Unduh Aplikasi
90.9% Salbabida / Chapter 10: ABCDE

Bab 10: ABCDE

Nung nagusap kami ni Justine sa Facebook, para bang kinabahan ako na may sasabihin siyang ikagugulat. Gaano na ba katagal na di kami nagkikita? Three years nang di kami nagkukumustahan at siguradong may mga nagbago na rin sa amin. Kung ako nagsimulang magpakatino sa buhay simula nung mag-break kami, siguro di na rin naman siya inosenteng gago di gaya nung kami pa.

"I have something to confess..." Bungad niya sa akin.

"Ano naman iyon? Huwag mo naman akong gulatin baka buntis ka na pala!" Pagbibiro ko pa noon.

"Mabiro ka pa rin hanggang ngayon!" Reaksyon niya. "Pero seryoso, I have something to tell. Huwag kang magugulat ha."

"Sige, tell me."

"May sakit kasi ako."

"Ano?" Inosente kong tanong sa kanya.

"Basta, nabalitaan ko nga medyo active ka daw sa advocacy ngayon eh..." At doon na ako nagsimulang kabahan. Oo, pumupunta ako dati sa mga dialysis clinics dahil na rin sa tita kong namatay, pero di naman siguro ganoon...

...oh shit, di sana iyon. Huwag sana. Huwag sanang siya pa.

"Positive kasi ako." At natahimik ang chat namin ng ilang minuto kasi di ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Hindi ako pala-iyak pero dahil sa sinabi niya, di ko na mapigilang umiyak na parang ewan sa harap ng monitor. Sa lahat ng taong pwedeng mahawa ng HIV, bakit siya pa? Ano bang nagawa niya para makuha niya iyon?

Naalala ko pa mga one year na ata kaming hiwalay nang naisipan kong magpa-test para sa HIV. Actually, inuutusan niya na ako noon na magpa-test knowing na sexually active ako pero sa pasaway ako't kahalati, lagi ko lang pinagpapabukas. Pero nung naghiwalay kami nag-decide na rin akong ituloy kasi matindi na rin paranoia ko noon. Sa dami ba naman ng nahahawa na bata, di mo alam baka kasali ka na pala. Saka bago naging kami ni Justine, I had my share of risky behavior kaya di talaga ako nagkaroon ng peace of mind.

Linggo noon at katatapos lang ng Pasko nung sumakay ako mag-isa sa bus papuntang Nepa-Q sa Cubao. Medyo nagsisisi nga ako't di ako nagsama kasi nakakaba talaga siya. Binaba ako ng driver sa isang eskwelahan sa tapat ng palengke at sa likod noon, nandun yung clinic. Nahirapan akong kumbinsehin ang sarili ko sa totoo lang - kailangan ko pang tumambay sa 7-Eleven at magpaikot-ikot para lang mawala ang kaba ko.

Alas-kuwatro bukas ng clinic noon. Paglapit ko sa two-storey na building, akala ko walang tao. Iyon pala, yung HIV clinic ay nasa itaas. Sinalubong ako ng guard, sabay turo sa waiting area na kamukha ng mga health center sa barangay.

Isang borta ang sumalubong sa akin sa reception. "Magpapa-test ka?" Sabi niya sa akin in a somehow manly, but welcoming tone. Ako pa lang kasi ang tao, maliban sa isang OFW na kailangan lang magpa-test dahil requirement nila bago umalis. Pumirma lang ako sa form sabay dala niya sa akin sa isang kwarto para sa counselling - pero sabihin na nating confession room siya.

"Mukhang bata ka pa ha, bakit nagpapa-test ka?" Bungad niya sa akin pagkaupo ko sa isa sa mga upuan.

"Gusto ko lang po ng peace of mind...dami ko po kasing kalokohan eh." Nahihiyang pag-amin ko.

"Hay, mga bata talaga ngayon, oh. But don't worry ganyan din naman kaming mga taga-dito dati. Nauntog lang ulo sa pader!" Sabi niya para mapagaan ang loob ko, bago ang seryosong part.

"Kailan yung huling sexual activity mo?" Tanong niya habang sinusulatan yung form na sinagutan ko kanina.

"Mga one year ago na po."

"Sinong kasama mo?"

"Yung boyfriend ko po." Mukhang wala naman siyang reaksyon dahil it's professional stuff after all.

"Anong mga ginawa niyong activities?"

"Basta iyon na po iyon, lahat-lahat..." Di ko mapigilang tumawa sa sarili ko dahil sa hiya. Ganun naman kasi Pinoy eh - ang lilibog pero di magawang sabihin ng diretso yung mga terms.

"Let's say may penetration na naganap..." At di na siya nagtanong pa. "Wala namang history ng HIV parents mo, no? Di ka naman nagda-drugs?"

Spoiler warning!

Thankful ako sa sarili ko na di ko pa iyon nagawa ever.

At dumiretso lang kami sa parang briefing kung paano nakukuha yung HIV saka mga STD. Medyo alam ko naman na siya noon, pero at least na-refresh yung utak ko kahit paano. Naalala ko yung ABCDE acronym niya:

A - Abstinence. Kaso di ko na iyon nagawa anyway, so tinanggal ko na siya sa options.

B - Be faithful. Faithful ako kay Justine noon, at siya naman sa akin, so di ako kinakabahan sa part na iyan.

C - Careful sex. I always insist for condoms with my partners dati, pero di mo alam baka may nakalusot somewhere.

D - Don't share needles. Di naman ako nagda-drugs kahit na inaaya ako dati sa mga partee na iyan. Kadiri lang.

Spoiler warning!

E - Educate yourself and others. So ito na nga ginagawa ko ngayon.

Pagkatapos nung chikahan namin, dinala niya ako sa kabilang kwarto kung saan kukunan ako ng blood sample. Doon ako kinabahan ng todo kasi takot talaga ako sa karayom. Pero nung sinabihan ako nung duktor na everything will be fine, nagparaya na ako't nagpakuha ng dugo na gagamitin sa test.

Mga one hour daw bago lumabas yung result kaya naupo muna ako sa waiting area habang bukas yung TV. Nagkataon pa, yung pinaguusapan yung STD ni Kris Aquino dati. Dumami na rin mga tao noon, puno ng mga bata saka mga babae din. Meron pa nga 16 year old siguro na sinamahan ng kaibigan niya - siguro nagpanggap iyon kasi bawal kapag di pa 18 years old.

Inulit ni kuya borta yung seminar niya kanina tapos biglang may nagpakilalang HIV+. Hindi naman siya mukhang meron kasi di naman talaga siya nahahalata, pero sa itsura niya namayat na rin siya dahil sa stress. Nung narinig ko siya, nag-promise ako sa sarili ko na mag-iingat na ako kasi mahirap talaga. Yung fact na kailangan niyang mag-shades para itago ang mukha niya at mag-long sleeves at pantalon para itago yung mga pantal only shows gaano kahirap yung buhay niya ngayon. Lalo siguro kapag nalaman ng mga malapit sa iyo - di mo malaman paano nila tatanggapin.

Tapos isa-isa na ulit tinawag yung mga nagpatest para sa results. Medyo pa-suspense pa nga si kuya nang buksan niya ang envelope.

"Kinakabahan ka ba?"

"Oo naman po...life-changing po kaya 'to."

"Ayan, makakahinga ka na...non-reactive naman siya."

"Po?"

"It just means wala kang HIV. Kaya ayan ha, go out to the world as a changed man. Huwag mo nang ulitin mga kalokohan mo, else babatukan kita pagbalik mo dito." Biro pa niya sa akin bago ako lumabas.

Gabi na nung nakalabas ako para umuwi. Hindi ko alam pero naisip kong balitaan man lang siya para alam niya kahit papaano.

"I have something to tell - nagpatest ako ng HIV. Negative naman." Sabay pindot ng send. Di ko alam kung magrereply siya noon baka kasi nagpalit siya ng number, pero umasa pa rin ako.

Pero agad-agad, nagparamdam siya. "That's good. Buti naman sinunod mo na utos ko, ha."

And that was it. Di na kami nagusap ulit pagkatapos.

"How come? Paano nangyari?" Seryoso kong tanong matapos niyang umamin sa akin na may HIV siya. Kinagulat ko iyon kasi alam ko sa sarili kong di naman sa akin manggagaling. Not unless...

Kinuwento niya anong nangyari pagkatapos kaming maghiwalay. Dahil sa depressed siya, nagpaka-active siya ulit sa PR at pumatol sa kung sino-sino. Those things na di namin ginagawa noon, nagawa na niya. He must have learned a wild side para lang makalimutan ako.

Nung narinig ko iyon, di ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Paano kung di kami nag-break? Siguro di niya mararanasan ng ganito. Hanggang ngayon, dala ko pa rin yung guilt sa tuwing magkikita kami, na parang ako ang naglagay sa kanya sa situwasyon na iyon, kahit anong kumbinse kong hindi.

Dumoble pa yung sakit nung nalaman kong nilayuan na siya ng boyfriend niya matapos siya umamin tungkol sa kalagayan niya. Gago siya, di niya deserve yung tao kung ganun. Pero sino ba ako para maka-gago kung sa situwasyon ko ngayon, di ko rin naman siya mabalikan?

Things will never be the same, I guess. At sa tono ng paguusap namin noon, para bang ayaw niyang maging burden sa buhay ko.

Bumaligtad yung ikot ng mundo. Kung noon, ako yung nalulunod at kailangan ng salbabida, ngayon naman siya. Hindi ako lifeguard; hindi pa nga maayos buhay ko sa tingin ko. Pero kailangan ko siyang samahan di dahil parang utang na loob 'to kundi iyon dapat ang ginagawa ng matinong tao, ng tunay na kaibigan na nagmamahal sa kapwa niya.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C10
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk