Nanigla si Zhang Xuan.
Akala niya na ang batang babae na mukhang kaedad niya ay isang estudyante ng akademyang ito, ngunit sino ang magaakala na siya ay isang guro na pinadala mula sa headquarters!
Ilang sandali lang ang nakalipas ng sinabi niya na ang guro na pinadala ng headquarters ay pangit ng mangyari na ito ay ang batang babae na interesado siya… Hindi niya mapigilan ngunit mailang ng sobra.
Kung ang batang babae sa haraoan niy ay maikukunsidera na pangit, walang sino man sa mundo ang nararapat sa salitang "maganda".
Kahit na ang kanyang balat-kayo ay pinahina ang magagandang itsura niya, ang kanyang espiritwal na disposisyon at eleganteng katayuan ay kumikinang pa din, ginagawang imposible para sa kahit na sino na ilihis ang tingin mula sa kanya.
Pagkita na ang loko-lokong tao sa harapan niya na nagaalala, tumawa ng mahina si Luo Ruoxin bago tumalikod at tumalon sa entablado.
"Sobrang ganda!"