Chapter 1200: Master Qin's Punishment (1)
"Well, to be honest, hindi automatic response. Nanghula ako na tatamaan niya ako sa likong yun, kaya handa akong mag-brake."
"Pero paano mo nalaman na babanggain ka niya?" tanong ni Wei Liao, gulat.
"Kasi parallel kaming nag-dadrive sa huling malaking liko ng track. Kung hindi niya ako babanggain doon, hindi siya magkakaroon ng ibang pagkakataon. Hindi style ng magpinsang Song na maging patas, kaya…" sabi ni Huo Mian, pero naintindihan na ng iba kung ano ang hindi niya sinabi.
"Mian, 'di ba sabi mo 'di ka pamilyar sa track? Paano mo nalaman na yung likong yun yung huli at pinakamalaki?" tanong ni Jiang Xiaowei.
"Totoo, 'di ako pamilyar sa track, medyo minemorize ko lang habang paakyat."