Unduh Aplikasi
50% After You Fall Asleep / Chapter 11: Chapter 10

Bab 11: Chapter 10

JASON'S POV

Hinawakan ko si Kris sa leeg at inangat. Bakit niya pa sinabi sa akin 'yon? Gusto kong pumatay ngayon!

"Pakiulit nga ng sinabi mo?!" Medyo basag na ang boses ko. Ano 'to lokohan? Eh ako 'yong una tapos siya sumunod?

"N-nanliligaw s-si Lennard kay Margarette!" Sigaw niya sa akin.

Sinuntok ko siya ng paulit-ulit. Hindi niya ako pinapatulan, ngumingisi pa ang g.go habang sinusuntok ko siya. Pinipigilan ako ng dalawa pero tinaboy ko sila.

"Sa susunod na marinig ko pa 'yan kahit sino sa inyo, patay kayo sa 'kin." Sabi ko sa kanila sabay alis.

Siguro ito na din ang oras para malaman niya ang katotohanan. Gusto ko na talagang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi naman ako tanga para hindi sabihin sa kanya. Masasaktan lang siya ng paulit-ulit at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita ko siyang umiiyak sa harapan ko.

Hindi ko alam kong paano ako nakauwi at basta na lang hinatak siya papasok ng bahay.

"Saan ka galing?" Tanong niya, hindi ako sumagot. Pinaupo ko muna siya sa upuan sa sala at hinarap siya.

"Anong meron sa inyo ni Lennard?" Malamig na tanong ko.

Hindi ko alam pero nagseselos ako kanina pa kahit kami na ang magkaharap.

"Wala. Magkaibigan lang kami." May halong naiinis ang tono ng pananalita niya.

Umupo ako sa harap niya at marahang pinisil ang dalawang kamay niya.

"Yung totoo Marj ang sabihin mo sa akin! Huwag mo akong gawing tanga!" Mahina pero pasigaw na sabi ko.

"Yon nga ang totoo, magkaibigan lang kami."

"Eh bakit sabi nung tatlo nanliligaw siya sayo ha? Ano ba talaga? Eh p.ta naman masakit pa ata 'to kesa sa hindi mo ako pinapansin eh."

Sa sinabi ko dun na siya natigilan. Hindi niya ako sinagot at nakatungo lang siya. Inangat ko ang ulo niya para matignan ko ang mga mata niyang malungkot. Alam kong kahit anong oras iiyak na naman siya.

"Ano ka ba talaga ha?" Tinatanong ba niya kung ano talaga ako? 

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya sinagot.

"Bampira ako, Margarette." Diretsong sabi ko. Natigilan siya at umiling-iling at tumulo na naman ang luha niya. Tumayo siya at sinampal niya ako ng malakas! I deserved that slap. Simula pa lang nagsinungaling at niloko ko siya. Kaya ito ngayon, tinatanggap ko ang pananakit niya sa a kin.

"Ba-bakit? Bakit ka nagsinungaling sa akin? A-alam mo bang ang sakit na ng mga mata at puso ko sa kakaiyak?" Humihikbing tanong niya. Patuloy pa rin ang pananakit niya sa dibdib ko. Masakit na kaya hinuli ko ang kamay niya at kinulong siya sa bisig ko.

"Sorry sa ginawa ko pero lahat ng pagtago ng sekreto ko eh para din sa akin. Alam kong maraming pumapatay ng mga bampira dito sa lugar natin at ayoko namang mamatay kasi mamahalin pa kita." P.ta ang korni ko!

"Hindi ito ang tamang oras para magbiro!" Sigaw niya. Natawa na lang ako.

"Sorry na ha? Ngayong alam mo na pwede bang huwag ka na umiyak? Masakit din sa aking makita kang umiiyak eh. Tahan na po baby Marj." Hinahagod ko ang likod niya para tumahan siya. Dun ko lang narealize kung ano ang sinabi ko. Pinipigilan kong matawa habang kayakap siya. Hindi siya umimik.

Himiwalay ako sa yakap at tinignan siya. Walang emosyon ang mukha niya.

"Hoy." Natatawang tawag ko.

"Ba...babantayan mo naman ako diba?"

"Oo naman. Babantayan kita araw-araw." Sagot ko.

"Hindi ka na magsisinungaling?"

"Hindi na."

"May tinatago ka pa ba? Ipakita mo na para bati na kita."

Natawa ako sa sinabi niya kaya tinawag ko na sina Mama at Papa na nagtatago sa kusina. Tumingin ulit ako sa kanya at parang natigilan siya nang makita si Papa.

"Bakit?" Tanong ko, umiling lang siya.

"Si Mama at Papa nga pala, mga magulang ko. Ma, Pa, si Margarette po..." Ano ba ang tamang ipapakilala ko sa kanila bilang ano ko siya? Bahala na. "Girlfriend ko." Patuloy ko.

Bigla niya akong kinurot, sinampal, sinuntok, at binatukan.

"Masakit na ha!" Sigaw ko sa kanya.

"AMBISYOSO KA! HINDI KITA BOYFRIEND! ASA KA!" Sabay palo ulit sa akin.

Natawa na lang sina Mama at Papa sa ginagawa niya.

"Hindi ka pa titigil?" Mahina pero may halong pagbabantang sabi ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa pananakit niya kaya hinawakan ko ang kamay niya at kinulong iyon sa pisngi niya at hinalikan ko siya sa labi niya. Mahina pero masarap ang ginagawa kong paghalik sa kanya. Napangiti ako nang sinabayan niya ang halik ko.

"Ahem..." Sabay na sabi nina Mama at Papa kaya napahiwalay siya sa akin.

"Kumain na muna kayo bago ipagpatuloy yan ha?" Nakakalokong sabi ni Papa. Tumingin ako kay Marj na namumula habang nakayuko.

Hinawakan ko na lang ulit ang kamay niya kinaladkad siya sa kusina para kumain. Ramdam ko sa kanyang nahihiya siya.

Pinaghain ko siya at nakangiti siyang kumain habang kaharap ko.

"Bati na tayo?" Tanong ko.

Tumango lang siya bilang sagot kasi ngumunguya pa siya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa labi. Lumayo siya sa akin at uminom ng tubig.

"Ano ba? Kita mong kumakain ako eh."

"Haha sorry."

"Tss."

Matapos naming kumain umakyat na kami sa kwarto niya.

"Dito ako matutulog!" Sigaw ko.

"Okay." Sabi niya at kumuha ng mga damit sa cabinet at pumasok sa cr.

Paglabas niya bagong ligo siya. Umupo siya sa kama katabi ko.

"Suklayan mo ko." Natawa ako sa sinabi niya at pahampas na inabot sa akin ang suklay.

"Tabi tayong matulog." Paasar na sabi ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at tinignan ako ng masama.

"Hahaha joke lang kaw naman."

"Bilisan mo gusto ko nang matulog!" Sigaw niya.

"Oh tapos na."

Pero seryoso, gusto ko ulit siyang makatabi matulog kasi pakiramdam ko hindi siya mawawala sa akin kapag magkatabi kami.

"Salamat." Sabay higa.

Pinaupo ko ulit siya kasi baka sasakit ang ulo niya dahil basa pa.

"Huwag kang matulog na basa ang buhok." Pagbabanta ko.

"Paki mo?

"Ayan na naman tayo." Tumayo ako sa kama niya at kinuha ang blower sa drawer niya. Nakita ko 'yon dun nung isang araw.

Sinaksak ko iyon at pinaandar tapos pinatalikod ko siya sa akin para patuyuin ang buhok niya.

"Yung mga magulang mo, bampira din ba sila?" Tanong niya.

"Oo. Pero hindi naman sila masama." Sagot ko.

"Eh yung apat? Bampira din ba sila?"

Sina Lennard ba ang tinutukoy niya?

"Oo, mga bad vampires sila." Sagot ko. Pinatay ko muna ang blower at pinaharap siya sa akin.

"Huwag kang mag-alala, babantayan kita."

Ngayon, siguraduhin kong gagawin ko na yan sa kanya kasi pag naulit pa yung nakaraan, ako na ang aalis para huwag na siyang masaktan.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C11
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk