Chapter 1603: Nakasalalay Ang Buhay (4)
"Magaling… Mukhang hindi niya na matiis. Mabuting kapatid talaga siya kay Huo Mian." Natawang sinabi ni Huo Siqian…
"Boss, kung nandito siya, malalagay tayo sa panganib. Magdadagdag na ba tayo ng tauhan?"
Mukhang takot ang mga tauhan niya sa babaeng ito.
"Hindi na. Isang tawag ko lang yan." Sabi ni Huo Siqian habang kinukuha ang phone at nagda-dial ng number…
Nagsalita siya ng napakahaba sa German bago binaba ang tawag.
"Tapos na. Nagpadala ako sa kanya ng welcome gift." Ngumiti si Huo Siqian.
- Sa gate ng C City International Airport -
Isang babaeng may mahabang buhok at nakasuot ng itim na sunglasses ang naglalakad palabas ng international arrivals gate kasama ang dalawang maskuladong lalaki sa likod niya.