"Marami nga akong nakitang mga magagandang bagay sa laban na ito!" Sabi ni Yu Wenzhou matapos niyang makita ang paglalaro ni Windward Formation sa laban na 'yun. Syempre, tungkol naman sa lakas ni Wei Chen ay silang dalawa mismo ni Huang Shaotian ang nakasubok na doon, noon.
Anim na taon na ang nakalilipas simula noong huli nilang nakita si Wei Chen. Noon, sina Yu Wenzhou, at Huang Shaotian ay pawang mga binatang sundalo pa lamang ng Team Blue Rain. Pero ngayon ay mga sikat na mala-Diyos na manlalaro na sila ng Alliance.
Sa ngayon ay paniguradong nasa mga trenta anyos na siguro si Wei Chen. Sa buong kasaysayan ng Professional League ay paniguradong siya ang pinakamatandang manlalaro. Dahil dito ay hindi na nangahas silang dalawa na magkomento sa kasalukuyang lakas ni Wei Chen.
Kagaya ng kanilang inaasahan ay natapos ang labanang 'yun sa tagumpay ni Windward Formation, at dahil napawi na ang pagnanasa nilang lahat sa mga tsismis ay naghanda na silang umalis.