Nagdalawang-isip si Qiao Anhao kung kakatok siya para makuha ang gamit niya, ng biglang bumukas ang pinto. Hinagis ni Lu Jinnian ang mga gamit niya. Agad na nagsara ang pinto bago pa siya makapagisip ng maayos.
Hindi nakasara ang bag niya kaya nalaglag ang mga gamit niya sa sahig.
Nagulat siya sa bilis ng pangyayari, nang bumalik siya sa kanyang sarili. Lumuhod siya para ilagay sa bag ang nagkalat na gamit.
Pagkatapos, mailagay sa kanyang bag, sumulyap siya sa pintuan ng mansyon saka ito tumalikod at umalis.
Matapos bumalik ni Lu Jinnian sa kwarto, kumuha ito ng sigarilyo sa lamesa malapit sa kama, nakita niya ang gamot sa lamesa. Bumili si Qiao Anhao ng gamot para sa kanya. Sumama ang tingin niya sa gamot at kinuha niya ito saka tinapon. Naglakad ito papunta sa bintana, humithit ng sigarilyo at habang pumapasok ang usok sa katawan niya ay saka siya kumalma.
Mula sa bintana, kita ni Lu Jinnian ang likurang bahagi ni Qiao Anhao na papaalis. Nanginginig ang mga daliri niya ng humithit siya ng sigarilyo. Lumabas ang usok sa kanyang bibig bago niya mabagal na hinapan.
Nababalot ng usok, nakikita niya parin si Qiao Anhao na pumapasok ng kotse. Matapos ng kalahating minuto, umandar ang kotse at umalis.
Nanigarilyo si Lu Jinnian hanggang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Qiao Anhao. Pinatay niya ang sigarilyo sa ashtray. Tumayo siya sandali sa balkonahe saka kinuha ang telepono. Tumawag siya, sinabi niya, "Iwanan ninyong blangko ang second female lead role para sa 'Alluring Times', may naisip na akong tao para diyan.
"Saka ayusin mo ang iskedyul ko, gusto kong umarte para sa second lead role ng 'Alluring Times'.
"Wala namang mali kung aarte ako ng second lead role, mahabang panahon na ko umaarte ng lead role, gusto ko namang maiba. Wala akong balak kumuha ng iba pang pelikula."
"Okay, ito lang muna. Gawin mo muna ang pinapagawa ko."
Bago pa man makapagsalita ang nasa kabila ng telepono ay binaba na ni Lu Jinnian ang tawag.
Matapos niyang gumaling sa kanyang lagnat. Hinagis niya ang telepono sa kama bago nahiga sa kama dahil sa pagod. Kahit paano, hindi niya namalayan na tumingin ang mga mata niya sa basurahan.
Tinignan niya ang basurahan ng mahabang oras bago kinuha ang ang kahon ng gamot sa lagnat sa loob nito.
Hindi maganda ang tingin ni Lu Jinnian nang makita niya ang kahon.