa-walk out?"

"Aba, malay ko diyan sa utak mo!"

"Naiihi ako kaya ako nandito okay." sabay turo niya sa dalawang portable toilets sa harap niya.

"Ayy, siya naman!" Bigla kong nasapo ang noo ko ng makita ang tinutukoy niya. Bigla siyang pumasok sa loob at malakas na isinara ang pinto. Nag antay lang ako sa labas and after almost two minutes lumabas siya.

"Oh, ano pang ginawa mo rito? Baka hinahanap ka na ng mga classmates mong mga lalake." Talagang may diin yung salitang "mga classmates mong mga lalake." Sigh.

'Talkshit to akala ko ba hindi yun dahil sa mga yun. Mas halata pa to sa obvious.'

Lumapit ako sa harap niya. Dahil mas matangkad siya sa akin bahagya akong tumingala para kausapin siya.

"Umamin ka nga. Nag seselos ka ba sa kanila?" Hindi ko alam kung bakit yun ang sinabi ko. Biglang na lang yun lumabas sa bibig ko. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko bigla.

'Gandang ganda ka din sa sarili mo 'no Lucky Gonzaga?'

Nakita kong nagbago bigla ang facial expression niya. Lumabas muli ang reaksyong gustong gusto kong nakikita sa kanya. Yung tipong kahit hindi siya tumawa ang pogi pogi niya. Yung simple sulyap lang maiiihi kana sa kakyutan niya. Lintek na tingin yan para akong ice cream sa ilalim ng araw.

Pero sa naroon parin ito lungkot sa mga mata niya tulad kanina.

"Bakit naman ako magseselos sa mga yun?"

"Hindi, nagseselos ka!"

"Mukha mo!" inis na sagot niya.

"Eh di tama nga ako nagseselos ka nga?" pangungulit ko natutuwa kasi akong pagmasdan ang kakatuwang reaksiyon niya.

"Pwede ba Lucky tigilan mo na ako."

"Kapag hindi ko na ba pinansin ang mga yun magiging okay ka na?" Dahan dahan kong sinabi ang mga yun at nakita kong nawala ang pagkaka kunot ng noo niya.

"Gagawin mo talaga yun para sa akin?" Biglang nanulis ang nguso niya. Hindi siya makatingin ng derecho.

"See, eh di nagseselos ka nga sa kanila?" natatawang sagot ko habang sinusundot ang dibdib niya.

"Sinabing hindi nga ako nag seselos eh." Nanlaki ang mga mata niya sa galit. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at nanginginig ang mga kamay niya.

"Eh ano yan?" Nguso ko sa mukha niyang namumula.

"Ang kyut kyut mong pagmasdan ngayon Wesley, i promise!" Nakatawang turo ko sa mukha niya.

"Bahala ka sa buhay mo!" Binitawan niya ako at nag walk out na naman siya.

"Wesley!"

"Wesley!!

"Wesley Ongpauco, kapag hindi ka tumigil yayakapin ko sila isa isa sa harap mo sige ka!" Malakas na sigaw ko at bigla siyang huminto.

Linapitan ko siya at niyakap ko siya habang nakatalikod. Isinandal ko ang ulo ko sa likuran niya at ramdam na ramdam ko ang mabilis niyang paghinga.

"Yakapain mo sila magdamag wala na akong pakialam." sambit niya. Nakalaylay lang ang mga kamay niya sa magkabilang gilid niya.

"Ayoko nga.. Baka magselos ka ulit." Nakangiting sagot ko sa likod niya.

Mabilis niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap sa katawan niya. Pero mabilis ko siyang hinawakan sa magkabilang braso at iniharap sa akin at yumakap ulet sa kanya.

'Taena Lucky ano bang ginagawa mo?'

"Sorry na sorry na. Binibiro lang naman kita." Nakasubsub ang ulo ko sa dibdib niya.

"Hindi magandang biro yun.." Seryosong sagot niya at ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa buhok ko.

"Ikaw nga inakbayan mo pa yung mga babaeng nagpapa picture sayo kanina. Tapos yung dalawa yumakap pa sayo." Dahan dahang umangat ang kamay niya sa likod ko at gumagalay ang katawan niya dahil sa sa pinipigilang tawa.

"Tss, nagseselos ka?" Hindi na niya pinigilan pa ang tawa.

"Sabi mo kasi dalawa lang kami ng mommy mo na nakakayakap sayo tapos ngayon marami na kami?" Narinig ko ulit siyang tumawa kaya bigla akong humiwalay sa pagkakayakap.

Totoo naman nung nakita kong maraming nagpapa picture sa kanya at panay akap nung mga maarteng babaeng yun sa kanya kanina nakaramdam din ako ng pagkairita kaya niyaya ko nalang magyosi si Ytchee. Ang pangit kasi sa paningin ko ang view nila na kasama ang magandang view nitong park sa Baguio.

"Ang sarap pala.." Bumalik na ulit yung Wesley na gusto ko. Yung mukhang nakakalimutan mo ang problema. Ngiting nakakabusog kahit wala kang almusal sa umaga. Lakas maka good vibes ng aura ng batang 'to!

"Ngayon enjoy na enjoy ka?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Siyempre nagseselos ka, wala ng sasarap pa dun."

'Sabi ko nairita lang ako hindi ako nag selos. Tch!'

"Masarap pala ah, kotongan kaya kita."

"Oo naman atleast now we're even." Mayabang na sagot niya.

"Atleast ako kinakausap pa rin kita, eh ikaw hindi kana namansin."

"Of course, what do you want me to do? Pumalakpak sa tuwa dahil nakikita kitang pinagkakaguluhan ng iba?" Natulala ako sa sinabi niya.

'Ito na ng aba ang kinakatakot ko. Mukha tama ng ang hinala ko.'

"Eh di kwits tayo! Masaya ka, masaya ako." nginiwian ko siya.

"Anong masaya dun kanina? Ikaw mukhang enjoy na enjoy ka nga dahil ginalingan nila at mayayakap mo silang lima." Ito na naman kami paulit ulit nakaka bobo na.

"Kaya pala panay pa cute mo sa mga babae mo kanina, kulang na nga lang i-lips to lips mo silang lahat. Ambilibabol!"

"Hoy, anong lips to lips ang pinagsasa sabi mo!" Nakangusong tanong niya.

"Huwag ako Ongpauco hindi ako bulag magaganda at ang seseksi ng mga lumapit sayo, don't tell me hindi mo nagustuhan kahit isa sa kanila?"

"Kung may nagustuhan ako dun eh di sana hindi na kita hinanap kanina at sumama na ako sa kanila." May angas ang dating na pagkakasabi niya.

"Nyeh Nyeh Nyeh Nyeh Nyeh!" Pang gagaya ko sa tono ng sinasabi niya kanina.

"Ewan ko sayo." Hinila niya ulit ako papalapit sa katawan niya at siya naman ang mahigpit na yumakap sa akin.

"You're such a baby, Mr. Ongpauco." natatawang sagot ko.

"Sayo lang ako ganyan hindi sa iba." Seryosong sagot niya at hinalikan ako sa ulo.

Ayokong bigyan ng malisya ang pag papa sweet niya. Hawak hawakan nmain ng kamay, paghalik sa noo at maging ang pagyumayakap siya o ako. I feel safe and very comfortable being with him. Na re-recharge ako sa tuwing ginagawa ni Wesley yun sa akin.

"Okay na ba kayo? Mag sisimula na yung game." Bigla kaming naghiwalay ni Wesley sa gulat ng may nagsalita sa likuran namin.

Si Kenneth habang nakasuot ng cap at nagkakabit ng ibang gear sa katawan niya.

"We're fine bro. Malakas ang pakiramdam kong tayo ang mananalo ngayon." Nakangising sagot niya kay Kenneth.

"Mukha nga, let's go." Bigla itong tumalikod sa amin at naunang naglakad pabalik sa field.

Kakaiba talaga ang magpinsan na 'to mga gwapo nga pero lamang ang saltik sa ulo.

"Kapag tayo ang manalo mamaya anong prize ko?" Masayang tanong niya habang naglalakad kami pabalik.

"Ililibre kita ng breakfast?" Nag aalangang sagot ko.

"Free ang breakfast, lunch at dinner natin dito Lucky. Try harder!"

"Hug!?"

"Nag hug natayo kanina twice na."

"Eh ano wala na akong maisip na pwede." Napakamot na ako ng batok.

"Kiss me.." Nagkatitigan kaning dalawa at literal akong napanganga sa sinabi niya.

"Seshie, bilisan niyo tayo na ang sunod na maglalaro!!" Malakas na sigaw ni Andi.

"Tara na!" Hinila ako ni Wesley sa kamay at sabay kaming tumakbo habang hila hila niya ako papunta sa mga kasama namin.

Naiwan parin sa isip ko ang huling sinabi niya. "Kiss me?" Hello? Alam niya ba yung sinasabi niya? Huwag kang assuming baka naman kiss me pero sa chicks lang or beso beso, di ba? Pero kahit hindi naman niya direktang sinabi na magseselos siya, alam kong nag seselos siya. Hindi naman ako ganun kahina medyo assuming lang talaga.

Bakit naman siya magseselos sa mga yun hindi ko naman sila niyakap isa isa, buti nga group hug lang kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko maintindihan kung inaatake lang siya ng pagiging isip bata niya o talagang nag seselos talaga siya.

Nagiging territorial na si Wesley.

Hindi magandang senyales yan dahil ganun kami nag simula ni Jasper noon. Ang pagiging sweet, pakikipag asaran, lumalabas kasama ng mga friends tapos magtatampo tampo, mag papabebe tapos kapag nagkapalagayan na talaga kayo ng loob diyan na magsisimulang territorial ang isang lalaki.

'May gusto ba si Wesley sa akin? O nananaginip lang ako kanina? O may tagas na din utak ko?'

'Juice colored! Ang ganda ganda ko na talaga kapag tama ang iniiisip ko.'

To be continued...


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C44
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk