"Guro, ang spear technique na ito..."
Sa pagpasok niya, hindi na niya mapigilang mag-usisa.
"Ang technique na iyan ay kagagawa ko lamang. Ipapaliwanag ko sa iyo ang cultivation method ngayon na!"
Ibinigkas ni Zhang Xuan sa kanya ang cultivation technique nang isang beses.
"Ito... Ito..."
Nang marinig ang buong cultivation method, nanigas si Zheng Yang.
Sadyang napakalalim ng spear technique na ito. Lahat ng mga ibang spear art na natutunan niya noong nakaraan ay basura kumpara dito.
Noon, inakala niya na magulo at hindi maganda ang anyo ng technique na ito, ngunit hindi ito totoo.
Ang pokus ng technique na ito ay hindi ang anyo. Maaari itong magawa ng isang tao ng maganda o hindi kaaya-aya. Kahit na isa lamang ang atake dito, nahihigitan pa din nito ang karamihan ng mga spear technique. Hindi lamang madaling gamitin ang atakeng ito na may maraming anyo, mayroon din itong taglay na hindi natitinag na lakas.