Habang binabalikan niya ang tungkol sa gabing kasama niya si Yao Anqi, itinango ni Mo Zixi ang kanyang ulo, "Hindi malilimutan!"
Hindi siya kailanman nagnais ng mga ganoong bagay noon dahil sa naniniwala siya na ang lalaki ay kinakailangan na maging lohikal. Pero, mula noong maramdaming pagtatagpo nila ni Yao Anqi noong gabing iyon, napagtanto niya na ang pagpipigil niya nitong mga nakaraan ay basura.
Kung pwede lang siya makapagpaalam ng 3 araw, igugugol niya ang 3 araw na iyon sa kama!
"Oh, siya nga pala, yung bagay na ipinakiusap mo sa aking gawin, napatos na. Pero, sino ang kumalaban sa aming Young Master Mo ng labis nakailangan niyang magbalak laban sa kanila ng ganito?" tanong ng kasamahan ni Mo Zixi.
"Nagbibigay lamang ako ng mata sa mata, ngipin sa ngipin," tumawa si Mo Zixi habang tinatapik niya ang kanyang kasamahan sa balikat. "Salamat, brother."
"Hindi mo kailangan magsabi ng mga bagay na tulad niyan."