Unduh Aplikasi
1.9% The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 33: Nandito siya Para ipahiya ang Sarili niya, Hindi ba?

Bab 33: Nandito siya Para ipahiya ang Sarili niya, Hindi ba?

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos mapatay ang Midnight Phantom Cat, nakapulot siya nang tatlong Midnight Cat Fingernails. Idadagdag sa anim na orihinal niya, kung susumahin, mayroon na siyang siyam. Nakuha na niya ang kaniyang gusto, kaya nakaramdam siya nang saya. Maliban dito, nakaipon din siya nang apat na Midnight Cat Claws. Hindi niya kailangan ito, pero merong tao na may kailangan nito. Pagkatapos niyang sirain ang clear record, naniniwala siyang hindi sila tatanggi sa mga hinihingi niya.

Napaisip si Ye Xiu nang ganito at pinaalis si Lord Grim sa dungeon. Nilog-out niya kay Chasing Haze. Nagpahinga siya nang sampung minuto, at pagkatapos ay bumalik sa beginner village at natuto nang mga kailang skills gamit ang lahat niyang 1255 skill points. Kadalasan, ang mga players ay mayroong 1250 skill points lang kapag narating nila ang Level 20. Pero si Lord Grim ay nakakuha nang skill book na nagbigay sakaniya nang skill points, kaya medyo may sobra sa kaniya.

Pagkatapos matuto, umalis agad siya sa beginner village at opisyal na tumuntong sa mainlang nang Glory.

Simula dito, ang system ay hindi na tutulong para paghiwalayin ang mga tao, ang mga lugar na malapit sa Frost Foresy punong-puno ng mga manlalaro. Madamig dungeons sa Glory ang walang mag-isang fixed entrance. Halimbawa, sa Frost Fores, and buong forest ay dungeon, mapapasukan ito sa kahit na anong direksyon.

"Nasaan na kayo? Nandito na ako sa Frost Forest." Ang mga lugar sa labas ng Frost Forest ay punong-puno nang mga tao. Pagkatapos umalis sa beginner village, ang palengke ay dahan-dahang lumaki. Ang mga lugar sa labas ng Frost Forest ay naging unang palengke. Madaming tao ang naglagay nang kanilang mga paninda at nagsimula ng negosyo. Habang naglalakad si Ye Xiu, napatingin siya sa mga stalls. Ang mga presyuhan ay hindi magandang tignan, ang mga manlalarong walang alam ay takot na bumenta nang mababa kaya sila'y nagpresyuhan nang mataas. Ang mga may alam na manlalaro ay hindi nagbebenta nang mga uncommon materials. Ang binebenta lang nila'y mga equipment na Level 20 pababa.

Pagkatapos manuod nang mga nagbebenta at walang nakitang kaakit-akit. Dumating na ang mensahe ni Blue River, nag nagsasabi kung nasaan sila sa Frost Forest. Mabilis na sumugod papunta doon si Ye Xiu, at noong nakita nang team ni Blue River ang pangalang Lord Grim, sila'y napatuliro. Ang unang eksperto na pumukaw nang kanilang pansin ay masyadong stylish, hindi nagkakatugma ang kaniyang mga kasuotan at equipment. Anong ibig sabihin nito?

Ang apat ay nakatulirong pinapanood ang mga equipment ni Lord Grim. Ang Glory ay walang mga paraan pala malaman o masuri ang profile nang mga manlalaro. Nakadepende lang ito sa talas ng mata at kakayahan nilang mahulaan ang mga equipment sa pamamagitan nang pagtingin sa mga model at detalye. Sa katawan ni Lord Grim ay mayroong limang iba't-ibang klase nang armor: cloth, leather, light, heavy and plate armor.

Ang style na ito ay kadalasang nakikita sa beginner village, pero ang pagsuot nito sa paglabas at pagtuntong sa mailand ng Glory ay napakaabnormal, kasi yung mga umalis na sa beginner village ay nakapagchange class na. Pagkatapos mag change classes, hindi ibig sabihin na ang mga gamit ay hindi pwedeng suotin, ito'y sa kadahilanang ang bawat isang class ay may kani-kanilang equipment na nakatalaga para sa kanila. Minsan, sinusuout nila ang mga ibang equipment para mapuna ang mga special requirements. Pero sa mga manlalarong kagaya ni Lord Grim na ang buong katawan ay nakabalot nang limang uri nang equipment ay hindi umiiral.

Ang apat any nakaupo na para bang wala sa sarili. Dinala na ni Ye Xiu si Lord Grim sa tabi nila at sinabing, "Hello hello" para subukan ang kaniyang mic.

"Naririnig kita." Sagot ni Blue River.

"Hi everyone." Pangungumusta ni Ye Xiu.

"Hi..."

"Ipapakilala ko sila. Bound Boat, Flower Lantern, Thundering Light, silang lahat ay mga dalubhasa galing sa Blue Brook Guild." Pinakilala ni Blue River ang kasapi sa kaniyang hanay.

"Hi everyone, hi everyone. Pwedeng maghintay muna kayo saglit? Pasensya na dito." Sabi ni Ye Xiu at tumigil sa pag-galaw ang kaniyang karakter. At dahil hindi pa nakapasok si Lord Grim, mabilis nilang inilabas ang kanilang damdamin sa party's channel.

"Hindi ba maling tao ang nahanap mo?" Tanong ni Flower Lantern.

"Kalokohan!"

"Hindi pa siya nagchachange class?" Tanong ni Thundering Light.

"Sabi niya gagawin niya daw yun..."

"Kung ganito siya, matutulungan ba niya tayo na sirain ang record?" Nagdadalawang isip na sinabi ni Flower Lantern.

"Kung hindi, ay hindi. Ang totoong dahilan ay para makita natin kung gaano kahusay talaga 'tong taong to." Tugon ni Blur River.

"Ang iba'y hindi alam pero alam ko ang background ng kaniyang ID." Sabi ni Thundering Light.

"Ano?"

"Lord Grim, ibig sabihin ay hindi niya gustong tumawa ang mga manlalaro. Nandito siya para ipahiya ang sarili niya, hindi ba?" Panghahamak na sinabi ni Thundering Light. (TLNote: Another way to translate Lord Grim is Gentlemen, Don't Laugh)

"Wag tayong magsalita nang patapos tungkol sa tao base sa kanyang hitsura. Ang manlalarong ito'y hindi pa nagchachange class, kaya normal lang na ganyan yung equipment niya." Hindi rin alam ni Blue River kung ano ang sasabihin, kaya gumawa siya ng rason para sa kaniyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit ganyan ang sinusuot ni Lord Grim, at kahit na hindi niya maintindihan. Sa buong buhay niya sa mainlang ng Glory, wala pa siyang nakikitang tao na ganon magsuot.

"Ang player na ito ay hindi nag class change, gusto niya bang maglaro bilang isang unspecialized character?" Bound Boat, na walang sinabing kahit na ano, ay biglang nagsimula sa pagsasalita. Siya'y matandang player na madami nang nalalaman sa laro, at alam din niyang may panahon na naging sikat ang mga unspecialized characters.

"Unspecialized player? Wala na ang panahon na iyon! Hindi ba dahil wala pang Level 50 awakening quest, kaya hindi sila nakapagpatuloy sa paglelevel?" Si Flower Lantern ay hindi kasing tanda ni Bound Boat, pero may nalalaman din siya sa panahong iyon.

Sa panahong iyon, noong binuksan ang ikatlong server ng Glory, tinaas nang Glory ang level cap sa pinakaunang pagkakataon. Ang orihinal na Level 50 cap ay tinaasan sa 55.

At para malagpasan nang mga karakter ang Level 50, kinakailangan nilang tapusin ang Class Awakening quest. Ang mga unspecialized characters ay walang Awakening quest, kaya ang kanilang Level cap ay tumigil sa 50. Ang 5 Levels ay maliit na diperensya lang sa equipment at skills, pero yun pa lang ang simula. Habang tumataas ang level cap, mas lumalayo ang diperensya nang mga unspecialized characters at specialized classes. Naintindihan nang lahat na wala nang saysay ang pagiging unspecialized character.

"Hindi kaya gusto niyang maglaro hanggang Level 50 bago magpalit ng class?" Sabi ni Flower Lantern.

"Hindi ba't makululanagan siya ng attribute points sa paglalaro ng ganyan?" Hindi kumbinsido si Thundering Light. Bawat class ay may iba't-ibang attribute growths. Ang kaibahan ng attribues ng isang Level 50 Blade Master at isang Level 50 Elementalist kapag walang equipment ay mahihinuna sa isang tingin. Syempre iba rin ang paglinang ng mga unspecialized characters. Kapag tumama sila sa Level 50 at nagpalit ng class, maaayos ba ang mga attributes na nawala nila sa Level 20-50?

"Sinong nakakaalam...May mga tao pa ba na may pake sa isyung iyan?" Sagot ni Flower Lantern.

Ang lahat ay natahimik, silang lahat ay mga dalubhasa, isa sa pinakamagaling na dalubhasa, pero totoong hindi talaga nila pinapansin ang isyung ito. Hindi nila kinailangan, sino ba namang hindi magpapalit ng class sa Level 20? Wala pa silang nakikitang ganitong tao sa buong buhay nila.

"Bakit pa tayo naghuhulaan dito? Tanungin nalang natin siya ng deretsahan..." Mabilis na lumakad si Flower Lantern papunta kay Lord Grim at sinabi: "Kaibigan, kung magpapalit ka ng class, nagplaplano ka bang maglaro bilang isang unspecialized character?"

Walang sagot.

"Kaibigan, nandiyan ka?" Sigaw ni Flower Lantern.

"Sabi niya maghintay daw tayo kanina. Baka umalis yun." Sabi ni Blue River.

"Kung talagan unspecialized character siya, binibit-bit ba niya ang lahat ng mga armas sa bawat class?" Si Thundering Light ay masayang inikutan si Lord Grim at inusisa. Sa mga oras na ito, ang mga kamay ni Lord Grim ay walang laman, hindi nakahawak ng kahit na anong armas. Sa kadahilanang ang Myriad Manifestation Umbrella ay kinuha na ni Ye Xiu at nilagay sa equipment editor. Ang armas ay hindi na pinapakita ang kaniyang orihinal na imahe, kung hindi isang blueprint nalang, na hinango ng editor. Ang Myriad Manifestation Umbrella ay napakakomplikado, nagpapakita nang ilang pages ng design sa screen.

Sa ngayon, maingat na kinuha ni Ye Xiu ang Midnight Phantom Fingernails at maingat na dinala ito sa nakaumbok na dulo sa katawan ng payong sa Myriad Manifestation Umbrella blueprint.


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C33
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk