Sa pagbabalik ni Mo Ting, pakiramdam ni Tangning na para bang natanggal na ang pasan niya sa kanyang mga balikat. Nanatili ang mag – asawa sa yakap ng isa't isa hanggang sa tumawag na si An Zihao kay Tangning upang sabihin na kinakailangan na niyang magmadali.
"Lumarga ka na. Pagkatapos kong magpalit ng damit, kailangan kong pumunta sa opisina," malumanay na tugon ni Mo Ting.
Tumango si Tangning. Ang pag – alala niya nitong mga nakaraan, ay ganap nang nawala. Noong hindi pa sila nakakakilala ni Mo Ting, si Han Yufan ang kanyang nakasama sa loob ng matagal na panahon, subalit … hindi siya kailanman nakaramdam ng ganito; na para bang ang kanyang puso ay nakatali kay Mo Ting at sa tuwing may mangyayari sa kanya, tila ba biglang hinihila ang kanyang puso.
Nang maalala niya na naghihintay para sa kanya si An Zihao, kumawala siya mula sa yakap ni Mo Ting at umalis.