Unduh Aplikasi
30.11% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 293: Tignan mong maigi kung sino ako (3)

Bab 293: Tignan mong maigi kung sino ako (3)

Editor: LiberReverieGroup

Kinabahan si Qiao Anhao noong narinig niyang bumukas ang door lock. Medyo nagalangan siya noong una kung bubuksan niya ba ang kanyang mga mata para tumingin sa side view mirror na nasa labas ng bintana. Nakita niya si Lu Jinnian na nakatalikod at bigla niyang naalala ang inihanda niyang sorpresa sa Mian Xiu Garden. Ibinuka niya ang kanyang bibig pero walang lumabas mula rito.

Tumayo si Lu Jinnian sa may bandang pintuan at nakatitig lang siya sa isang baging. Hindi nagtagal, isang malakas na ingay ang bumagabag sa katahimikan ng gabi matapos niyang ibalibag ang pintuan bago siya maglakad papalayo.

Muling nabalot ng katahimikan ang sasakyan. Nakabaluktot pa rin si Qiao Anhao sa back seat at hindi niya pa rin maigalaw ang kanyang katawan. Matapos ang ilang sandali, ikinurap niya ang kanyang mga mata at dahan-dahang bumangon ng may namumutlang mukha. Inayos niya ang kanyang damit at nagipit ng buhok. Medyo matagal din siyang blangko habang nakaupo sa backseat bago niya maisipang lumipat sa driver's seat at umuwi nalang sa Mian Xiu Garden.

Samantalang si Lu Jinnian naman ay pumara ng isang cab para bumalik sa Huan Ying Entertainment.

Agad siyang naglakad papasok ng building pagkatapos na pagkatapos niyang magbayad sa cab. Medyo inaantok na ang security gurad na naka'night duty kaya noong sandaling nakita nito na may taong papalapit ay umiling ito para mahimasmasan. Pero bigla itong naging alerto matapos nitong marealize na si Lu Jinnian pala ang naglalakad papalapit. "Mr. Lu."

Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang security guard at nagpatuloy lang sa paglalakad papuntang elevator.

Tahimik na ang buong building dahil magaalas onse na ng gabi. Paglabas ni Lu Jinnian ng elevator, wala siyang ibang pupuntahan kundi ang kanyang office pero noong sandaling nadaanan niya ang office ni Song Xiangsi, napansin niyang bukas pa ang mga ilaw at mayroon din siyang naririnig na mga bumubulong sa loob ng office nito.

Biglang nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at kumatok siya sa pintuan nito. Tumahimik ang boses na naririnig niya at matapos lang ang tatlong segundo ay kalmadong sumagot si Song Xiangsi. "Sino yan?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian, itinulak niya lang ang pintuan at naglakad papasok.

Mag-isa lang si Song Xiangsi sa office niya. Nakasuot siya ng kulay puting maxi dress na napapalibutan ng mga diamante, kumikinang ang mga ito sa tuwing natatamaan ng ilaw na nanggaling sa office lamp. Nakasandal siya sa sofa at may isang twelve inch na cake na nakapatong sa coffee table na nasa tapat niya. Nahipan na ang mga kandila ng cake at sa tabi naman nito ay mayroong isang bote ng red wine at isang wine glass. 

Halatang marami na siyang nainom dahil dilated na ang mga pupils ng kanyang mga mata. Noong nakita niya si Lu Jinnian, bigla siyang ngumiti at lalo pa siyang nagmukhang kaakit akit. "Mr. Lu? Anong ginagawa mo dito ng ganito ka'late?"

Sinilip ni Lu Jinnian ang cake bago siya nagpatuloy sa paglalakad papunta sa coffee table para tignan ng malapitan ang cake at red wine. Walang emosyon siyang nagtanong, "Birthday mo ba?"

Natatawang ngumiti si Song Xiangsi kay Lu Jinnian habang unti-unting ibinababa ang hawak na wine glass ng kanyang mga daliring mayroon ding dyamante. Tumingin siya kay Lu Jinnian at inilapag ang wine glass sa coffee table bago sumagot, "Birthday ng isang kaibigan."

Kumuha si Song Xiangsi ng isa pang baso sa ilalim ng coffee table at iniabot kay Lu Jinnian. "Want some?"


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C293
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk