Karaniwan, kapag gusto ng isang tao na kumuha ng pagsusulit para maging isang 1-star apothecary, kailangan na may isang 2-star apothecary para panoorin ang ang magiging takbo ng pagsusulit.
Subalit, sasabak sa Pill Debate si Zhang Xuan sa halip na sa tradisyonal na Pill Forging. Dahil dito, mga 1-star apothecary ang kailangan para isagawa ang kanyang pagsusulit. Gayunpaman, ang buong pagsusulit ay kailangang irecord gamit ang isang Record Crystal, para makita at makumpirma ito ng headquarters. Sa katunayan, may ilang mga apprentice apothecary na pinapayagang makita ito at kapag napatunayan na sinadya ng ilan sa mga examiner na dalian ang mga tanong sa pagsusulit, ang lahat ng mga apothecary na may kinalaman sa pagsusulit ay tatanggalin sa posisyon at mapapatalsik mula sa guild.
Ito ang dahilan kung bakit walang nangangahas na maghinay-hinay sa isang Pill Debate. Kahit na gaano pa kalakas ang kapit ng isang examinee, ayaw nila at hindi nila ito magagawa.