Ayon sa huwad na pagkatao ni Tangning, si Han Xiuche ay nakasisiguro na si Tangning ay hindi magpapakita sa sinehan. Kung magpapakita ito, sasabihin ng mga tao na nilalabag nito ang karapatang pantao sa pamimilit sa isang tao na lumuhod at sa huli ay muli na naman itong mapupunta sa pinakamainit na searches.
Higit sa lahat, dahil sa napakaraming tao na naririto, paanong magkakaroon ng lakas ng loob si Tangning na magpakita dito?
"Kung si Tangning ay hindi pupunta, kung ganon tapusin na natin ang pag aaksaya ng panahon ng bawat isa. Kung maglalakas siya ng loob na magpunta, ibubunyag ko pa ang napakarami niyang nakakahiyang sekreto sa publiko!"
"Gusto kong malaman kung ano pang ibang nakakahiyang sekreto ang mayroon ako. Paanong hindi ko alam ang tungkol sa kanila? Bakit hindi mo ako paliwanagan?" Biglang pag alingawngaw ng boses ni Tangning mula sa karamihan ng tao.