Unduh Aplikasi
81.81% After You Fall Asleep / Chapter 18: Chapter 17

Bab 18: Chapter 17

Jason's' POV

Alas dos na ng madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko kung paano namin masisimulang gawin ang plano kay Lennard para mawala na siya sa buhay namin.

Gumalaw ang babaeng nakahiga sa dibdib ko. Nangangalay na ang braso ko pati likod ko sumasakit na din. Pero sa dahil ayoko siyang gisingin pa, kahit labag sa kalooban kong ihiga siya wala na din siyang magawa dahil ang sakit na ng katawan ko.

Mahina akong lumabas ng kwarto niya at pumasok sa kwarto ko't nagbihis. Lalabas na muna ako. Kailangan kong makausap ang tatlo para makatulong na din sa amin. Hindi ko kayang gawin 'yon ng dalawa lang kami. Mahirap gawin 'yon lalo na't kakaiba ang kaya niya.

Nagkita kami sa plaza. Sana walang ibang makarinig ng pag-uusapan namin dahil lagot na.

"Bakit mo kami pinapunta dito?" Tanong ni Kris.

"Kailangan ko ang tulong niyo."

"Para saan?" Si Gio.

"Kay Lennard."

Sa oras na 'to sila lang ang makakatulong sa 'kin. Mga kaibigan siya ni Lennard na ngayo'y pinagkakaisahan na din nila ang isa.

"Anong plano mo?" Tanong ni Kris saka naupo kaya naupo na rin kami.

"Ito 'yon..."

Pinaliwanag ko sa kanila ang lahat ng gagawin sa malinis na paraan. Buti na lang at napapayag sila na tulungan ako kung hindi, 'di ko alam ang gagawin ko kung mag-isa na lang ako. Para 'to kay Marj kaya gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya.

"Kailan mo balak gawin 'yon?" Tanong ni Kris.

"Kapag ready na ang lahat." Sagot ko naman.

Tumango naman sila. May narinig kaming ingay sa may puno kaya napatingin kami dun. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka may nakarinig.

"Sino 'yan?" Tanong ni Gio.

Walang may sumasagot kaya tinutukan niya 'yon ng flash light at nakita namin ang dalawang pusa na naglalandian. Tss. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun.

"Tara uwi na tayo, gutom na ko." Yaya ni Niel na kanina pa hikab ng hikab.

"Bakit ka pa uuwi kung sa daan may mabibiktima din?"

"'Di ko 'yon kelangan. Diet ako ngayon."

Napatawa na lang ako sa sinabi niya.

"Weh? Ikaw diet? Sa 157 years mo dito ngayon ka pa magda-diet? Aba ang tindi mo tol!" Sabi ni Gio sa kanya.

"Nagsalita ang mataba. Kaw kaya ang magdiet, ano? Tignan mo nga 'yang katawan mo, sasabog na sa katabaan." Bara naman ni Niel.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Nilapitan ako ni Kris at inakay malayo sa dalawa.

"Ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo na mag-ingat ka sa kanya. Alam mo naman ang gagawin niya diba?"

Tumango ako.

"Huwag kang mag-alala, kahit walang kapalit tutulungan ka pa rin namin, kayo ni Marj. Naging mabait naman siya sa amin kaya gagawin natin ang lahat mawala lang siya." Paliwanag niya.

"Salamat sa inyo. Kung wala kayo hindi ko na alam ang gagawin ko sa gusto niya. Masyado na siyang nahihirapan kaya parang pati ako nahihirapan na din."

"Walang anuman. Basta mag-ingat nalang tayo."

"Geh."

"Hoy Kuya uwi na tayo!" Sigaw ni Niel.

"Wow! Kuya? Parang ngayon ko lang ata narinig 'yan sayo ah?" Natatawang sabi ni Kris.

"Esh naman e tinawanan pa ko. Pasalamat ka tinawag na kita ng ganun." Naiinis na bulong niya na rinig ko naman.

"Ah ganun?"

"Haha, geh uwi na kayo. Kita na lang tayo mamaya pag ready na ang lahat."

"Geh."

Umalis na sila at ako na lang ang naiwan dito sa park. Mag aalas kwatro na din. Nagpahangin na lang muna ako saglit bago umuwi. Naglalakad ako papunta sa bahay niya ng maramdaman kong may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa likod ko, wala naman. Pero pagtingin ko sa harap, nakumpirma kong meron. Dalawang lalaki na halata namang katulad ko.

"Sumunod ka sa 'min."

"Teka, sino ba kayo?"

"Hindi na kailangan ang pangalan namin para sumunod ka."

hinila nila ako papunta sa kung saan. Habang naglalakad kami pinagpapawisan ako ng malamig. Nakumpirma ko kung saan nila ako dinala. At sa maniwala kayo o hindi, puro sila katulad ko, pero 'yong iba may kakaibang aura.

"Welcome back, Jason." Sabi ng isang lalaki na pamilyar ang boses.

Sa tagal kong hindi nakapunta dito, nag-iba na din ang lugar na 'to.

"Bakit niyo ko dinala dito?"

"Kasi may dapat kang gawin."

MARJ'

Hindi pa man sumisikat ang araw nagising na ko. Pero wala na ang katabi ko. Sabi ko na nga ba, iiwan na naman ako. Lagi na lang. Kailan ko pa matatapos ang pag-asang tulad kagabi? Ni hindi nga nagpaalam kung saan pupunta. Subukan niya lang na hindi umuwi, hindi ko na talaga siya papatawarin.

Tumayo na lang ako at pumasok sa banyo para makaligo at nagbihis. Papasok na lang ako sa school mabuti pa. May matutunan pa ko. Kalimutan na muna ang mga problema para hindi masira ang araw.

Pagkapasok ko sa room may limang classmate ko na dun. Dalawang lalaki at tatlong babae. Tinignan nila ako at nginitian.

"Good morning." Bati ko sa kanila.

"Good morning din." Sabi nung babae na medyo payat. Hindi ko pa kilala.

Naupo na lang ako sa upuan ko at nangalumbaba. Wala akong magawa. Ito pala ang napapala ng mga maagang pumasok? Walang makausap? Pero sila ang iingay na nag-uusap at nagtatawanan sa kabilang row. Na OP naman ako. Ano pa ba ang aasahan ko? Bago lang ako dito.

"Hi. I'm Nikki. Halika maki-join ka sa 'min." Sabi niya, siya yung bumati pabalik kanina.

Nahiya naman ako pero sige na lang, para makilala ko silang lahat. Hinila na niya ako sa pwesto nila.

"Guys, magpakilala kayo." Sabi ni Nikki sa kanila.

"Hi, I'm Zach." Sabi nung isang lalaki, nakipag shake hands din siya.

"Ako naman si Ralph." nakipag shake hands din siya sa 'kin.

"Hi, Hayley."

"Sheena." Sabay shake hands.

"Nice to meet you, guys. I'm Margarette, just call me Marj."

"Oh my God! Tama ba ang mga nakikita ko?" Napalingon kami sa nagsalita, si Nicole pala. Nakangiti siya sa akin.

Nilagay niya muna ang bag niya sa upuan saka pumunta sa harap ko at ningitian ng sobrang lapad at bigla na lang ako niyakap. Seriously? Anong meron sa babaeng 'to at parang sobrang saya niya?

Napatawa na lang ang lima sa kanya, pati ako natatawa na din.

"Hahaha! Ano nangyari sayo, Nic?" Natatawang tanong ni Sheena.

"Wala lang, masaya lang ako sa babaeng 'to." Sabay tapik ng balikat ko.

"Good morning classmates!" Pasigaw na bati ng lalaking kinamumuhian ko.

"Hi Lennard." Malanding bati ni Sheena sa kanya. Kaya pala nakataas ang kilay niya sa 'kin kanina.

"Yow."

Lumapit siya sa 'kin at humalik sa pisngi ko. Not realizing kung ano ang magiging reaksyon ng anim na nakatingin sa amin.

"Don't tell us—"

"Yeah, kami ni Marj." Diretsong sagot niya.

Napatango na lang sila maliban kay Sheena na nakataas kilay akong tinignan at inirapan. Wow ha? Siya pa may kayang magalit? Magkakilala ba sila?

Napa face palm na lang ako. Totoo naman diba? Wala akong karapatan makasabi na hindi kami lalo na kung kaharap ko siya. Kailan pa kaya 'to mawawala sa buhay ko? Sana magawa na ni Jason yung plano.

Hinila niya ako palabas ng room. Hindi na ako magtataka kung ano na naman ang sasabihin niya.

"Musta ang tulog mo?" Tanong niya sa akin habang nakangisi.

Tinignan ko lang siya at hindi sinagot. Sira na naman ang araw ko. Lagi na lang talaga. Tumingin na lang ako sa harap, binibilang ang mga estudyanteng dumadaan. Nagsasalita siya, malamang hindi ako nakikinig. Sino ba naman siya para pakinggan ko?

Napakurap ako nang marinig ko ang pangalan ni Jason sa kanya. Dun ko na siya tinignan at nakangisi siya.

"Anong sinabi mo?" Tanong ko.

"Sabi ko, may balak pala kayong dalawa na patayin ako? Ayos din kayo ah. Ano na lang ang masasabi mo ngayon kapag nalaman mong siya ang unang pinatay ko?"

Sa sinabi niya biglang nanikip ang dibdib ko. Seryoso siya at pinakita pa talaga sa akin ang picture ni Jason na duguan at nasa kabaong.

"Anong ginawa mo sa k-kanya?" Sumigaw na ako at tumulo na ang luha ko.

"Simple lang naman, pinatay ko siya. Inunahan ko na sa plano niyong pagpatay sa akin." Sagot niya at saka ginulo ang buhok ko.

"Bwesit ka! Bakit mo 'yon ginawa sa kanya??!" Sumigaw na ako at ramdam kong nakatingin silang lahat sa akin.

"I told you, don't mess with me dahil hindi niyo alam ang gagawin ko kapag niloko niyo ako." Sagot niya sa akin at umalis sa harap ko saka tumalon sa bubong ng building.

Nilapitan ako ng mga kaklase ko at tinanong kung anong nangyari, umiling ako. Iyak lang ako ng iyak sa balikat ni Nicole.

"Bampira ba siya? Kaya sinabi mo kahapon na huwag magtiwala sa kanya?" Tanong niya habang tinatapik ang likod ko.

Tumango nalang ako bilang sagot at maya-maya lang tumunog na ang bell para sa flag ceremony pero nagpaiwan ako sa room dahil sa hindi ko kayang maglakad. Nanginginig ang buong katawan ko at naninikip ang dibdib ko.

Iyak lang ako ng iyak sa upuan ko. Gusto kong umuwi pero maaga pa. Gusto kong mapag-isa. Gusto ko siyang makita at kumpirmahin na hindi totoo 'yong sinabi ni Lennard. Pero saan ko naman siya hahanapin kung hindi ko alam kung saang lugar 'yon?

Pinapauwi nila ako dahil masama ang pakiramdam ko pero umayaw ako. Gustuhin ko mang umuwi hindi ko magawa kung mag-isa lang ako. Buong araw lang ako nakatungo sa upuan ko, pinapalabas ang mga luhang ayaw tumigil. Hindi ko magawang makinig sa kanila dahil lutang din ang isip ko. Sumasakit na din ang ulo ko sa kakaiyak.

Naramdaman kong may kumalabit sa braso ko kaya napaangat ako ng ulo ko. Si Nicole nakangiti sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Umuwi ka na, may naghihintay sayo sa labas." Sabi niya, umiling ako at hindi sumagot kaya dumiretso na siya sa sasabihin niya. "Tatlong lalaki naghihintay sayo sa labas. Kanina pa sila dun."

"Sino?"

"Hindi ko kilala eh, puntahan mo na lang."

Tumango ako at tumayo na. Tinulungan naman niya ako hanggang makalabas ako ng room. Siya na din ang nagpa-excuse kay Ma'am para sa akin.

Inabangan agad ako nina Kris, Gio at Niel. Tinulungan nila ako sa mga dala ko. Naglalakad na kami papunta sa gate at 'yong mga nadadaanan namin nakatingin sa kanilang tatlo at parang kinikiliti sa kilig pero hindi ko na ininda 'yon. Wala ako sa mood sermunan sila.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.

"Sinusundo ka. Alam naman namin na malalaman mo ang nangyari." Sagot ni Kris.

"So, totoo na wala na siya?" Napatigil ako sa paglalakad kaya tumigil din sila. Hindi sila makatingin sa akin ng diretso. "Sagutin niyo ako!" Sigaw ko sa kanila. Pinipigilan kong huwag umiyak dahil masakit na ang mata ko pero 'langhiya lang tumulo pa din.

Nagkatinginan muna sila bago sila tumingin ulit sa akin at tumango ng mahina.

"Bakit lagi na lang 'to nangyayari sa 'kin?" Humihikbing sabi ko at hindi ko na namalayan na napaupo na ako sa daan. Tinulungan ako ni Gio na tumayo pero nagpabigat ako.

"C'mon, Marj. Tumayo ka na dyan, pupuntahan natin si Jason at papatayin si Lennard." Sabi niya.

Tinignan ko sila, tuloy tuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko. Hindi na napakali si Kris, hinawakan niya ang braso ko at pinatayo na. Nakakahiya na din sa ibang nakatingin sa amin, more likely sa akin. Ke bago ko dito mag-iinarte pa ko?

"Tara na." Sabi niya at naglakad na. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami kung saan man.

"S-saan siya?" Nahihikbing tanong ko sa kanila.

Tinuro ni Kris kung saan at sinamahan niya ako papunta dun. Walang ibang tao dito kundi kaming apat lang. Nang nasa harap na kami ni Jason, bigla akong napatakip ng bibig ko sa nakita ko. Totoo nga ang sinabi nila, patay na siya. May nakatusok na matulis na kahoy sa gawing dibdib niya. Kukunin ko sana 'yon pero pinigilan ako ni Kris. Hinawakan ko ang kamay niya pero nakakagulat sa lamig.

Bigla na namang tumulo ang luha ko. Anong gulo ba 'tong pinasok ko? Diba dapat magpakasaya ako kasi may nakasama na ako sa bahay diba? May tumulong sa akin para makakain kahit alam kong iba sila sa mga tao. Nakita ko ulit ang pamilya ko at nakilala ang kakambal ko.

Pero bakit ganito ang nangyari? Lagi na lang ako umiiyak dahil sa kanya at dahil din sa nararamdaman kong sakit na siya din ang dahilan. Mahal ko na siya.

"Kris, please buhayin niyo siya! Kahit anong kapalit nito gagawin ko!" Oo at seryoso ako, kahit maging bampira ako mabalik lang siya sa tabi ko.

Umiling-iling siya. "Masama yang iniisip mo Marj, kahit gusto ko mang gawin 'yang gusto mo mapapahamak at mapapahamak pa rin ako."

Napaupo ako sa tabi ng kabaong. May kung ano ang nagsasabi sa akin na kunin ang bagay na 'yon sa dibdib niya.

"Huwag mong ituloy 'yang binabalak mo Marj, hindi ka sasaya sa ganyan. Hayaan mong sila ang gagawa kesa tayo."

"Paano ako sasaya kung ganito ang nangyari sa kanya? Hindi ko na kayang umiyak ng dahil sa kanya pati ba naman ang kagustuhan ko hindi niyo maibibigay? Kahit anong kapalit nga gagawin ko para mabuhay siya. Kahit maging bampira ako bumalik lang siya!" Napasigaw na ako sa inis.

Tinignan niya lang ako na para bang walang balak gawin kaya tumalikod ako sa kanya at kinuha ang kahoy na nakatusok kay Jason. Nang tumayo siya pinainom ko siya ng dugo na galing sa pulso ko, at tinignan niya lang ako na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Bakit binuhay mo ako?" Tanong niya, nakaupo pa rin siya sa kabaong.

"Eh kung tumayo ka muna dyan di ba?" Singhal ko sa kanya. Ang creepy lang kasing makita na nakaupo sa dun.

Sinunod niya naman ang utos ko.

"Ayoko na kasing mapag-isa." Sagot ko.

"Nag-iisa ka naman noon ah? Ang sabihin mo namimiss mo lang ako." Pang-aasar 'yon ah.

"Tss. Asa ka!" Nauna na akong lumakad. Binuhay ko na nga siya ganyan pa din ang gagawin niya? Ni hindi man lang nagpasalamat.

"Hoy hintayin mo naman ako!" Sigaw niya sa likod ko at napapitlag ako ng yumakap siya mula sa likod ko.

"Thank you baby," paglalambing niya.

Hinarap niya ako sa kanya at saka hinalikan ako sa tungki ng ilong ko.

"Yuck! Ang baho mo! Amoy patay ka!" Sa ngayon ako naman ang nang-asar.

Inamoy niya naman damit niya.

"Patay na din naman talaga ako ah."

"Tss."

Tumalikod na ako sa kanya at naglakad ulit pero napahinto din ako kasi may humarang sa amin.

"Sabi ko na nga ba, pupuntahan mo siya dito at bubuhayin."

Sino pa ba ang magsasabi niyan?

"Mauna na kayo," sabi ko sa apat na nasa likod ko.

"Pero--"

"Sige na, ako na ang bahala dito."


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C18
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk