Chapter 1235: Kinaiinggitan kita, nang sobra (6)
Ang mga salita ni Su Yu ay sobrang nakakalungkot…
Maiksi man ang kanyang pasensya, pero si Su Yu ay nagtapos nang nangunguna sa kanilang klase sa isang paaralan ng sundalo at isang lalaki na may mataas na pinag-aralan.
Kaya naman, ang kanyang mga minsanang emosyon ay isang paningin para sa masakit na mga mata.
Nang makita ito, si Huo Mian ay nanahimik.
Pagkatapos, si Jian Tong ay nagpadala ng litrato ni Su Yu na nakuhanan siya nung hindi siya nakikinig.
Siya ay tumayo sa gilid ni lolo Su na nakasuot nang kanyang pangsundalong uniporme… ang kanyang kutis ay kayumanggi pero ang kanyang ekspresyon ay parehas pa din kagaya ng dati.
Hindi sumagot si Huo Mian…
Pinadalhan siya ni Jian Tong ng panibagong mensahe. "marahil, iniisip mo na si Qin Chu ay kakaiba at mahalaga, pero gusto kong sabihin sa'yo, ganoon din si Presidente Su."