Chapter 952: Ako na ang Bahala (3)
Tumango si Qin Chu at tiningnan si Assistant Yang. "Bayaran niyo sila. Masipag magtabaho ang sales department, maghapon silang naghahabol para makapagbenta. Hindi kailangan patagalin ang bonus nila, hindi naman ganoon kalaki ang halaga non. Sabihan moa ng finance department na bayaran sila buwan-buwan. Kung nangangailangan ang isang empleyado, pwede silang humingi ng advance payment. Pero syempre, kailangan aprubahan muna 'yon ng kanilang superior."
"Masusunod po, President Qin," ngumiti si Assistant Yang. Isang tunay na hari ang president; lagi niyang ginagawa kung ano ang dapat.
Nakahinga nang maluwag ang mga executive nang umalis sa conference room si Qin Chu…
"Nakakatakot si President Qin. Takot ako sa kanya. Sa tuwing nakikita ko siya, nanlalamig ako."
"Haha… oo nga eh, lalo pa at kilala ang boss natin sa pagiging seryoso at dominante."