Nang gabing iyon, nang ang lahat ay tahimik na at lahat ng mga bisita ay nakaalis na ng silid ng hospital, sa wakas ay napansin ni Tangning ang pagod na ekspresyon ni Mo Ting.
"Matulog ka muna ng kaunti. Kung pananatilihin mong nakabukas ang mata mo tulad nito, masyado mong papagurin ang sarili mo bago ipanganak ang baby," kumikirot ang puso ni Tangning habang kinakausap si Mo Ting, "Hindi naman ako ganoon kaselan."
"Gusto kong makita ang ating anak sa sandaling siya ay ipanganak," hinahaplos ni Mo Ting ang likod ng kamay ni Tangning sa kanyang pisngi. "At saka, napapansin kong ikaw ay nagkakaroon ng pananakit dahil sa paglalabor, ngunit hindi naman kita magawang tulungan. Sa tuwing naiisip ko ang tungkol dito, nakakaramdam ako ng kaunting pagkakasala at hindi ako makatulog."