Inaasahan na ni Duan Jinghong na si Song Xin ay papasok sa backstage, kaya ang ibang babae sa AOB ay hindi nagbura ng kanilang mga makeup upang ipakita ang kanilang team spirit. Hindi nila hahayaan na harapin ni Duan Jinghong si Song Xin na mag isa.s
Hindi…
…para maging eksakto, naghintay na siya ng napakatagal para sa pagkakataong ito upang pira pirasuhin si Song Xin.
Maya maya pa. Mayroon ng kaguluhan sa labas ng pinto ng waiting room, halatang, hinaharang ng mga kawani ng concert mula sa pagpasok si Song Xin.
Ang mga babae ay nagkatinginan sa isa't isa. Ang lider ng grupo ang pinakamatapang sa lahat, kaya kaagad itong tumayo mula sa kanyang makeup desk, lumakad patungo sa pintuan at sinabi sa ibang babae, "Hayaan ninyong ako ang magbukas ng pinto."