Unduh Aplikasi
23.53% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 229: Suspected Love (17)

Bab 229: Suspected Love (17)

Editor: LiberReverieGroup

Pagkapasok ni Qiao Anhao ng washroom, sinundan siya ni Lin Shiyi kasama ang manager at assistant nito. Noong nakita nitong natumba na si Qiao Anhao, tinawag nito ang kanyang manager at assistant para bigyan sila ng signal na kumilos na. Pumunta ang dalawa sa harap at hinawakan si Qiao Anhao, itinago ng mga ito ang mukha niya sa pamamagatan ng sarili niyang buhok para magpanggap na inaalalayan lang siya ng mga ito. Habang ang lahat ay abala sa hot spring at walang nakakapansin, nagmamadali nilang dinala si Qiao Anhao sa van ni Lin Shiyi pabalik sa hotel ng mga crew.

Sumakay si Lin Shiyi ng elevator habang hila-hila si Qiao Anhao. Ginamit niya ang access card ni Producer Sun para buksan ang kwarto nito at saka inihagis si Qiao Anhao sa kama, agad rin niyang isinara ang pintuan na nasa tabi niya.

Pagkabalik ni Lin Shiyi sa kanyang kwarto, kinuha niya ang kanyang phone at nagtext kay Producer Sun, [Mr. Sun, may inihanda akong sorpresa para sayo at naghihintay na ito sa iyong kwarto ngayon. Enjoy!]

Nakaramdam na ng pagod si Producer Sun dahil sa hot spring kaya umahon na siya at pinatuyo ang tumutulo niyang buhok bago pumunta sa locker. Pagkabukas niya ng kanyang phone, nakita niya ang text ni Lin Shiyi na ipinadala ten minutes ago.

Matagal tinignan ni Producer Sun ang kanyang phone at nagmamadaling nagbihis ng kanyang damit at nagbayad ng bill. Sinabihan niya ang kanyang assistant na mauuna na siyang bumalik sa hotel.

-

Malalim ang naging paguusap ni Zhao Meng at ng mga iba pang nandoon kaya napansin niya lang na wala na pala si Qiao Anhao noong pagkaahon niya. Kanina pa ito pumunta sa washroom pero hanggang ngayon hindi pa rin ito bumabalik. Naglakad lakad si Zhao Meng para maghanap pero kahit na pagktapos niyang malibot ang washroom, hindi niya pa rin makita si Qiao Anhao. Patuloy siyang naglakad lakad para hanapin ang kanyang kaibigan pero hindi niya talaga ito makita.

Bumalik si Zhao Meng sa locker area at nakita niya na ang mga damit at gamit ni Qiao Anhao ay nandon pa.

Nandito pa ang mga gamit niya kaya baka nandito pa siya! Bumalik si Zhao Meng sa hot spring para hanapin si Qiao Anhao.

Medyo matagal na din ang lumipas at nagaalisan na ang mga tao.

Binati ni Zhao Meng ang isang familiar na crew na nakita niya noong naghahanap siya kay Qiao Anhao. Dahil hindi niya pa rin mahanap ang kanyang kaibigan, lalo pang tumindi ang kanyang pag-aalala.

Kinakabahan at nagaalala, kinutuban si Zhao Meng ng masama. Pabalik na sana siya sa hot spring nang bigla siyang pinigilan ni Song Xiangsi. "Zhao Meng, umalis na ang lahat, bakit babalik ka pa roon kung nanggaling ka naman na roon?"

Napahinto si Zhao Meng, at sumigaw, "Sis Xiangsi, hindi ko mahanap si Qiao Qiao."

Hindi ba nakikipagusap lang sa iba pang mga babae si Ms. Qiao kanina? Tsaka, paano naman mawawala ang ganon na katanda?" Napatigil si Song Xiangsi ng sandali at nanghula, "Baka nagkaroon siya ng emergency kaya hindi na siya nakapagpaalam sayo?"

"Pero ang mga damit at gamit niya ay nasa locker pa!" Napatigil si Zhao Meng bago itinuloy, "Kung nagbihis siya, hindi sana ako magaalala, pero hindi naman siya yung klase ng tao na maglalakad ng nakaswimming suit lang."


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C229
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk