Unduh Aplikasi
2.35% Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 30: Pagbabahagi ng Entablado kay Mo Yurou

Bab 30: Pagbabahagi ng Entablado kay Mo Yurou

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos na ilabas ni Tangning ang eskandalo, napilitan si Mo Yurou at ang Tianyi na harapin ang pinakamasamang hatol na mararansan nila sa labas ng kompanya. Ito ang pinakamalaking krisis na hinaharap ni Han Yufan mula noong una niyang itinatag ang Tianyi kung kaya't labis na lamang ang kanyang pagkasuklam kay Tangning

Dahil sa pangyayaring ito, nagpatawag kaagad ng emergency meeting ang mga matataas na opisyal ng kompanya. Sa kabilang banda, tinawagan ni Han Yufan ang kanyang kapatid na babae na naninirahan sa ibang bansa upang humingi ng tulong.

"Yufan, nablitaan ko ang mga panyayari. Mayroong matibay na ebidensyang hawak si Tangning. Tungkol sa insidenteng naganap, hindi mo naitago ng mabuti ang iyong mga sekreto kung kaya hinayaan mo ang ibang tao na makahanap ng katibayan laban sayo. Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga pangyayari, kailangan mong matutunan na tantiyahin ang sitwasyon. Kailangan mong bigyang linaw ang mga ito, ikaw ang boss ng kompanya. Kahit gaano man kasikat si Tangning, siya ay isang modelo lamang at ang kanyang kapalaran sa larangang ito ay nasa iyong mga kamay."

"Ano ang dapat kung gawin Jie (ate o nakakatandang kapatid na babae)?" Magulong – magulo ang isipan ni Han Yufan ng dahil kay Tangning at Mo Yurou.

"Una sa lahat, maglabas ka ng pahayag sa publiko na ikaw ay taos – pusong humihingi ng paumanhin. Sabihin mo na itatrato mo si Tangning ng may respeto upang humupa ang galit ng mga netizens. Pagkatapos ay suportahan mo ang kanyang modeling career."

"Pero… hindi sasang - ayon si Mu Yurou," sagot ni Han Yufan habang nararamdaman niya pagsakit ng kanyang ulo.

"Hindi ko sinabi sa'yo na isuko mo si Mu Yurou. Sa kasalukuyan, mayroon akong deal sa isang international magazine at nangangailangan pa kami ng dalawang Asian Model. Gawan mo ng paraan na makadalo ng magkasama si Tangning at Mo Yurou sa shooting. Sa pamamagitan nito, mapapatunayan mo na hindi masyadong malala ang relasyon ng dalawa at sa kabilang banda, ang pagsasama nila sa isang proyekto ay mapag – uusapan. Bagaman, ang magazine na ito ay hindi isa sa may pinakamataas na ranggo pero ito ang magiging daan ni Mu Yurou upang makatungtong sa international limelight na makatutulong sa kanya upang mabigyan siya ng pagkakataon na mapasama sa makakatanggap ng Top Ten Model Awards. Sa ganitong paraan, gagamitin natin ang kasikatan ni Tangning upang palakasin ang pundasyon ng career ni Mu Yurou. Yufan, tandaan mo na ang isang krisis ay maaari din maging isang oportunidad kung ito ay sasamantalahin mo, at sa pamamagitan nito ay patuloy na uunlad ang Tianyi."

Naging malinaw para kay Han Yufan ang lahat pagkatapos niyang marinig ang paalala ni Han Rouxue. "Jie, naiintindihan ko."

"Sa maraming taon ng inyong pagsasama ni Tangning para gumawa siya ng mga bagay na labis ang pananakit at panloloko na ginawa mo sa kanya. Kung gusto mong magloko, hindi kita huhusgahan dahil sa panahon ngayon ay kokonti na lamang ang mga taong may dalisay na puso sa intertainment industry. Hindi ko rin naman inaasahan na maging tapat ka pero bakit mo hinayaan na malaman ni Tangning ang mga panloloko mo? Kung hindi lang kita nakababatang kapatid at kung hindi lang dinadala ni Mu Yurou sa kanyang tiyan ang anak mo ay pababayaan kitang lutasin ang problemang ito," pagbabanta ni Han Ruoxue. "Ito na ang perpektong pagkakataon na hayaan mo sila na magsalo sa iisang entablado at maglaban. Si Mu Yurou ay isang mapagmataas at dumenante dahil sa palagi mo siyang pinagbibigyan."

"Jie… nagdadalang tao si Mu Yurou, nangangamba lang ako na baka makaapekto ito sa kanya"

"Nais ko lamang na ipaalala sayo na si Xin Er ay handa na para sa kanyang kidney transplant. Ayon sa pagsusuri, ang perpektong donor para sa kanya ay si Tangning. Ngunit dahil sa mga pangyayaring ito, sa palagay mo ay papayag pa ba siya na ibigay ang isang bahagi ng kanyang Kidney kay Xin Er?"

Labis na ikinabigla ni Han Yufan ang paalalang ito ng kanyang nakatatandang kapatid, halos nakalimutan na niya ang tungkol dito. Ang pamilya ng Han ay may 3 anak: ang pinakamatanda ay si Han Rouxue na isa nang top – tier manager. Tatlong taon na ang nakakalipas ng anyayahan ito ng isang international company na manirahan sa America. Si Han Yufan naman ang pangalawa sa magkakapatid na kung saan ay imunulat ni Han Rouxue sa pasikot sikot sa entertainment industry. At ang pinakabata naman ay si Han Xin Er na kung saan ay palagiang nasa ospital upang tumanggap ng palagiang atensiyong medical ng dahil sa kanyang mahinang kidney.

"Jie, ano pa man ang nangyayari sa pagitan namin ni Tangning, dahil ipinangako niya na ililigtas niya ang buhay ni Xin Er, hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na magbago ng isip."

Bago ibaba ni Han Ruoxue ang telepono ay sinang – ayunan niya ang sinabi ni Han Yufan. Siya ay nagagalit dito ngunit wala siyang magawa sa kanyang kapatid.

Pagkatapos ng pag – uusap nila ni Han Rouxue, inutusan ni Han Yufan ang kanyang team na maglabas ng pahayag sa publiko na inaamin niya na hindi mabuti ang kanyang pagtrato kay Tangning at labis na niya itong pinagsisisihan. Nakapaloob din dito na itratrato na niya ng may respeto si Tangning. Natapos ang pahayag sa pamamagitan ng paghingi ng Tianyi ng isa pang pagkakataon kay Tangning at sa kanyang mga tagahanga.

Sa kabilang banda, ipinagbigay alam naman ng Tianyi sa publiko na naimbitahan si Tangning at si Mu Yurou ng Secret – isang international magazine na dumalo sa kanilang shooting para maging isa sa mga modelo nito.

Pinag – usapan at muling nanumbalik ang galit ng publiko sa balitang inilabas ng Tianyi na pagsasamahin si Tangning at si Mu Yurou sa isang proyekto, at ang reaksiyong ito ng publiko ay inasahan na ni Han Rouxue. Hindi lingid sa kaaalaman ng marami na nagkaroon ng hindi pagkakaunawan ang dalawang modelo dahil sa iisang lalaki. Maituturing na magkaribal ang dalawa ngunit pinagtambal pa rin sila ni Han Yufan upang magtrabaho sa isang proyekto.

Dear God…

Kahit na muling nanunumbalik ang kasikatan ni Tangning sa pagmomodelo ngunit hindi maikakaila ang katotohanan na naging pamalit lamang siya ni Mu Yurou sa mga nakalipas na taon.

Sa kabilang banda, kahit naging madali para kay Mu Yuruo ang sumikat sa pagmomodelo sa mga nakalipas na panahon ngunit hindi maitatanggi na siya ay isa lamang B – Grade Model. Na kahit na anumang sabihin niya ay hindi siya kailan man napasama sa listahan ng isa sa mga Top Models.

Dahil din sa pagsasamang ito ng dalawang modelo, nagsimulang magkaroon ng pagtatalo ang kani – kanilang mga tagahanga. Ang bawat panig ay hindi nagpapatalo upang maipakita ang kanilang suporta sa hinahangaang modelo.

Sa entertainment industry, hindi maiiwasan na magkaroon ng madalas na pagbabago sa taong nasa rurok ng kasikatan kung kaya't ang nais lamang ni Tangning ay iwasan ang paninirang ginagawa ng Tianyi sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng takbo ng kanyang career at upang mapigilan din ang panghihimasok ni Mu Yurou dito. Naabot niya ang layuning ito ng magdesisyon si Han Yufan na ituring sila ng pantay ni Mu Yurou.

"Tangning, tatanggapin mo ba ang trabahong ito?" tanong ni Lin Wei sa kabilang linya ng telepono. Kahit na malinaw na ang pagbibigay ni Han Yufan ng proyekto kay Tangning sa isang international magazine ay isang pakitang tao lamang, ngunit kapag ito ay tinanggihan niya maaaring makasama ito sa kanyang imahe, "Kahit hindi hinihingi ni Han Yufan ang iyong saloobin sa trabahong ito pero kung ayaw mong gawin, maaari kaming mag – isip ng ibang proyekto para sayo."

"Tatanggapin ko!" sagot ni Tangning.

"Ok, naiintindihan ko. Magandang balita na pumayag kang ibahagi ang iyong entablado kay Mu Yurou. Isa itong oportunidad na makita ng publiko si Mu Yurou. Matutuklasan nila na si Mu Yurou ay marapat lamang na maging isang anino mo!" sagot ni Lin Wei, "Bukas ng umaga, magkakaroon ng pag – uusap ang kompanya at ang secret hinggil sa proyektong iyan. Dadaanan kita pagkatapos kong sunduin si Long Jie."

"Ok" sagot ni Tangning habang tumatango.

Ibinababa na ni Tangning ang telepono at ipinagpatuloy ang pagluluto sa kusina. Kahit hindi siya pinapayagan ni Mo Ting na gawin ito ngunit alam niya sa kanyang sarili na hindi siya maselan kung kaya ang pagluluto niya para sa kanyang asawa ay isa sa kanyang mga karapatan.

Pag – uwi ni Mo Ting napansin niya na abala si Tangning sa pagluluto sa kusina. Agad niya itong nilapitan mula sa likod, niyakap sa baywang at saka inangat at inilagay niya si Tangning sa ibabaw ng kitchen bench at ikinulong ito sa kanyang mga bisig, "Sa hindi pagsunod sa akin, alam mo ba kung ano ang maaaaring mangyari?"

Ipinulupot ni Tangning ang kanyang mga braso sa leeg ni Mo Ting habang iniindayog niya ang kanyang mga binti, "Wag mong sabihin na…. you will "eat" me?"

"Wala kang takot…" sabi ni Mo Ting habang sinusuri si Tangning. Binuhat ni Mo Ting si Tangning patungo sa sala at inilapag niya ito sa sofa, "Ngayon ang araw ng iyong pagbabalik sa entablado kaya wag kang mag – alala, ako ang bahala sa pagluluto ng ating hapunan."

Tumango si Tangning upang ipakita ang kanyang pagsang – ayon habang hinuhubad ang apron sa kanyang katawan upang ibigay kay Mo Ting.

Matangkad at maganda ang katawan ni Mo Ting. Ang mga damit na ginagamit niya sa opisina ay lumalapat sa kanyang malalapad na dibdib at ang nakatagong abdominal muscles nito ang nagbibigay ng dahilan kay Tangning upang hindi iwaglit ang kanyang mga mata sa katawan nito.

Habang nagluluto si Mo Ting, inoobserbahan ito ni Tangning. Ang bawat paghiwa at paghahanda sa mga sangkap ay nagpapakita ng kanyang pagiging kalmado. Bawat galaw at pagkilos ay mabilis ngunit may kasiguraduhan at malinis. Napagtanto ni Tangning na ang lalaking nasa harap niya ay maaaaring ihalintulad sa isang likhang sining.

Pilit na pinakakalma ni Tangning ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso habang patungo siya sa kanilang silid. Nadiskubre niya ang isang kumpol ng red roses sa ibabaw ng kanilang kama.

Tuwang tuwa niya itong kinuha at inilagay sa kanyang mga bisig habang siya sumandal upang amoyin ang mabangong halimuyak na nagmumula rito. Ngunit may napansin siyang isang maliit na pakete sa pagitan ng mga bulaklak. Kinuha niya ito at inusisa… nang mapagtatnto niya kung ano ito ay biglang naramdaman niya ang pag – iinit ng kanyang buong mukha.

Naitanong ni Tangning sa kanyang sarili ang mga katagang "Gusto ba ni Mo Ting na may mangyari na sa kanilang dalawa ngayong gabi?

Dapat ba siyang magpanggap na hindi niya alam na may Durex doon o dapat bang magpanggap siya na wala siyang nakita?...


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C30
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk