"Ano sa tingin mo? Interesado ka bang sumali sa Team Happy namin?" Matapos ipaalam ni Chen Guo sa lahat ang tunay niyang pagkakakilanlan ay kaagad niyang sinapak sa tiyan si Sun Xiang.
Noong nakita ng harap-harapan ni Chen Guo si Lou Guanning ay talagang naranasan ni Chen Guo ang tunay na kapangyarihan ng may-ari ng isang malakas na Team, dahil diyan ay nagiging mapangahas na siya sa paggamit ng kaniyang awtoridad.
"Hmmph, magkikita na lang tayo sa entablado." Malamig na sagot ni Sun Xiang, pero biglang may naisip siya't kaya kaagad niyang dinagdagan ang kaniyang mga sinabi: "Sana'y mangyari nga 'yun."
"Hindi tayo magkikita!" Ngumiti naman si Chen Guo, at sumagot: "Naparito lang kasi ako bilang ang may-ari ng Team Happy."