(Aby Sena POV)
Bumukas ang panglimang kotse….
Naku po! Sapatos pa lang nito talaga… nagsi-hiyawan ulit ang mga kababaihan. Insecure naman ang dala nila sa mga kalalakihan.
Mga boys, wag kayong mainsecure. Dapat lang na kampihan niyo ako at resbakan natin mamayang uwian yang pa-famous na Kevin na yan.
Ahem. Wag pala… Wala tayong laban sa kanila. Siguradong agad natin makikita si kamatayan bilang sundo natin papunta sa kabilang mundo. Kayo na lang. Wag niyo na ako isama.
Marami na ang nahimatay. Sino kaya ito sa natitirang personnel ni Kevin? Zinoom ko ng sagad ang camera ko. Pati ata muta ng subject ko makacapture ko na.
At ng lumabas…
Biglang nawalan ng ingay… yung tipong sabay-sabay silang huminga ng malalim para paghandaan ang pag dive sa balon.
Katahimikan.