Hindi kaduda-duda na ang mga grupo na kasalukuyang nasa Sin City ay ang mga pangunahing grupo na binuo ng mga malalaking guild para sa Christmas Event. Gamit ang mga gantimpalang natanggap nila at matapos ang isang araw na pagpapalakas ay nakaangat sila sa Level 39.
Hindi na kailangang sabihin pa ang dami ng mga pambihirang materyales at kagamitang natanggap ng bawat guild na lumahok sa event.
Dahil sa mga natanggap nilang kagamitan ay karamihan sa mga manlalaro ng mga pangunahing grupo na ito ay may mainam at kompletong kagamitan na. Masasabi na naging mas mahigpit na naman ang labanan sa Sin City.
Ang record na hawak ng Herb Garden ay isang pambihirang record na para sa kanila. Pero kung isang simpleng paglamang lang sa record ang ginawa ng Tyrannical Ambition ay hindi sana hahanga ng ganito katindi ang mga manlalarong nakarinig sa balitang iyon.