Chapter 1330: Young Master Su, interesado ka bang makipag-sosyo? (1)
Ngumiti si Xie Juan. "Ayos naman kami, masaya ako ngayon sa relasyon naming. Noong disperas ng bagong taon, nasa New Year Gala siya, kaya hindi siya nakabalik para makapagdiwang. Pero tinawagan niya ako para sabihan ng happy new year. Pinanuod naming siya ni Shuai Shuai kumanta sa TV, at masayang-masaya si Shuai Shuai para sa kapatid niya. Sabi niya ipagmamalaki niya si Ni Yang sa eskwelahan…"
Kitang-kita ni Huo Mian na masayang-masaya si Xie Juan.
"Mabuti naman. Sa totoo lang, pusong-mamon talaga si Ni Yanng, kahit na matigas ang ulo niya… Pero kahit ganoon, maaalala niya pa rin lahat ng ginawa mo para sa kanya," Sabi ni Huo Mian, at tumango naman si Xie Juan.
"Babalik na siya sa siyudad bukas nang gabi at pupunta siya sa amin para maghapunan. Dr. Huo, punta rin po kayo."