Unduh Aplikasi
1.81% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 41: Ang Treasure Speculation

Bab 41: Ang Treasure Speculation

Editor: LiberReverieGroup

"Talaga bang nakakabilib yung sinasabi niyong Master Mo Yang?" Nagdududang tanong ni Zhang Xuan.

Ang magawang mapakilos ang maraming tao at maging dahilan ng pagwawala nila, sino ba 'tong si Master Mo Yang na 'to? Anong klaseng salamangka ba ang meron siya?

"Oo, siya ay sobrang nakakabilib!" Maririnig mo sa tono niya ang matinding paghanga. "Siya ay isang ekspertong mag-aalahas!"

"Mag-aalahas?" Tumango si Zhang Xuan.

Ang pagiging mag-aalahas at pagiging gourmet ay parehas na mga espesyal na katungkulan. Subalit, ang pagiging mag-aalahas ay isang katungkulang nabibilang sa Middle Nine Paths.

Hindi man ito kasing giting ng mga apothecary, blacksmith at formation master, ngunit may kakayahan itong magdulot ng histerya sa ibang tao.

Iyon ay dahil sa kaya nilang malaman kung ang isang gamit ay isang kayamanan o hindi sa pagtingin lamang nito. Sa larangan ng [Treasure Speculation], sila ay may mga gintong daliri kaya sila ay itinuturing na katulad ng Diyos ng Pagsusugal. Maraming tao ang sumusunod sa likod nila nang may paggalang kapag lumilitaw sila sa publiko.

Ang treasure speculation ay isang komersyal na gawain tulad ng Earth rock speculation. May mga sinaunang kayamanan na natabunan ng mga bato at halaman. Sa panlabas na itsura lamang nito, ang magagawa lamang ng isang tao ay alamin kung ano ang artifact na 'to. Imposibleng malaman ang antas ng kayamanan na ito at ang mga katangian nito.

Makikita lamang ang tunay nitong anyo kung lilinisin ang artifact na ito!

Maraming nagbebenta ng mga kayamanan na pinipiling huwag nang linisin ang mga ito at ibenta na lamang ito sa ganitong anyo. Ito ay katulad ng konsepto ng rock gambling. Bibilhin ng mamimili ang artifact base sa kanilang pagsusuri at kutob at lilinisin nila ito pagkatapos.

Kung sila ay mapalad, maaaring ito ay isang supreme treasure, na maaaring gawin silang milyonaryo sa isang iglap lang. Sa kabilang banda, maaari rin silang malugi sa pagbili ng isang walang kwentang bagay!

Langit sa isang banda at impyerno naman sa kabila.

Ito ay dahil sa sobrang hirap na mahulaan ang larong ito kaya marami ang nahuhumaling rito, minsan ay nababaliw pa dahil dito.

Ang mga mag-aalahas ay may kakayahang malaman kung tunay ba o hindi ang isang kayamanan. Ang mga mas magaling na mag-aalahas ay may kakayahan makilatis ang isang artifact bago pa man ito malinis. Kung kaya't kahit ang katungkulan na ito ay nasa Middle Nine Paths lamang, ang alindog nito ay nakakaenganyo sa marami na kunin ito.

Sa kabila ng lahat, ito ay ang Midas's Touch. Hangga't tingin nila ito ay isang kayamanan, bibilhin ito ng mga tao kahit gaano man kamahal ang mga ito.

"Si Master Mo Yang ay dumating dito pitong araw na ang nakalipas. Usap-usapan na siya ay isang kahanga-hangang mag-aalahas mula sa isang kaharian. Subalit, noon, ay wala man lang pumapansin sa kanya!"

Nagagalak na ipinakilala ng tindero si Master Mo Yang. "Sa unang araw, nung may isang taong gustong bumili ng bagay na mistulang bote ng alak na nagkakahalagang 100 pirasong ginto, hinikayat siya ni Master Mo Yang na 'wag bilhin ito. Subalit, hindi nakinig ang taong ito at s huli, matapos niya itong linisin, napatunayan na may problema sa bagay na ito at hindi man lang ito nagkakahalaga ng kahit isang pirasong ginto!

"Sa ikalawang araw, Hinimok ni Master Mo Yang ang isang fighter na gumastos ng 200 na pirasong ginto sa pagbili ng isang kayamanan. Hindi siya pinaniwalaan ng taong ito, kaya hindi niya ito binili. Kung kaya't binili mismo ito ni Master Mo Yang at matapos niya itong linisin, lumabas na ito pala ay isang mortal pinnacle weapon! Iyon ay isang bagay na hindi mabibili sa kahit gaano kalaking halaga! Sa isang iglap kumita siya nang malaki! Napuno ng pagsisi ang fighter at sumagi sa isip nito ang magpakamatay..."

"Sa ikatlong araw, sikat na sikat na siya. Maraming tao ang gustong hingiin ang kanyang gabay sa kung ano ang dapat bilhin. Subalit, isang maswerteng binata lamang ang nabigyan ng pagkakataon. Pinayuhan niya itong bumili ng isang maliit na jade na bote na nagkakahalaga ng 500 pirasong ginto! Sa oras na ito, inisip ng maraming tao na siya ay nagkakamali. Kahit gaano man kaganda ang jade vase na ito, imposibleng ito ay nagkakahalaga ng ganun kalaki... Sinong mag-aakala na sa oras na buksan ito, anim na tier 6 pill ang nasa loob nito! May isa pang tao na agad-agad nag-alok na bilhin ito sa halagang 10,000 na pirasong ginto!"

Kumislap ang mata ng tindero, "Kung titingnan, ito ay dalawampung beses na tubo! Ito ay nakakabilib! Sa mga sumunod na araw, siya ay dumaan sa market araw-araw at isang tao lamang ang pinapayuhan niya kada araw. Kahit ganito, ang taong kanyang pinipili ay siguradong yumayaman! Maraming tao ang nagwala dahil dito. Kung kaya't sila ay nagbantay dito mula umaga hanggang gabi, umaasang papaboran sila ni Master Mo Yang, at sila ay bibigyan niya ng payo! Ngayong nandito siya muli, hindi na nakapagtataka na magkagulo ang mga taong ito..."

"Kahanga-hanga!"

Matapos marinig ang kwento ni Master Mo Yang, kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan habang siya ay tumatango.

[Para malaman niya ang tunay na halaga ng isang kayamanan na nababalot ng lumot at dumi, ang kanyang mata sa pagsusuri ay walang katulad.]

"Un, oo nga pala. Nasa akin ang Library of Heaven's Path, ibig sabihin ba nito... kaya ko rin itong gawin?"

Kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan.

Binibigyang kakayahan ng Library of Heaven's Path ang isang tao na makita ang tunay na anyo ng mga bagay sa pamamagitan lamang ng pagtingin o paghawak sa mga ito. Ang ibang tao ay mangangailangan pa ng swerte sa treasure speculation, ngunit siya ay hindi na mangangailangan nito!

"May madaling paraan para yumaman ako!"

Nang maisip niya ang tungkol dito, hindi magawang pakalmahin ni Zhang Xuan ang kanyang sarili.

Sa rock speculation, bago bumili ng isang bato, kailangan pang pag-aralan ng iba ang maraming aspeto ng bato upang malaman kung may jade na lalabas mula rito. Subalit, iba si Zhang Xuan. Sa pamamagitan lamang ng paghawak ng artifact gamit ng kanyang kamay, ang Library of Heaven's Path sa kanyang isipan ay kusa nang magbibigay ng sagot para a kanya. Ang pagbili ng artifact matapos malaman ang sagot, madali lang para sa kanya na kumita mula sa palitang ito!

Nagkataon lang na ang kanyang sahod ay mababa at wala siyang pera. Kaya magandang pagkakataon 'to upang kumita siya ng malaking halaga!

Matapos sundin ang mga direksyon na binigay ng tindero, maagang nakarating si Zhang Xuan sa hall kung saan nagaganap ang treasure speculation.

Gaya ng kanyang inaasahan, hindi naiiba ang dating nito mula sa rock speculation. Lahat ng klase ng kayamanan ay nakalatag sa isang nakaangat na platform at bawat isa dito ay nababalot ng makapal na lumot, dumi, kalawang at bato. Mahirap na malaman ang hugis ng mga artifact, maging ang malaman ang halaga nito.

"Susubukan ko muna!"

Totoo ngang hindi kaya ni Zhang Xuan na suriin ito gamit lamang ng kanyang paningin. Kahit na sa iniisip ni Zhang Xuan na kaya ng Library of Heaven's Path na makita ang tunay na anyo ng artifact, hindi niya kayang masiguro ito. Kung kaya't upang patunayan ang kanyang teorya, hinawakan niya ang artifact na kasinlaki ng ulo ng tao.

Weng!

Umigkas ang kanyang isip at isang libro ang lumitaw sa library.

"Ang Ornamental Vase, hinubog ng isang 1-mo craftsman mula sa Timog Kiln. Mga kahinaan: May mga lamat na ito at kahit anong oras ay maaaring masira na ito..."

Ang katangian ng artifact ay naitala na sa isang libro.

"Kahit na ito ay malaki, lumalabas na basura pala ito!" Biglang komento ni Zhang Xuan habang kumikislap sa galak ang kanyang mga mata.

Tama ang kanyang pag-aakala! Hangga't siya ay madikit dito, kaya niyang makita ang detalyadong pagpapakilala sa artifact na ito. Kung kaya't hindi na niya kailangang matakot kahit gaano pa katago ang mga kayamanan, siguradong kaya niyang matukoy ang mga ito nang tama!

Hinawakan niya ang ilang mas malalaking artifact sa harap niya at nalaman niyang wala sa mga ito ang may malaking halaga. Nagpatuloy siya sa iba pang mga artifact sa gilid-gilid, ngunit hindi rin mamahalin ang mga ito. Walang magawa si Zhang Xuan kundi ang umiling. Hindi na nakapagtataka kung paano kumikita ang mga nagbebenta ng mga artifact na ito at ang mga mag-aalahas naman ay tanggap ng lahat, masyadong mababa ang tiyansa na may tunay na kayamanan sa mga ito!

"Ah, master, pakiusap bigyan mo ako ng payo!"

"Handa akong bayaran ka para sa iyong payo!"

"Master nagmamakaawa ako sa'yo..."

...

Habang hinahawakan niya ang mga kayamanan, umalingawngaw ang malalakas na sigaw sa hall nang napadaan ang sikat na si Master Mo Yang.

Ang mga mata ng mga naksunod sa likod niya ay pulang-pula, tila mukhang nababaliw na ang mga ito.

"Master, kapag nabigyan mo ako ng iyong payo, susundin ng dalagang ito ang bawat utos mo..."

"Master, handa akong dalhin ang iyong mga anak, kung ako ay gagabayan mo..."

May mga babae rin na lumalapit sa kanya, sinusubukan siyang akitin gamit ng kanilang mga alindog.

Nandiri si Zhang Xuan.

[Masyado siyang sikat! Tila kahit isang salita lang ni Master Mo Yang, sandamakmak na mga babae ang handang pagsilbihan siya mamayang gabi.]

"Lilisanin ko na ang Tianxuan Royal City mamayang gabi. Upang ipakita ang pasasalamat ko sa malugod na pagtanggap ng lahat sa akin, ako ay magsusuri para sa limang tao ngayon! Hindi niyo kailangang makipagpaligsahan pa rito. May pagkakataon ang lahat na palarin sa akin!"

Nang marating niya ang treasure speculation hall, huminto si Master Mo Yang.

Ang Master Mo Yang na ito ay may balbas na sing puti ng yelo, na nagpakita ng kanyang edad. Subalit, ang kanyang balat ay madulas at makintab at walang kahit anong lukot, siguro dahil inalagaan niyang maigi ang kanyang balat. Ang kanyang mga mata ay may aura ng pagiging superior, dahilan para bumaba ang tingin ng iba sa kanilang sarili. Kung kaya't walang may gustong makipagtitigan sa kanya.


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C41
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk