Unduh Aplikasi
87.5% There Will Be Love There / Chapter 14: Chapter 14

Bab 14: Chapter 14

Jo's wedding was in a simple church tucked somewhere along a highway. Kung di nga lang sa signage nito sa labas, di mo aakalaing simbahan iyon dahil mukha lang iyong ordinaryong bahay. Pero malaki naman ang lote nito na perfect sa mga event na ganito - di lang sa maraming pwedeng mag-park, nakaka-dagdag sa peaceful atmosphere ang mga puno sa paligid.

Di ako relihiyosong tao so attending a wedding like this, lalo na from a different religion is awkward for me. Pero nung pagpasok namin ni Jordan, it felt as if kilala kami ng lahat ng tao. Everyone greets us and asks our name. They congratulate us sa kasal ng sister nila kahit di ko siya personal na kamag-anak. With the church being small, lahat ng tao may role para maging successful iyon - kahit mga bata enjoy na maglagay ng mga bulaklak sa wedding aisle.

The pastor had a sermon about top Bible verses talking about love. Who knew pati pala ang Bible may hugot?

You do well when you obey the Holy Writings which say, "You must love your neighbor as you love yourself." Natamaan ako doon, ha. Heto na nga Lord, katabi ko na nga siya.

Do I love him? Yes, I do. Madali naman siyang mahalin, eh.

Love does not give up. Love is kind. Love is not jealous. Love does not put itself up as being important. Love has no pride.

Parang lahat ata ng 'to nasuway ko nung kami pa ni Dan.

Love does not do the wrong thing. Love never thinks of itself. Love does not get angry. Love does not remember the suffering that comes from being hurt by someone.

Isa pa 'to.

Love is not happy with sin. Love is happy with the truth. Love takes everything that comes without giving up. Love believes all things. Love hopes for all things. Love keeps on in all things.

Love never comes to an end.

I related to this one the most, though. Siguro nga si Lord na nagsasabi na kami na talaga ang naka-tadhana sa isa't isa. Ignore some of the verses that some claim to explain why our relationship will be a sin. I am happy with him. He's the truth for me.

Most important of all, continue to show deep love for each other, for love makes up for many of your faults.

Guess I have to take this advice into heart. I know marami kaming napagdaanan all this time, and it felt like I never took time to pause and appreciate everything he has done for me. Before, it felt like I had no purpose as I see everything I felt wrong about me, but not what makes me alright. Siya yung constant na nagsasabi that I'm great as I am.

Instead of asking him if he loves me, or telling him my feelings, maybe ang dapat itanong ko: what can I do to make up with my faults? How can I help him cover his? Knowing all his struggles makes me feel bummed that I knew Dan, pero kasama iyon sa package that I signed up for. And I'm happy that I'm the one dealing with it. Sigurado naman ganun din siya sa akin.

Medyo maikli yung ceremony kaya di ko namalayang natapos na pala ang wedding vows, or maybe I just enjoyed being witness to a lovely couple. Such moments convince you na baka may forever nga talaga, and maybe their background might mean di nila mararanasang maghirap o mapagtaksilan. They have such a strong support around them to help them out.

That made me lonely knowing na di naman namin 'to magagawa sa harap ng pamilya namin sa ngayon. Minsan nga naisip ko, sana nagpaka-straight na lang ako para may moments din akong ganito. But such love is not the truth, at di matutuwa kung sinumang nasa taas.

"Thank you nga pala sa pagpunta, ha." Bati sa amin ni Jo habang nagsisilakad ang mga bisita papunta sa covered court para sa reception. "I hope di 'to awkward sa iyo."

"Actually na-touched ako sa ceremony. Siguro nga judgmental lang ako masyado!"

"True Christians love others no matter what, di ba nga." Assurance ng bagong kasal sa akin. "Anyway ibibigay ko sa iyo yung number ng kilala naming pastor sa Manila, ha. Friendly congregation naman iyon. Sana matry mong makabisita." Friendly meaning accepting sa mga gaya namin ni Jordan, which is rare.

"Ay naku, babalik na rin naman ako sa Singapore soon, sayang naman!"

"Ayos lang! Kahit one time lang." Insistence pa rin ng babae. "I'm sure he'll appreciate it regardless."

I always joked to Dan gaano ka-boring itong lugar nila - walang beach siyempre dahil sa gitna iyon ng Luzon, so in the end nauwi kami sa isang small time na resort. Yung tipong puro chlorine ang tubig at luma ang tiles? Ganun.

"Seryoso, kung ganito lang mga resort dito dapat sa subdivision na lang tayo nagpunta."

"Umiiral na naman pagka-taklesa mo. Bad iyan!" Sita ng loko sa akin.

"Oo na. Sorry po, Lord." Sabay patong ng magkabilang palad na para bang nagdarasal.

"Malayo Pansol dito 'no. Walang hot springs dito."

"Eww, mas gasgas naman iyon!"

Kahit na puno yung resort, the fact that Dan was with me made it fun. Kung di ba naman siya walang kahihiyan, magsuot ba naman ng white shorts sa pool. In the end naging felix bakat na naman siya - or baka ako lang nakapansin noon.

Tapos sa isdaan yung dinner namin. Kahit na halos isang kilometro nilakad namin, the trek was worth it - though nakakatawa lang makita yung mga sculpture ng unggoy at mga faux Buddha statues. Aside sa main na dining area, pwede ka ring magpa-reseve ng cottage if you need some privacy.

Pero yung dinadayo talaga dito yung Taksiyapo. Kung gusto mong maglabas ng sama ng loob, ito na siguro yung perfect place.

"So paano 'to, kuha kaming plato tapos ibato lang namin?" Curious kong tanong sa nagbabantay.

"Opo. Sigaw niyo po yung 'Taksiyapo!' tapos itapat niyo doon sa gusto niyong batuhan sa pader." Taksiyapo meaning 'buwisit' sa Kapampangan. "Bayad po muna kayo dito then kuha na lang po kayo ng ilang gusto niyo."

Oo nga naman, magastos kaya 'tong mga plato!

Dan took two one hundred peso bills sa pitaka niya, sabay abot sa bantay at sabing sa kanya na ang sukli.

"Okay na ba 'tong sampu?"

"Ang dami na nga iyan!" Saway ko sa kanya. Umiral na naman pagka-kuripot ko. "Sabi ko i-try lang natin, eh."

"Malay natin, marami pa pala tayong di nailalabas."

"Pinagsasabi mo?"

Di niya ata ako narinig nang bumuwelo siya't binato ang isang plato na para bang frisbee iyon. May nabuong ngiti sa mukha niya kahit wala siyang natamaang kahit ano sa mga pangalan sa pader.

"Ginawa mo namang flying saucer yung plato, eh." Tapos ako naman yung kumuha ng plato at binato iyon sa tapat ng bubble na may nakasulat na toxic. "Para sa mga toxic na tao sa mundo, taksiyapo!"

"Sama mo na rin yung mga nagbebenta sa Facebook na puro 'PM for Price.'" Dagdag niya sa trip ko.

"Saka yung mga trolls, mga madrama saka yung puro post ng travels at gym bods."

"As if di mo ginagawa iyon?"

"Minsan lang, no!" Siguro yung mga posts ko sa Instagram tinutukoy niya. Then another plate flew away.

"Ikaw naman, sinong gusto mong batuhin?" Naka-ilang plato na ako dito pero siya busy lang kumuha ng videos sa isang tabi. "Ikaw kaya nagbayad nito."

Kinuha niya yung isa sa bungkos pero huminga muna siya ng malalim, iniisip kung sino ba yung gusto niyang batuhin. "Wala naman akong galit sa mundo, eh. Napatawad ko na."

"Symbolic lang ba." Masyado talaga 'tong KJ. Though sa huli, pinagbigyan rin niya ako at binato yung Father na nakasulat sa pader.

"Para kay tatay. Napatawad na kita pero taksiyapo ka pa rin!" Sa sobrang lakas ng pagkakabato niya naging pino yung plato pagkabagsak noon sa sahig.

"Wow lang sa pagkakabato, ah. May feelings."

"Siyempre. Maiintindihan kaya niya yung meaning ng taksiyapo." Oo nga pala, dahil iyon sa lengwahe nila dito.

Kumuha lang daw ako ng ilang platong kaya ko, so in the end kung anu-ano na lang pinagtripan naming batuhin sunud-sunod - si Gio, sa ahas. Yung bago naming kapitbahay na laging full blast ang radyo at karaoke pag Linggo. Yung pending pa ring application ni Dan sa trabaho. Yung stress ko about aging. Yung concept ng forever.

Though ang inakala kong fun naming pagbato in the end naging simula ng maha-habang usapan naming dalawa...

"Para sa sakit ko. Taksiyapo! Buwisit ka!" Halos namamalat na ako sa kakasigaw namin kanina pa. "Ang gara talaga ng timing mo!"

Not knowing that Dan was just attentively watching me in that breakdown. "Sabi ko na nga ba may tinatago ka sa akin, eh."

Kung di rin lang buwisit yung mga staff ng restaurant, mga hugot songs pa ang pinatugtog nila habang naghihintay kami ng order namin. Kaso dahil sa nangyari, di ko alam kung may appetite pa akong kumain. Sayang naman kung mapupunta lang yung lakad namin sa wala.

In the end naputol din yung katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Sabi mo sa akin before stalker ako, di ba?" Simula ng usapan niya. "Ayun, nakita ko yung search history mo sa Google. So..."

Di ko alam paano siya sasagutin dahil nacorner rin naman niya ako.

"Di naman iyan paranoia, di ba?" Ito yung moment na gusto kong makitang galit si Dan pero heto pa rin siya, kalmado pa rin to the point na nakakabanas. "Di ba? Nagpapaka-OA ka lang magsearch ng lagnat mo dun o something?"

"Oo na nga! Fine, heto na." It was a struggle na magsalita habang di mo malaman kung nginig o lamig yung pumapasok sa katawan mo. "May kasalanan ako sa iyo, I'm really sorry. Yes, I'm dealing with a cancer. Sa prostate. Reason bakit puno yung phone ko ng articles tungkol doon."

"Kailan pa?" Di pa rin niya magawang magalit sa akin.

"Noong nasa SG pa ako." Pag-amin ko.

"So anong ginagawa mo? Nagpapa-tingin ka ba?"

"Not really. Di ko pa naman daw kailangang magpa-opera."

"Kahit gamot?"

"Di pa...my god, nakakairita yung mga tanong mo, eh. Mamaya na lang natin pag-usapan!" All his rational questions made me snap. "Bakit ang kalmado mo ngayon? Bakit di mo magawang magalit sa akin?"

"Masisira ang grasya, Louie."

Then we went back to our silence. Ang sarap pa naman sana ng mga pagkain sa harap namin, pero all I feel is some natural bitter after taste. Allergic ako sa hipon pero napakain ako ng de-oras - bahala na, sabi ko kay Dan, habang hirap na hirap akong balatan iyon at siya din ang gumawa para sa akin.

"Kung kumakain lang sana ako ng hipon, di sana ako nagkasakit." Dark humor ko sa sarili ko. "May minerals daw kasi 'to that prevents it."

"Nandito naman ako."

"Gago."

"Sir, gusto niyo po bang i-try yung aming sankilo challenge?" Alok sa amin ng isang waiter. "Libre po namin kayo ng dessert pag nadala niyo po yung timba sa kabilang dulo nang di nahuhulog sa fish pond."

"Sige go ako diyan!"

"Louie, sure ka ba diyan? Ang nipis kaya ng dadaanan mo!" Di makapaniwala si Dan sa trip ko ngayon. But it was a good way para madistract ako, isip ko.

A few minutes later meron na akong suot na life vest at isang timbang puno ng tubig sa kamay ko.

"Magdahan-dahan ka, madulas iyan!"

"Alam ko!" Sa pagtawid ko lang narealize it was definitely a challenge. People around me were curious and equally anxious kung magagawa ko. Okay na sana kaso...kung kailan nasa dulo na ako saka pa ako nahulog sa tubig.

The waiters rushed in para bigyan ako ng tuwalya, while I was laughing like crazy seeing Dan so worried about me.

"Sinabi ko na ba sa iyo, mahuhulog ka doon, eh-"

"Di yung dessert ang habol ko, no." Putol ko sa pag-aalala niya. "Dini-distract ko lang sarili ko."

Napayakap ako sa kanya habang pinupunas sa akin yung towel, not realizing na di na pala tubig pumapatak mula sa mga mata ko.

Di namin magawang magsalita pag-uwi namin. Mula sa jeep hanggang sa sinakya naming bus, magkahiwalay kaming nakaupo, parehas na nakasilip lang sa bintana. What was meant to be a fun, short detour ay nauwi lang sa ganitong awkward moment.

Only until nasa bahay kami na nagawa niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya. Binalibag niya ang pagsara ng pinto, immediately cornering me with the lights still off.

"Sabi mo magalit ako sa iyo, o heto ginagawa ko na..." Nakatitig lang siya sa akin habang ang likod ko'y pirmi sa pader. "Bakit Louie, bakit ngayon mo lang 'to inaamin sa akin?"

"Dan, kumalma ka lang, huwag kang OA diyan-"

"Ginagawa ko lang naman ang gusto mo!" Buti na lang hindi yung mismong kamao niya ang tumama sa pader or else nagkadugo-dugo na iyon. "Di ko alam anong mararamdaman ko eh. Magagalit ba ako kasi hanggang ngayon, di buo tiwala mo sa akin? Mag-aalala ba dapat ako dahil may pinagdadaanan ka? Maiinis ba ako dahil uulit na naman ang nakaraan?"

"Hindi pa 'to malala Dan, please...makinig ka muna sa akin." Hinatak ko ang magkabilang kamay niya para mapilitan siyang umupo sa sahig kasama ko. "I know I am at fault. Kaya nga sinasabi ko na ngayon kasi gusto ko kasama ka sa mga plano ko. This is the reason kaya di ko masabing magsta-stay na ako sa Pinas for good kasi alam mo namang magastos magpagamot dito, di ba?"

"Kung iyon lang naman, edi maghahanap ako ng trabaho tapos ako na lang sasagot sa pagpapa-opera mo-"

"Tumigil ka diyan, di ka nakakatuwa." Napalitan ng banat niyang iyon ng ngiti yung seryoso kong mukha. "Yung sinabi kong 'last na 'to' noon, totoo iyon. I'll be in Ireland with my boss kasi doon pwede ako magpa-opera ng libre."

Pero hindi pa rin siya tumigil sa mga offer niya sa akin. "Edi sasama ako sa iyo, kahit caregiver ng matanda papatusin ko."

"Dan, you don't have to live your life all for me!" Doon na nagsimulang nabuksan yung Pandora's Box naming dalawa. "Ang dami mo nang nasakripisyo, okay. You literally gave up a comfortable life para lang sa akin! Huwag kang mag-alala, I can do this. Saka modern na panahon ngayon, I'll update you habang nandoon ako-"

"Hindi 'yon yung point, Louie!" Balik niya sa argumento ko with matching loudness. "Lahat ng ginawa ko noon, tinulungan mo ako, di ba? Ngayon naman, pabayaan mo naman ako, oh. Ako naman tutulong sa iyo. Ganun di ba dapat 'pag nagmamahal? Lahat ng problema, hinaharap dapat ng magkasama?"

"Grabe ka, it doesn't not mean dapat literally tayong magkasama-"

"Bakit? Ayaw mo ba talaga akong makasama?" His face started to bawl with all his important questions. "Di mo ba talaga ako mahal?"

"Mahal kita, Dan. All this time! Kahit nung magkahiwalay pa tayo." Sa pagsabay ko sa pag-iyak niya, napa-hawak na rin ang mga kamay ko sa likod niya. "Kaya ngayon natatakot na ako. Ayoko pang mamatay, Dan! Gusto pa kitang makasama! I want to make more happy memories with you! I want to prove to people na people like us can be happy till the end!"

Napahigpit lang ang yakap niya pabalik sa akin while I was trying to sort my messed-up feelings. "Diyos ko, di ko alam kung magpapasalamat ako na he made us meet again. Pero bakit ganoon, parang ayaw niya talagang ibigay yung gusto natin? Hindi ba niya talaga tayo matatanggap? Hindi ba talaga tayo pwedeng masaya?"

"Nasa tao pa rin ang gawa." Litanya ni Dan ng sikat na kasabihan. It was the longest cry we ever made. Hindi ko alam kung maririnig nga lang iyon ng nasa itaas.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C14
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk