"Sa palagay mo, ang hindi mo pagtingin sa mga mata ko, maiiwasan mo ang katotohanan na pumunta ako para hanapin ka," Suot ni Mo Ting ang dark blue tailor-made suit na may makapangyarihang presensya.
Natakot ng konti si Yue Shanshan ngunit tinipon ang kanyang lakas ng loob upang tumingin sa mga mata ni Mo Ting.
Tiningnan ni Mo Ting si Yue Shanshan at iniabot ang kontrata sa kanya, "binigyan kita ng umento."
"Bakit…"
"Dahil gusto kong bilhin ang iyong katapatan,"tuwirang sagot no Mo Ting habang nakatitig sa kanya. "Batay sa katotohanan na tayo ay naging mag kaklase, hindi ko na papansinin ngayon ang ginawa mo sa likod ng eksena. Pero…limitado lang ang aking pasesnsya!"
"Hi…Hindi ko maintindihan ang ang sinasabi mo."
Nang oras na iyon, hindi sumagot si Mo Ting, ngumiti lang ito. Ang mga ngiti nito ay tama na upang makita niya ang kanyang pagkasira. Sa ilang sandaling iyon, natuktukso na siyang ilabas ang katotohanan, ngunit…