Noong oras na 'yun, ang buong akala niya ay nagdidiliryo lang si Lu Jinnian sa
sobrang kalasingan...
At habang inaalala niya ang mga pagkakataon na muntik na sana nilang
malaman ang mga tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa ay napabuntong
hininga nalang siya at nanghihinayang nagsulat. "Alam mo ba Lu Jinnian, kung
binigyan mo lang ako ng kahit kapiranggot pahiwatig, siguro hindi na natin
kailangan maghintay ng ganito katagal."
Pagkatapos niyang magsulat, may biglang pumasok sakanyang isip kaya muli
siyang nagpatuloy. "Kung talagang gusto mo ako, bakit hindi mo ako
pinaglaban? Gusto mo ba talagang makita akong masaya sa piling ng iba? Isa
pa, kung hindi kami nagdivorce ni Brother Jiamu, ibig sabihin hindi na talaga
tayo pwedeng magkatuluyan?"
Sa ikatlong beses, muli niyang titinulak ang papel palapit kay Lu Jinnian pero
nang sandaling mabitawan niya na ito ay bigla siyang nakaramdam ng hindi
maipaliwanag na takot.
Tama...Buti nalang talaga at pareho sila ni Xu Jiamu na kapatid lang ang tingin
sa isa't-isa kaya walang naging aberya noong sinabi niya ang totoo na kailangan
nilang magdivorce, dahil kung kabaliktaran ang nangyari, malaki ang posibilidad
na tuluyan na silang mawalan ng pagasa ni Lu Jinnian...
Nakita ni Lu Jinnian ang tatlong magkakasunod na tanong ni Qiao Anhao, pero
ilang segundo pa siyang nakatitig sa papel bago niya kunin ang ball pen at
magsulat.
Hindi kagaya sa mga nauna niyang sagot, medyo mas matagal siyang nagsulat
ngayon at ilang beses din siyang napahinto habang nagsusulat. Noong sa
wakas matapos na siya, tinupi niya ang papel at inilapag ito sa harapan ni Qiao
Anhao.
Nang buklatin ito ni Qiao Anhao, tumambad sakanya ang mahabang sagot ni Lu
Jinnian na sa sobrang haba ay napuno nito ang kalahati ng papel.
"Ayoko...Pero noong mga panahon na yun, wala na akong magawa kasi ang
buong akala ko, si Jiamu talaga ang mahal mo. Gustong gusto naman talaga
kitang ipaglaban, pero ayokong masaktan ka. Sa puso ko, sobrang layo ng
lamang sa akin ni Jiamu kaya inisip ko na mas bagay siya sayo kaysa sa akin.
Alam mo ba... Sa totoo lang, hanggang ngayon, iniisip ko na hindi pa rin ako
karapat-dapat para sayo.
"Akala ko, makakalimutan kita kung sakali mang hindi na kita makita kaya
nagpakalayo-layo ako, pero mali pala ako... maling mali... dahil walang araw na
lumipas na hindi kita naisip at kung marunong lang sumigaw ang puso ko,
sigurado akong binging bingi ka na.
Dalang-dala si Qiao Anhao sa sagot ni Lu Jinnian, habang patagal ng patagal ay
paluha ng paluha ang kanyang mga mata.
"Sa tuwing umaalis ka, gustong gusto kong lumuhod sa harapan mo at
magmakaawa na wag mo akong iwanan. Pero naniniwala kasi akong may
dalawang klase ng pagmamahal; una ay ang possessive, at ang pangalawa
naman ay yung accepting. Alam ng Diyos na gustong gusto kitang makuha,
peroayokong maging makasarili, kaya pinili kong tanggapin nalang ang
pinaniniwalaan kong katotohanan.
"Para sa akin, kung masaya ka, mas masaya ako kaya kung alam ko lang noon
na ako din pala ang nagpapasaya sayo, sumpa man, hindi ako magdadalawang
isip na hawakan ang mga kamay mo ng sobrang higpit at hinding hindi na kita
pakakawalan.
"At kung hindi kayo nagdivorce ni Jiamu, hinding hindi na ako magpapakita
sayo ulit at kikimkimin ko nalang ang lahat ng sakit kaysa pahirapan pa kita.
Kasi wala na akong ibang maisip na paraan para maiparamdam sayo kung
gaano kita kamahal bukod sa pag-ako ng lahat ng sakit na posible mong
maramdaman."
Sa totoo lang, sobrang lungkot talaga niya dati kasi akala niya ay mainit lang
talaga ang dugo sakanya ni Lu Jinnian.
Ngayon na alam niya na ang katotohanan, lalo siyang naging emosyunal... dahil
sa likod ng pala ng isang suplado at ilag na Lu Jinnian ay isang Lu Jinnian na
mahal na mahal siya at walang ibang gustong gawin kundi ang protektahan siya
sa lahat ng sakit na pwedeng ibato sakanya ng mundo.
Kaya sa pagkakatong ito, ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan ay tuluyan
na itong tumulo sa hawak niyang papel. Muli, kinuha niya ang ballpen at
nanginginig na nagsulat, "Kung totoong may iba akong makatuluyan, anong
gagawin mo?"
Habang nagsusulat, may isang luha nanaman na pumatak sa papel kaya biglang
nagkalat ang kulay itim na tinta ng ball pen sa parteng 'yun.
Sumagot si Lu Jinnian ng isang napaka simple pero tagos sa puso, "Hindi na
ako mag'aasawa at mas gugustuhin kong maging magisa nalang habambuhay."
-
Pagsapit ng ekstaktong alas siyete, nagpaalam muna si Lu Jinnian na lalabas ng
library para mag'CR.
Mahigit sampung minutong naghintay si Qiao Anhao pero noong wala pa ring Lu
Jinnian na bumabalik, bigla siyang nagaalala kaya kinuha niya ang kanyang
phone para tawagan ito, pero nang itatap niya na ang 'call button', sakto
namang may natanggap siyang text.
[Diba may date tayo ngayong gabi? Hihintayin kita sa school playground ng
seven thirty.]