Unduh Aplikasi
2.66% Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 34: Ipagbibili Niya Ako

Bab 34: Ipagbibili Niya Ako

Editor: LiberReverieGroup

Mahinahon niyang nilingon ang dalawa at sinabi lamang, "Nasa First Class ako."

Hindi mapigilang humalakhak ni Long Jie na kasalukuyang kasunod ni Tangning. Pagtapos ay iwinagayway niya ang kanilang boarding passes na nasa kamay niya habang sinasabi, "Ipagpatawad n'yo, nasa first class din kami. Maging masaya sana kayo dito sa Economy…"

Saka lang napagtanto ni Lin Wei na na – upgrade din ang kanyang plane ticket pagkatapos niyang makasakay ng eroplano. Nang makita niya ang naguguluhang ekspresyon sa mukha ni Mo Yurou, labis siyang nasiyahan. Ito ang unang pagkakataon, bilang manager ng isang artist, na mas maganda pa ang pagturing sa kanya kaysa sa CEO ng agency!

Pinanood lang ni Mo Yurou ang pagpasok ng tatlo sa First Class Cabin bago may paghihinala na nilingon si Han Yufan, "Ano ang nangyari? Diba sabi nila na wala ng first class? Hindi ba ang nag – book ng ticket ni Tangning ay ang agency?"

"Hindi ko din alam ang nangyayari," bigong tugon ni Han Yufan.

"Sobra akong nagagalit!" balak ni Mo Yurou na ipakita kay Tangning kung gaano silang dalawa ni Han Yufan nagmamahalan, sino ang mag – aakala na, hindi pala nila ito makakatabi bagkus ito ay na – upgrade pa sa First Class Cabin.

Inakala din ni Tangning na puno ng tao ang First Class Cabin, ngunit, habang naglalakad silang tatlo papasok, napagtanto niya, na bukod sa kanila, walang ibang pasahero ang naroon.

"Tangning, baka ma – upgrade din ang walang hiya at ang hampas lupang iyon, sa palagay mo?" Kahit na ang First Class Cabin ay pinaghihiwalay lang ng isang sliding door, malinaw na walang ibang pasahero dito, kaya naman nag – aalala si Long Jie.

"Miss, 'wag ka pong mag – alala. Para hindi maistorbo ang pagpapahinga ni Miss Tang, binayaran na po ni Mr. Mo ang buong First Class Cabin, walang ibang pasahero ang maaaring pumasok dito," pagpapaliwanag ng air – hostess kay Long Jie.

Pagkatapos marinig ni Long Jie ang paliwanag ng air – hostess, hinawakan niya ang kanyang ulo na para bang sasabog …

"Tangning, napakaswerte mo!"

Makikita sa buong mukha ni Lin Wei ang naguguluhang ekspresyon. Nang magtatanong na siya kung ano ang nangyayari, mula sa banyo ng private room ng eroplano, lumabas ang isang respetadong lalaki na nakasuot ng brown suit. Mayroon itong kalmadong ekspresyon at napakagwapong mukha. Sa kanang bahagi ng kanyang tenga kapansin – pansin ang isang itim na nunal, na maaaring ikumpara sa isang nangniningning na itim na dyamante.

Dear god … ito ang CEO ng Hai Rui Entertainment! Isang alamat sa Entertainment Industry!

Parang masisiraan ng bait si Lin Wei, hindi niya kailanman naisip, na makikita niya si Mo Ting sa ganiton uri ng mga pangyayari.

Lalo pa siyang naguluhan, nang makita niya ang reaksyon ni Tangning sa biglaang pagpapakita ni Mo Ting sa loob ng Cabin, dahil hindi niya naramdaman na parang hindi ito pamilyar kay Mo Ting, bagkus ay masayang – saya ito, "Mr. Mo, maaari mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit bigla ka nalang nawala ng wala man lang pasabi kaninang umaga at biglang susulpot dito?"

"Mrs. Mo, parang ayaw mo akong makita?" maginoong kinuha ni Mo Ting ang kanyang bag mula sa kanyang kamay.

"Hindi naman sa hindi kita gustong makita, nabigla lang ang konti … mukhang napakagaling humanap ng mga paraan ni President Mo na makasama ako," magiliw na kinabit ni Tangning ang kanyang mga braso sa braso ni Mo Ting habang papasok sila sa isang maliit na silid at isinara ang pinto.

"Sila …" pakiramdam ni Lin Wei na para bang hindi gumagana ang utak niya sa mga oras na iyon.

"Hindi pa yata siya opisyal na naipapakilala sa'yo ni Tangning?" taas kilay na pagtatanong ni Long Jie kay Lin Wei, "Ang CEO ng Hai Rui Entertainment, ang big boss ng Entertainment Industry, ay asawa ni Tangning. Noong una kong malaman, mas nabigla ako kaysa sa'yo."

"Kailan … pa sila nagpakasal?" pag - uusisa ni Lin Wei.

"Noong araw din na dapat magpapakasal si Tangning kay Han Yufan, si Han Yufan at si Mo Yurou ay nagtataksil na ng mga panahon na iyon sa likod ni Tangning. Masyadong dinamdam ni Tangning ang lahat ng nalaman niya. Kaya… ipinakasal na lang niya ang kanyang sarili. Ngayon, malinaw na, nagpakasal siya sa tamang tao. Pero, ang kasal nila ay biglaan, kaya walang nakakaalam nito na kahit sino." Pagpapaliwanag ni Long Jie kay Lin Wei. Pagkatapos ay nagdesisyon siya na paalalahanan ito ng ilang mga bagay.

"Dahil ipinagbigay – alam na sa iyo ni Tangning ang bagay na ito, isa lang ibig sabihin nito, kinikilala na niya ang iyong kakayahan. Tulad ng iyong nakikita, kahit na kasal si Tangning kay Mo Ting, hindi niya kailanman inisip na umasa dito – kaya sa lahat ng pagkakataon, ang tanging inasahan lang niya upang makarating sa kinaroroonan niya ngayon ay ang kanyang sarili. Lin Wei, isang hiyas si Tangning, sa lalong madaling panahon siya ay tatayo sa pinaka tugatog sa mundo ng pagmomodelo, kaya naman… dapat mong alamin kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin.."

Napabuntong – hininga na lamang si Lin Wei. Natalo siya kay Tangning.

Binigyan siya ni Tangning ng pinakamatamis na kendi sa pamamagitan ng pagpapaalam nito sa kanya ng kanyang lihim, ngunit sa parehong oras, binigyan din siya nito ng maagang sampal sa mukha – kahit na hindi umasa si Tangning kay Mo Ting, asawa pa rin nito si Mo Ting. Walang asawang lalaki ang titingin na lang kapag inaabuso ng na ng iba ang kanyang asawang babae. Kaya, hinding – hindi niya pagtataksilan si Tangning.

May biglang dumaan sa isipan ni Lin Wei …

Alam na ni Long Jie ang iniisip ni Lin Wei…

"Sa mga oras na ito, iniisip mo yata; ang walang hiya na iyon at ang hampas lupa ay mga f*cken stupid, tama?" umikot ang mga mat ani Long Jie, "Alam mo ba na sa tuwing ginagawa ni Mo Yurou ang "Huwag kang makipag – away sa akin, hindi mo ako kaya" na mga tingin? Natutukso akong sabihin sa kanya na huwag siyang maging tanga!"

Tumango si Lin Wei para ipakita kay Long Jie na sumasang – ayon siya. Ito mismo ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon, sa katunayan, naramdaman niya ito ng may pagkasabik!

Bukod sa pagiging bulag nitong mga nakaraang mga taon, maaari ng ituring na si Tangning na ang may pinakamataas na antas ng EQ at IQ sa loob ng industriya. Gayunpaman, sinong mag – aakala, na sa tahanan nito, may isang tao siyang kasama na maaaring ihanay sa antas ng isang hari. Paano ang mga mabababang uri ng tao na katulad ni Han Yufan at Mo Yurou maihahalintulad sa kanya?

Gaano pa karaming mga sorpresa ang itinatago ni Tangning na hindi pa nito ibinubunyag? Katulad na lamang nito, na kasal na pala siya kay Mo Ting. Kung si Lin Wei ang nasa kanyang katayuan, pagkatapos niyang makakilala ng mga walang hiyang lalaki sa kanyang nakaraan, maging siya ay papayag!

Dahil sa presensiya ni Mo Ting, pakiramdam nina Lin Wei at Long Jie ay mas maliit sila kaysa sa karaniwan. Kinailangan pa ni Lin Wei na maghanap ng isang tahimik na lugar upang maupo at iproseso ang lahat ng kanyang mga nasaksihan.

Sa loob ng private room, nakahiga si Tangning sa ibabaw ng katawan ni Mo Ting. Hindi niya inakala na ibabalot ni Mo Ting ang sarili niya upang ipadala sa kanyang mga kamay.

"Nasorpresa ka ba?" tanong ni Mo Ting habang dahan – dahan nitong hinahaplos ang likod ni Tangning.

"Uh huh." Nasa gitna ng malalim na pag – iisip si Tangning, pero nakadama siya ng sobrang init sa kanyang puso dahil alam niya kung gaano kaabala ito, "Ting, hindi mo kailangan gawin ito, kaya ko naman alagaan ang aking sarili."

"Bagong kasal tayong dalawa, hindi dapat tayo naghihiwalay… at saka, gusto kong bigyan ka ng sorpresa. Syempre, ang paraan ng pagtawag mo sa akin ngayon … ay mas gusto ko, maaari mo ba sabihin ito ulit?" ibinaluktot ni Mo Ting ang kanyang kamay sa ilalim ng pang ani Tangning habang sinasabi niya ang kanyang kahilingan.

"Ting…" pag – uulit ni Tangning. Dahil dito, ang puno ng damdaming halik ni Mo Ting ay lumapat sa mga labi ni Tangning.

"Gusto ko ring halikan ka…"

Madaling mawalan ng hininga kapag nakasakay sa isang eroplano, kaya naman, hindi rin nagtagal bago pinakawalan ni Mo Ting ang mga labi ni Tangning at niyakap na lamang niya ito, "Matulog ka na muna. Sa sandaling dumating ka sa US, magiging abala ka na."

"Paano ka? Pupunta ka lang ba doon para samahan ako?" tanong ni Tangning habang lumingon para makita si Mo Ting.

"Kung … maraming subsidiaries ang Hai Rui sa States, kahit na ako ay mag – inspeksyun lamang sa bawat isa, ito ay aabutin ng isang lingo." Sa katunayan, ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin niya ay ang pagbili ng insurance para sa mga binti ni Tangning, "Mayroon akong ari – arian sa US. Kung magkakapag – isip ka ng magandang dahilan na pumunta at tumira kasama ko, ito ay mas perpekto…"

"Habang kasama ko ang buong team ng Tianyi, nangangamba ako na ang mga bagay ay medyo magiging mahirap. Ang nakatatandang kapatid ni Han Yufan, si Han Rouxue, ay medyo nakakatakot," tugon ni Tangning. "Bagaman ang relasyon ko sa kanya dati ay medyo maganda, sa huli, siya ay kapatid na babae pa rin ni Han Yufan. Kapag hiniling ni Han Yufan, ipagbibili niya ako para maging backdrop ni Mo Yurou.

"Pero, wala naman sa mukha mo ang natatakot…" pagtitiwala ni Mo Ting sa kanyang munting asawa.


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C34
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk