Unduh Aplikasi
40.38% Regrettable Love / Chapter 21: Twenty

Bab 21: Twenty

Twenty

Napapaliyad ako sa aming Sala at inilapag ang mga notes ko na katatapos ko lamang pag-aralan. Tumayo ako at kumuha ng maiinom sa aming maliit na ref at bumalik ulit sa aking nire-review para sa aming exam. Sabado na ngayon at wala si Lovely dahil sa preparation na mangyayare mamayang gabi for the Welcoming Party.

Tapos na din ang duty ko sa trabaho kaya mag-isa lamang ako sa bahay. Ibinalik ko ulit ang aking atensyon sa binabasa ng tuluyan ng bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Love na nakangiti habang may bitbit na paper bag.

"Naligo kana?" kaagad na bungad niya saakin. Inilapag niya ang dala niya at seryosong tiningnan ako, pansin ko ang pamamawis ng mukha niya na animoy tumakbo siya para lang makapunta dito.

"Hindi pa." sagot ko.

Sapilitan niya akong tinayo roon at itinulak patungong banyo. "Uy, anong ginagawa mo?" kinakatok ko ang pinto upang palabasin niya ako ngunit wala akong narinig na tugon sa kanya, bagkus ay mabilisan niyang inihagis sa akin ang aking tualya at sinarado ulit.

"Ano ba talagang balak mo saakin?" sigaw ko sakanya.

"Basta, maligo kana." Huminga ako ng malalim at para matigil ay sinunod ko na lamang ang gusto niya. Lumabas ako ng banyo ng bagong ligo habang masama siyang tiningnan. Nakangiti akong sinalubong ni Lovely habang hawak na nito ang Paper bag na dala niya kanina. Kinunutan ko siya ng noo ng iniabot niya saakin ito.

"Ano to?"

Lumawak ang kanyang ngiti. "Susuotin mo." Itinulak niya ulit ako patungong kwarto. Plain white dress ito na abot hanggang tuhod. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin saakin. Ang medyo wavy kung buhok ay itinuwid niya, hinati niya rin sa gitna ang pagkakahati nito. Naglagay na siya ng konting kolorete sa aking mukha at maging ang hikaw niyang inaalagan niya ay isinuot niya saakin.

"Ano ba talagang ginagawa mo?" wala sa sariling tanong ko sakanya.

"Hindi mo ba natatandaan na may date ka ngayon?" Nagtama ang tingin naming dalawa.

"Ha?" Nag-focus ulit siya sa pagaayos saakin.

"Diba, susunduin ka ni Liam rito?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ou nga pala. She rolled her eyes on me ng makita niya ang naging reaksyon ko.

"Buti nalang at usap-usapan yan kanina sa school, naku kung hindi wala kang ka-ayos-ayos na pupunta sa Party." Tipid ko siyang ngitian sa sinabi niya.

"Thank you." Iyan na lamang ang naging sambit ko at pinakawalan niya na ako. Inibahan niya lamang ako ng tingin at tuluyan na ring naghanda para sa sarili niya.

Napatingin ako sa aking sarili sa salamin at hindi ako makapaniwala sa taong nasa salamin, ako ba talaga to? Papaanong naayusan ako ng ganito ni Lovely? Woah. Pinaghandaan niya talaga ang lahat.

Iniligpit ko ang aking mga gamit na nagkalat sa Sala, kinuha ko rin ang phone kong kanina pa tunog ng tunog. Tumawag si Tita (Mom ni Love) about sa party.

Matapos nun ay pinagmasdan ko na lamang si Lovely na nagaayos ng sarili niya, naka-gray dress siya na mas maiksi kaysa saakin. Alam na alam niya kasing napaka-conservative ko sa damit kaya siguro ito ang pinasuot niya saakin.

Lumipas ang ilan pang minuto at tuluyan na kaming napatingin ni Lovely sa pinto dahil meron ng kumakatok.

Napalunok ako ng pagbuksan ko ng pinto si Liam. Kita ko ang tago'ng tingin niya saakin.

"Maganda diba?" biglang sulpot ni Lovely sa likod ko. Tumango-tango si Liam habang titig na titig saakin. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"She's always beautiful." Ika niya. Kinurot pa ako ni Lovely at kinikilig na tiningnan ako. Iniwas ko ang tingin sakanya at pinauna na kaming dalawa ni Liam.

Bigla akong namula habang naglalakad kami sa kahabaan ng kalsada, parami narin ng parami ang mga nakikita kong nakagayak na estudyante.

"Kinakabahan ka?" basag niya ng katahimikan naming dalawa.

"Ou, first time ko lang kasi pumunta sa mga ganito. Not really into this." Lumapad ang kanyang ngiti saakin.

"So it means, I am the first one who will be dancing you tonight." Natigilan ako sa paglalakad at seryosong tumingin sakanya, nakangiti parin ito.

"Sasayaw tayo?"

"Maybe?" Kita ko ang mga ngiti niya saakin. Tuluyan na akong natigilan ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko habang hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi at mata niya.

Iginaya niya ako papasok sa loob habang hindi nito binibitawan ang kamay kong hanggang ngayon ay angkin na angkin niya. Pinagtitinginan kami ng mga tao but I choose not to look at them but be focus on him. He's so mesmerizing, his smile. I wish it will never fade away.

Hinayaan ko siyang iwan muna ako sa table, hindi narin naman nagtagal ay naupo narin sa tabi ko si Lovely.

Lumapit siya saakin ng may malaking ngiti sa labi. "You look happy and Liam too."  Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya.

"Sana palagi kitang nakikitang ganito." Pahabol na sambit niya

Tuluyan ng nagsimula ang program ngunit si Liam ay hindi parin bumabalik sa pwesto namin, mabuti na lang at hindi ako nagagawang iwan ni Lovely kaya medyo naaliw ako.

Biglang tumigil ang paligid at nagdilim, nagkatinginan kami ni Lovely. May nagsalita sa unahan, our one of the organizer.

"And now for you to chill the evening, we have a special performance from Mr. Liam Dwayne Perez…" Napalunok ako sa announcement, biglang naghiyawan ang mga tao sa paligid.

Ang cool niya habang naglalakad sa entablado at may bitbit na gitara. Naupo siya sa upuan at seryosong hinanap ako sa madla.

Nagpakawala siya ng napakagandang ngiti habang nakatanaw saakin, puro hiyawan ang mga naririnig ko but all my attention is in him.

"This is for you…" sabi niya at tuluyan nga niyang inistrum ang gitara. Hinampas hampas pa ako ni Lovely dahil sa kilig niya.

(Please play the song)

Sitting in the dark all night fighting shadows,

And the urge to call you up hits me like an arrow

It ain't the whiskey talking or the loneliness I'm feeling

It's the memories, all the little things, that keep me from healing.

Biglang unahan ang luha ko sa pagtulo, tumatagos sa puso ko ang mga kinakanta niya.

I'd give up all the days I got left on this earth,

'Cause without you I don't know that they're worth: no.

Hinaplos ni Lovely ang balikat ko at pilit akong pinapakalma sa aking hikbi.

I'd give it all for you, if you'd let me.

This heart don't have a home without you in it; no.

I'd stand before you, as a man who's been broken.

True words never spoken.

Is that enough?

Is that enough,

For your love?

Kaagad naghiyawan ang mga tao dahil sa kanta niya, maging ako ay piniling ikubli ang aking luha. Nagtama ang tingin naming dalawa kaya ngumiti ako ng malawak at nag-thumbs up sakanya.

Dire-diretso ang kanyang hakbang patungo saakin at dire-diretso din ang mga ngiting hindi niya nililimitahan na ibigay saakin.

"Billy?" Nangungusap ang kanyang mga mata habang inaangkin ang mga titig ko.

"I Like you…" tuluyang bumagsak ang luha sa mata ko. Tuluyang tumibok ng napakabilis ang puso ko.

Why? Bakit ito ang nararamdaman ko, Why I am so afraid to love him? Tiningnan ko ulit si Liam ngunit unti-unti siyang naglalaho sa harap ko. Hindi matigil ang pagpatak ng luha sa mata ko, sinunod kong tiningnan si Lovely na nasa aking tabi but she's also gone. And even the people around me.

What is happening? Liam, Liam? LIAM?

Napaupo ako sa aking kinatatayuan habang hingi matigil ang pagpatak ng aking luha.

LIAM!

"Please, please. Billy, huwag mo muna kaming iwan. Please billy…"

"Billy, lumaban ka. Kaya mo yan, huwag muna, billy."

Napatigil ako sa aking paghikbi, napatingin ako sa langit na animoy may mga hikbi akong naririnig, may mga pamilyar akong boses na naririnig at alam kong nagaalala saakin.

And they want me to stay with them; they want to go back to them and why?

Where is Liam? Where is everybody, why I am in this dark place?

Where Am I?

Song: Enough by Alex Roe


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C21
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk