Isang matandang lalaki ang nakaupo sa isang trono sa Tianwu royal palace.
Ang emperador ng Tianwu Kingdom, si Mo Tianxue!
"Sinasabi mo na isang tao ang humamon sa guild leader sa Physician Guild, at nagawa niyang malutas ang labinsiyam na sunod-sunod na mga tanong sa Wall of Dilemma?"
Hindi-makapaniwalang tumitig si Mo Tianxue sa bantay.
Alam din niya ang katotohanan na ang mga tanong sa Wall of Dilemma ay mga mahihirap na karamdaman na nagpahirap sa hindi-mabilang na mga henyong mga physician sa loob ng maraming taon. Kahit na [umunta ang isang 4-star, malamang hindi niya magagawang malutas ang lahat ng ito sa isang subok lamang. Ngunit, isang mukhang hindi magaling na tao ang nakalutas ng labinsiyam na sunod-sunod na mga tanong. Higit pa rito, ang mga solusyon niya ay nasa lebel ng Perfect…
Kabaliwan ito!
"Isa itong katotohanan!" isang lalaking may kulay abong balabal ang magalang na pinagsaklob ang kanyang mga kamay.