Unduh Aplikasi
72.42% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 281: Chapter 281

Bab 281: Chapter 281

Seven na ng gabi kami dumating sa Bataan at sa bahay ng Tita ko kami tumuloy. Bale pinsan siya ni Mama sa side ng father niya. Naki kain kami dun kasi nga gabi na at wala ng oras magluto si Mama, ayaw naman niyang bumaba kami sa restaurant na nadaanan kasi nga si Papa, hasle daw.

"Michelle, kailan ka dumating?" masayang bati ni Tita Nita nung bumaba kami sa sasakyan.

"Nung 31 lang po!" sagot ko naman habang nag-bless ako.

"Bakasyon ka lang?" sabi uli ni Tita habang pinapasok kami sa bahay nila.

"Opo!" sagot ko habang ngingitian yung mga pinsan ko na mas bata sakin.

'Upo muna kayo at maghahain lang ako!"

"Sige po 'Ta," sabi ko habang umupo ako sa upuang kawayan na nasa sala nila. Si Mama at Papa nasa labas pa at nakikipag-usap sa mga tao sa labas na di ko kilala. Naririnig ko nalang na tinatanong nila kung sino raw ako at hanggang kailan kami sa Bataan.

Matagal na rin kasi ako naka uwi dito kasi nga wala na rin talaga close na kamag-anak si Mama dito maliban sa mga pinsan Nag-iisang anak lang kasi siya ni Lola at Lola parehas sila ni Papa. Yung lupa na pag-aari ng magulang niya dito ay matagal na niyang nabenta nung nagkasakit si Lola kaya wala na siyang property. Nagkataon lang yung pinagbentahan niyang pinsan ay biglang nangailangan nung nakaraang taon at pinagbili uli lupa. Agad kong binili yun ng malaman ko kasi nga alam ko mahalaga din kay Mama yung lupang iyon.

"Handa na yung mesa, kain na kayo." sabi ni Tita Nita, dahil nga gutom na ko di na ko nagpaligoy-ligoy pa at agad akong lumapit sa lamesa. Pumasok narin si Mama at Papa at lumapit narin.

Tinolang manok yung ulam na inihanda ni Tita para samin. Native chicken yun na nilagyan ng malunggay at papaya kaya natuwa ako, matagal narin kasi ako di nakakain ng native chicken na mas malasa kaysa sa 45 days na manok na nabibili sa mga palengke at supermarket.

"Sarap noh!" sabi ni Tito Jordan sakin nung lumapit siya.

"Oo nga po!" sagot ko habang inabot ko yung kamay niya para mag bless.

"Saan ka galing Jordan?" tanong ni Mama.

"Kina Iseng, sinabihan ko na magpapa-ani ka bukas."

"Ah, ay siya nga pala kumain ka na ba?" muling sabi ni Mama.

"Kanina pa! Kumain lang kayo." sabi ni Tito habang umupo sa tabi ni Tita. Nasa mahabang lamesa kasi kami na pang isang dosena.

"Lalong gumaganda si Michelle ah, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Tita sakin habang naka ngiti.

"Wala pa nga Tita eh, hanapan mo nga ako!" naka ngiting sagot ko din.

"Madami dito binata, baka magulat ka nalang mamaya may mangharana na sa bahay niyo." sagot ni Tito.

"Ah talaga, uso parin po pala yung dito!" Nagulat kong tanong, sa panahon kasi ngayon parang wala ng lalaking willing haranahin yung babae or ligawan sa bahay nila.

"Uso pa yun, yan ngang pinsan mo laging nahaharana!" sabi ni Tita sabay turo sa pinsan kong babae na nakalimutan ko na yung pangalan pero sa tingin ko nasa 18 palang ang edad niya.

"Galing naman, sana may manghara sa kanya ngayon para makita ko." inosente kong sabi.

"Maya-maya lang darating na yung manliligaw niyan, sinabi ko nga kay Natty wag muna magboyfriend at magtapos muna sa kolehiyo kaya lang di maiwasan nakita mo naman may itsura din yang pinsan mo kaya di mapigilan yung mga manliligaw." proud na sabi ni Tita.

"Mama naman!" sabi ni Natty a halatang nahihiya dahil sa pag-booast ng nanay niya.

"Hay naku si Michelle nung ganyang edad ang dami na din manliligaw, pero ewan ko ba kung bakit si Christopher yung sinagot niya!" sabi ni Mama. Napangiwi nalang yung bibig ko dahil dun. Hanggang ngayon ba naman di pa naka move-on si Mama.

"Kumain ka na nga lang!" sabi ni Papa kay Mama para manahimik na.

Patapos na kaming kumain ng may bigla akong narinig na tumutugtog ng guitara sa may labas kaya napalingon kami sa may bandang pintuan. Nakita ko yung gruppo ng mga kalalakihan, mga nasa anim sila at yung dalawa ay may bitbit na guitara.

"Ayan na sila!" exited na sabi ni Tita na parang mas kinikilig pa kay Natty. Mabilis tumayo si Tito at Tita papunta sa may pintuan habang si Natty at yung dalawa pa niyang kapatid na mas bata sa kanya ay naka silip sa may bintana. Dahil nga tapos naring kumain si Mama at Papa ay lumapit narin sila dun, samantalang ako naiwan sa may lamesa dahil di pa nga ako tapos kumain.

"Lumpit ng kanta," tanging nasabi ko nung marinig ko yung balak nilang kantahin. Kanta yung ni Ed Sheeran na popular ngayon "Perfect" yung title at sa tingin ko kahit sinong babaeng kantahan ng lalaki tiyak na kikiligin.

Hinayaan ko lang silang magkagulo sa pintuan habang nagliligpit ako ng pinag-kainan namin. Naghugas na ko ng pinggan kasi nakikain ka na nga lang magiiwan ka pa ba ng kalat. Naka dalawang kanta din sila bago sila pinapasok ni Tito sa loob para maka usap si Natty.

"Hoy Michelle bakit ka naghugas ng pinggan!" sigaw ni Tita ng makita ako sa lababo.

Di naman kasi kalakihan yung bahay ni Tita Nita, pagpasok mo sa may pinto kita mo na kagad yung buong sala at kusina.

"Okay lang po Tita!" sagot ko, isa pa patapos narin ako kaya hinayaan nalang niya ko.

Pagkatapos kong maghugas agad akong napatingin sa may sala kung saan naroon silang lahat habang ipinupunas yung kamay ko sa pantalon kong suot. Naka tingin sila sakin na parang pinag-aaralan yung itsura ko. Naka pantalong akong fitted at naka loose white shirt lang, habang naka rubbershoes ako ng converse na black. Nakatali yung buhok ko ng half ponytail para lang walang buhok na naka takip sa muka ko. Kung titingnan mong mabuti di mo iisiping 29 years old na ko.

"Michelle, halika rito!" tawag ni Tita habang binabalatan yung manggang dala ng manliligaw ni Natty.

"Sarap yan ah!" pagbibiro ko habang naka ngiti. Lumapit ako sa kanila pero tumabi ako kay Mama malapit sa pinto. Naka upo sa dalawang mahabang kawayan yung mga lalaki na nangharana, samantalang si Natty naka upo sa single na upuan. Si Tita ay naka upo sa single mono blocks katabi si Mama, hapang si Papa, Tito at dalawa pa niyang anak ay nasa labas ng bahay.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C281
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk