Unduh Aplikasi
85.3% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 830: Peligro (1)

Bab 830: Peligro (1)

Editor: LiberReverieGroup

"At teka, diba sinadya mo rin na gayahin ang performance ko sa finals ng Hollywood casting competion?!"

"Qiao Anhao, wag mo nga kong sinisisi! May ebidensya ka ba na talagang ginaya kita?!" Dahil sa biglaang pagsulpot ni Qiao Anhao, ang kaninang mapaglarong Lin Shiyi, ay biglang naginit at pasinghal na nagsalita sa sobrang galit.

"Ha? Ebidensya? Hindi na kailangan nun! Nakakatawa naman kung nagkataon lang na pareho tayo mula damit hanggang performance no? Alam mo sa totoo lang, hindi ko talaga maisip paano mo ko sinabotahe eh, pero noong naalala ko na ikaw nga pala si Lin Shiyi, alam kong gagawa at gagawa ka talaga ng paraan kaya nga diba pinilit mong hanapin ang pinagbilhan ko ng costume?!

Sa totoo lang, halos mabaliw na si Qiao Anhao noon kakaisip kung paano nalaman ni Lin Shiyi ang mga detalye ng magiging performance niya, at hindi lang yun, talagang kinopya pa nito. Pero noong napagusapan na nila ni Lu Jinnian, bigla niyang naalala ang shop na pinagpatahian niya ng costume. Tandang tanda niya na nabanggit niyang may kaugnayan kay Zhao Feiyan ang magiging performance niya, kaya kahit hindi niya direktang sinabi na magdudrum dance siya, malamang nahulaan ito ni Lin Shiyi kaya para matalo siya nito contest, sinadya nitong kopyahin ang gagawin niya lalo na't alam nitong mauuna itong magperform.

"Pero wag kang magalala, Lin Shiyi. Hindi mo naman na kailangang aminin eh, kasi nakuha ko na ang hustisya ko noong nanalo ako."

Pagkatapos magsalita ni Qiao Anhao, huminto siya sandali at muling nagpatuloy, gamit ang tono ng boses ni Lin Shiyi habang iniinsulto nito kanina si Qiao Anxia, "Siguro ang hirap para sa kagaya mong parehong kaliwa ang paa na magpractice sumayaw no? Kung ganun nga ang nangyari, grabe…. isa lang ang masasabi ko sayo! Nakakaawa ka talaga…Pero alam mo ba , para sa akin, mukhang sa kama ka lang naman magaling, kaya nga kuhang kuha mo ang kiliti ng mga lalaki mo diba…."

Dahil si Lin Shiyi naman ang naunang nanginsulto kay Qiao Anxia, patas lang naman siguro na isampal sakanya ni Qiao Anhao ang mga baho niya, tama?

Base sa itsura ni Lin Shiyi, halos sasabog na siya sa sobrang galit dahil sa pagsampal ng phone at pangiinsulto sakanya ni Qiao Anhao kaya habang duguan ang mukha niya, bigla niyang hinila ang kamay nito papalapit sakanya, na para bang wala siyang pakielam kahit buntis ito. "Qiao Anhao, kahit kailan, buwist ka talaga sa buhay ko kaya pwede ba, itikom mo yang bunganga mo!"

At sa sobrang sama ng loob, sinampal niya si Qiao Anhao ng malakas kaya tumilapon ito sa lababo.

Saktong sakto ang lababo sa tyan ni Qiao Anhao…. Kung napalakas pa ng kahit konti ang sampal ni Lin Shiyi, siguradong mamatay ang bata…

Mabuti nalang, alerto rin si Qiao Anhao at bigla niyang hinawakan ang lababo para hidi siya magtuloy-tuloy.

At nang makita niyang muling itinaas ni Lin Shiyi ang kamay nito, bigla siyang pumikit sa sobrang takot. 

Pero imbes na lumapag sa mukha niya ang kamay nito, narinig niya nalang ang malalakas na sampal…

Kaya bigla siyang nanginig sa takot at dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata habang pinapakiramdaman ang kanyang paligid, at doon niya nakita ang isang hindi kapanipaniwalang eksena…

Galit na galit na nakahawak si Qiao Anxia sa kamay ni Lin Shiyi, at sa harapan niya mismo, pinagsasampal ng kanyang pinsan ang malditang si Lin Shiyi ng maraming beses.


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C830
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk