Chapter 1342: Ang Hiling Ni Huo Mian (3)
"Pero…" Halos kainin ni Chen Jie ang kanyang mga salita.
"Wala nang pero-pero. Wala 'yan sa katayuan sa buhay. Katangahan lang 'yon. Ang importante ay mahalaga kayo sa isa't isa. Jie, mabuti kang tao, at mabait ding bata si Ni Yang. Hindi ko na tatanungin kung gaano kahirap ang pinagdaanan niyong dalawa, pero ano man ang maging desisyon niyong dalawa, ang gusto ko lang ay sumaya kayong dalawa."
Gustong-gusto ni Huo Mian ang kanyang assistant. Matalino, marunong, at direkta ito.
"Chief… Maraming salamat po." Biglang naluha si Chen jie nang marinig ito; nasurpresa siyang nakatanggap siya ng ganitong positibong mga pananalita mula sa kanyang chief.
"Sige na, sige na… tama na, baka pareho pa tayong maiyak. Bumalik ka na sa trabaho, at kakausapin ko si Ni Yang kapag nagkaroon ako ng pagkakataon… Sa ngayon, wag mo munang masyadong isipin ang mga bagay-bagay."