Ilang sandali pa ang lumipas bago kumurap si Qiao Anhao at muling
magsalita ng mahinahon, "Lalabas na ako bukas."
"Yea."
"Gusto nilang umuwi muna ako sa Beijing para makapagpahiga kaya ilang
araw akong hindi makakapagfilm."
"Okay."
"Alas diyes ng umaga ang flight ko bukas."
"Sige"
"Eh, ikaw? Uuwi ka rin ba sa Beijing?" Matapos magtanog ni Qiao Anhao,
hindi niya na nahintay na makasagot si Lu Jinnian at nagmamadali siyang
bumulong, "Nandito na yung kapatid ko, ibababa ko muna."
Pagkatapos maputol ng tawag, ilang sandali pang pinakinggan ni Lu Jinnian
ang tunog na senyas na wala na sa linya si Qiao Anhao bago niya ito ibalik sa
bulsa niya. Nanatili lang siya sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa
bintana ng kwarto nito. Bandang huli, dahan-dahan siyang yumuko habang
bahagyang tumatawa na sa halatang sobrang nakuntento siya sa naging
paguusap nila.
-
Kinabukasan, sabay-sabay na pumunta sa airport sina Qiao Anhao at ang
tatlong nagalaga sakanya. May dalang sasakyan si Xu Jiamu dahil
nagmaneho lang siya mula Beijing kaya kinailangan niyang dumiretso sa
customs para maipahatid niya nalang ito sa kinauukulan pabalik ng Beijing,
samantalang sina Qiao Anxia at ang nanay nito, Qiao Anhao at Han Ruchu
naman ay nagcheck in muna bago sila pumunta sa isang café para hintayin si
Xu Jiamu.
Kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa rin nakakabalik si Xu Jiamu
dahil masyadong kumplikado ang application para maipahatid ang sasakyan.
Sinubukan nilang tawagan ito para madaliin pero hindi ito sumasagot kaya
makalipas ang isa pang kalahating oras, nagdesisyon na si Qiao Anhao na
puntahan ito.
Pero bago pa siya makarating sa counter, nakasalubong niya na si Xu Jiamu.
Hindi sila pwedeng maglakad ng sabay ni Xu Xu Jiamu dahil makitid lang ang
pwedeng daanan gawa ng napakaraming maleta at trolleys na nakaharang sa
café ng airport. Nasa harapan si Xu Jiamu at noong paliko na sila sa café,
aksidenteng napatid si Qiao Anhao sa binti ng isang lalaki kaya dali dali
siyang tumingin para humingi ng tawad pero bigla siyang natigilan nang
makita niya kung sino ang taong nabangga niya.
Nakaupo si Lu Jinnian habang dahan-dahang humihigop ng kape.
Gusto niya sanang batiin ito pero nang makita niya na nasa malapit lang si
Han Ruchu, hindi niya na itinuloy at tinignan niya nalang si Lu Jinnian na para
bang nagtataka siya kung bakit ito nandoon.
Hindi rin nagsalita si Lu Jinnian at naiintindihan niya na naguguluhan si Qiao
Anhao kaya habang umiinom ng kape, kumatok siya sa lamesa at inilapag
ang kanyang plane ticket.
Sinilip ni Qiao Anhao ng mabilisan ang ticket at nalaman niya na nasa iisang
flight lang sila.
"Qiao Qiao?" Nagtatakang tanong ni Xu Jiamu nang mapansin niya na wala
na si Qiao Anhao sa likod niya.
Dali-daling sumagot si Qiao Anhao pero bago siya maglakad palapit kay Xu
Jiamu, tinignan niya muna ulit si Lu Jinnian at pagkarating nila sa lamesa,
muli nanaman siyang sumilip sa direksyon kung nasaan si Lu Jinnian.
Pagkatapos magbayad ni Xu Jiamu ng bill, lumabas na rin sila kaagad pero
napansin niya na wala na si Lu Jinnian sa kinauupuan nito.
Habang nasa security check sila, tingin ng tingin si Qiao Anhao sa paligid
niya kaya nairita sakanya si Qiao Anxia dahil hindi siya nakikinig sa sinasabi
nito. "Qiao Qiao, ano bang hinahanap mo?"
"Wala?" Umiling si Qiao Anhao habang paikot ikot pa rin ang tingin niya.
Pero mukhang sinuswerte siya dahil habang naglalakad sila papunta sa
boarding gate, muli niyang nakita si Lu Jinnian sa labas ng CR.