Mukhang alam na ni Ling Tianyu na ang old master ay isa palang master teacher, yun ang dahilan kung bakit siya sumugod dito.
Dahil dito, tumaas din ang katayuan niya.
Subalit, inaasahan na nila yun. Kung sabagay, naging butler siya ng isang master teacher, isang tao na pagkakaguluhan kahit na ng punong ministro ng kaharian. Kahit na gaano pa kagaling si Ling Tianyu, isa lamang siyang mangangalakal. Ano pa bang ikakatakot niya sa kanya?
Naglaho ang lahat ng takot ni Sun Qiang nang maisip niya ang mga bagay na ito. Tumayo siya ng tuwid at nagmamalaking sinabi na, "Paumanhin ngunit natutulog na ang old master. Nagbigay siya ng malinaw na kautusan na hindi siya makikipagkita sa kahit sino. Paumanhin, pero nagsayang lang si Lord Ling ng panahon sa pagpunta dito."
Napakasaya!
Talagang napakasaya nito!